Chapter 9

122K 2.7K 246
                                    


Never compromise your standards because somewhere out there, there is a good man who is not willing, but more than capable of meeting or exceeding them
~Mr. Amarisoul~

🍎

"Misis, anong ulam ang may magic?"

Bumuntong hininga ako at tinapunan ng bored look si Yro. Seriously?

Kanina pa ako hindi tinatantanan ng lalaking ito sa mga hirit niya. "Ano ba talaga ang nakain mo, Yro?" I gave him a dead pan.

"Ano nga kasi!"

Nanonood kami ngayon ng Columbiana. He was resting his head on my lap while playing with my hand. Yung isang kamay ko naman, nilalaro ang buhok niya. Ang komportable ng mokong habang ginagawang unan ang kandungan ko. Pakiramdam ko ang relaxed ng katawan niya sa sofa.

Napairap na lang ako nang mapansing hinihintay niya ang tanong ko. "Ano?"

He grinned. "E di afri-TADA!" Pagboboses bakla niya tsaka binuntutan ng tawa ang joke niya.

I just blew a loud breath. "Ewan ko sa'yo Yro"

He just smirked and played with my fingers. Observing them one by one.

Inabot ko muna ang bowl ng popcorn na nasa lamesa sa harap namin at inilapag iyon sa tiyan ni Yro tsaka nagsimula nang kumain.

"May tanong ako, misis"

I grunted. "No more, Yro. If that's another joke, please spare me that"

Ngumisi lang siya at nilagay sa dibdib niya ang kamay ko. "Bakit ang guard walang bantay?"

Kumunot ang noo ko pero kalaunan ay pinisil ko ang ilong niya. "Meron. Si Papa God"

He smiled at me. "Witty" Komento niya kaya ngumiti lang ako tsaka nilaro ulit ang buhok niya at nanood ulit sa tv.

"May isa pa akong tanong"

I rolled my eyes.

Ang hyper ng lalaking ito ngayon. Hindi nauubusan ng mga hirit at tanong. E pareho lang naman kami ng nakain!

"Ang lamok ba kapag natutulog, nilalamok din?"

Hindi ko na napigilan at napasabunot ako sa buhok niya saka mahinang natawa.

Nakita ko namang napangiti rin siya nung narinig niya ang pagtawa ko. "Para ka ring sira noh?" Amused na tanong ko tsaka siya sinubuan ng popcorn na kaagad niyang tinanggap at nginuya.

"You laughed" Kibit balikat lang niya kaya ngingiting napailing ako.

Ilang sandali pa kaming nasa ganoong posisyon habang nanonood nang mapatingin ako kay Yro dahil hinihila hila niya ang mga daliri ko. "Bukas, magpapabar si Dark. Diba off mo bukas?"

Tumango ako. "Pero hindi ako sasama"

Mahina akong natawa nung mabilis nangunot ang noo niya nung banggitin kong hindi ako sasama. "Bakit?"

This time, tumawa ako ng marahan. "Anong bakit? E sa busy ako. Makikisabit ako sa lakad ni Kuya Sinc"

"Bakit?"

Ginulo ko ang buhok niya. "Kasi gusto ko siyang samahan"

"Bakit?"

"Kasi may lalakarin kami"

"Bakit?"

This time, hindi ko na napigilan at natawa ako. Ang cute cute kasi niya sa pagtanong ng bakit. Mukhang sobrang inosente. "Ang kyut mo, bwisit ka" Ngiti ko at pinisil ang ilong niya.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon