Chapter 21

98.8K 2.5K 480
                                    

"I'm sick of getting my hopes up for nothing."
~curiano~

🍎

BAKIT ganoon? Hindi pa puwedeng kapag nagmahal ka, maging masya ka na lang? Minsan ang daya ng love. Kung kelan masaya ka na, doon pa nagkakaproblema.

Eleina, alright. Inasahan ko ito pero bakit masakit sa pakiramdam? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Yro promised he'll fetch me. Pero tama nga pala ang mga sabi sabi, may pangakong napapako. And that is what Yro did. Dapat nga siguro hindi ako magexpect. Because dammit, my expectations led to me to this pain I'm feeling in my chest.

Huminga ako ng malalim saka lumapit kay Gavin. Isinantabi ko muna yung nararamdaman ko at nginitihan si Gavin. At least si Gavin nandito.

"You look really good" Asik ko pagkalapit ko sa kanya. Tumingkayad ako ng kaunti at hinalikan siya sa pisngi. He smiled.

"Mamaya, dikit ka sa akin" Napakunot noo ako.

He smirked. "Ayokong pagpiyestahan ka ng mga mata ng mga gago. Masyado kang maganda" Kibit balikat niya sabay bukas ng pintuan. He smiled. "Pasok na, mahal na prinsesa"

Hindi ko napigilang matawa sa kapilyuhan ni Gavin kaya nailing ako at pumasok na. "Para kang sira!"

.

.

.

Pagdating namin sa bahay ng kambal, agad pumuwesto sa tabi ko si Gavin. When I looked at him, ang seryoso ng mukha niya. Pero nung salubungin niya ang tingin ko, biglang lumitaw ang ngiti sa labi niya na ikinagulat ko.

Bipolar.

"Kapag kasama mo 'ko, kalimutan mo si Yro. Don't even think about him"

Mahina akong natawa. "Pinagsasasabi mo?"

He smirked. At gayun nalang ang pagsinghap ko nang maramdaman ang kamay niyang pumalibot sa baywang ko at hinila ako pabagsak sa dibdib niya. "I want your attention all on me, Briane"

Dama ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya kumalas ako sa hawak ni Gavin at tumikhim. Tarantadong puso ka, huwag kang mag-react ng ganyan! Si Gavin lang 'yan! Just Gavin.

Pilit kong pinakalma ang puso kong bigla'y tinamaan ng pagka-abnormal saka buong lakas loob na tumingin ulit kay Gavin na seryosong nakatingin sa akin ngayon.

His stares are giving me the chills.

Yung titig niya parang malamig na malambot na may kahalinga. And I didn't miss the tenderness on the way he looks at me.

"Gavin!"

Laking pasasalamat ko sa kadarating na si Ivo dahil naalis saglit ang tingin ni Gavin sa akin at bumaling siya dito. I breathed in. Malaking tulong talaga ang artistang ito.

Ivo turned his attention to me at napawi ang ngiti ko nung kumunot ang noo niya. "You're not with Yro?"

Umiling ako bilang sagot. Naramdaman ko pagkatapos ang pgdikit ng balikat ni Gavin sa balikat ko. "She's with me" Biglang sabad ni Gavin bago ko nakitaan ng pagkagulat sa mukha ni Ivo.

Hindi na ako nagtaka kung bakit. Siguro dahil lagi kaming magkasama ni Yro na parang di na kami mapaghiwalay. Kaya siguro ganyan ang reaksyon nila.

Saglit pang tumitig lamang sa amin si Ivo bago biglang umaliwalas ang mukha niya. "Well that's a first" Komento niya.

"Alam niyo, masyado ng malamig. We should head inside" Suhestiyon ko at bilang pag-iiba na rin ng usapan. Pero kung sa tingin ko ay hindi naman ganun kahalata ang ginawa ko, pinandilatan ko si Ivo ng mapansin ko ang pagtaas ng sulok ng labi niya. Yung tingin niya sa akin parang nang-uuyam. "Ivo" I warned and heard him laugh out before he started walking.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon