Chapter 30

109K 2.7K 790
                                        




Warning. SPG
🍎

MAY GAMOT ba na kung pwede lang ay iturok sa sarili para lang hindi makaramdam?

Kasabay ng pagbuntong hinga ko ay ang paglapit ni Papa sa inuupuna kong sofa. "Parang ang lalim ng iniisip mo, 'nak? May problema ka ba?"

Umiling ako at nagsalin ng juice.

Sa katunayan, meron. At ang tanging problema ko lang naman ay si Yro! What's with all the things that he's making me feel? Anong meron sa mga halik niya? Sa mga pag-aalala niya? Sa mapag-angking mga salita niya at sa malalambing niyang mga banat? Para saan ang lahat ng iyon kung hindi niya ako mabigyan-bigyan ng label? Anong tawag sa meron kami? Because I know so damn well that bestfriends don't kiss each other. And girl bestfriends don't get jealous when their guy bestfriend diverts his attention to another woman!

Mahirap. Nahihirapan na akong mag-isip kasi simula't sapul, wala akong karapatang magselos. Wala akong karapatang angkinin si Yro para lamang sa sarili ko dahil hindi naman kami.

Noong umalis sina Yro, naghintay ako ng isang oras para makabalik si Yro. Pero walang anino o bulto niya ang dumating kaya naman nagpahatid na ako sa driver nila Tita.

'Bakit ang tagal niyang bumalik? Ano kaya ang ginagawa nila ni Eleina? Baka na-traffic sa daan? Is he going to meet her parents again? Or... are they having sex?' Ang mga tanong na iyon ang pumipiga sa dibdib ko kagabi pa lang. Hindi ako mapakali. I don't know what to feel anymore.

And now, Yro is calling nonstop and texting me kaya pinatay ko ang phone ko.

Siya pa ang may ganang magalit na hindi ko na siya hinintay makaalis at umuwi na ako? Kasalanan ko ba kung natagalan siya sa paghatid kay Eleina kaya hindi ko na siya nahintay dahil tumawag si Mama at pinapauwi na ako? Kasalanan ko ba 'yon na hindi ko siya hinintay?

I sighed. "I have one problem" Umpisa ko kay Papa na nakikinig. I smiled. "But I can handle it. 'Wag kang mag-alala 'Tay. Kapag eto hindi ko nakaya, hihingi agad ako ng tulong sa inyo. Pangako"

Ngumiti siya. "Ganyan nga anak"

Napunta ang tingin ko kay Mama nang lumapit siya sa amin at tumabi kay Papa. May kinakalikot ito sa telepono niya. After nun, nag-angat siya ng tingin. "Nak', nag-text si Yro. Bakit daw nakapatay ang phone mo. Kagabi pa daw siya tumatawag"

I rolled my eyes. "Hayaan niyo ho siya. May kailangan lang sabihin iyon na hindi ko gustong marinig. Kaya, hindi ko muna papansinin" Sagot ko kila Mama. That's a lie but half-truth.

May inilahad si Mama sa harap ko. Sumimangot ako. "Nay' naman!" Nguso ko at kinuha sa kamay niya ang phone ko.

Istrikto niya akong tinaasan ng kilay. "Ano ba'ng sinabi ko sa'yo 'nak? Kung may problema ulit kayo ng kaibigan mo, pakinggan mo siya bago ka mag-react diyan! Wag' mong takbuhan ang isang situwasyon kahit gaano kasimple man iyan"

E hindi naman kailangan ng paliwanag kasi alam na alam ko na, 'Nay!

Napalabi lamang ako at sinunod si Ma. Ini-on ko ang phone ko just to see 57 missed calls from Yro and some other texts coming from him. But what I wasn't expecting is Gavin's name kaya nanlalaki ang mga mata ko.

Gavin:
You hurt my feelings, babe. Ilang araw akong nagpapalambing na kung sakali ay ma-mimiss mo ako at tatawag ka o magte-text man lang, pero heto at ako pa ang ko-contact sa'yo. Kamusta na ang baby ko?

Suminghap ako. Baby what? Tumawa ako sa kapilyuan ni Gavin. Tsaka ko na-realize na nawala siya sa isip ko. god! Anong klaseng tao ako?!

Mabilis kong dinial ang phone number niya at tinawagan ito.

The Playboy Game Changer (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon