My bestfriend is everything to me
Without her, life wouldn't be the same
She's the better part of me🍎
GULAT akong napatitig sa kanya after he pulled away. "Ang sama mo!" Gigil kong sabi tsaka piningot ang tenga niya ng pagkalakas-lakas.
Napa-ARAY! naman siya tsaka napahawak sa tenga niya. Nasaktan siguro. "Misis naman! Ang sakit nun!" Reklamo niya pero wala akong pakialam doon. Shit! Kasalanan kaya niya!
"Heh! Lumandi ka na nga, dinamay mo pa ako!"
Hinintay kong mag-sorry siya pero wala akong natanggap kundi ang ngising lumitaw sa labi niya. "Ang lambot talaga ng labi mo, misis"
Buwiset! I mentally groaned.
Jusko po, ang dami-dami ko pong ginawang mabuti sa buhay ko pero bakit binigyan niyo ako ng ganitong kalandi na Yro Qazvin!?
Umirap ako at umiwas ng tingin para itago ang namumula kong pisngi. "Pa-kiss ulit" Sinamaan ko siya ng tingin at walang alinlangang sinipa ang paa niya sa ilalim ng lamesa.
"Fuck!"
Pinandilatan ko siya. "Itigil mo na yang manyak mong bibig" Pagbabanta ko.
Sinimangutan niya ako. "You're so savage"
"And you're so manyak!" Puno ng gigil at pagkasarkastiko kong sigaw pabalik na nakakuha ng atensyon ng maraming cutomers.
Kung nasa normal na Briane ako ngayon, mahihiya ako. Pero ngayon hindi eh. Naiirita ako kaya naman sinamaan ko silang lahat ng tingin. "Tinitingin-tingin niyo jan?" Malamig kong tanong sa kanila at kuntentong tumango sa isip ko nang umiwas ng tingin ang marami sa kanila. Pero may ibang talagang tsismosa at nang-iintriga na pasimpleng umiwas ng tingin pero binalik naman ulit sa amin ang tingin. Mga walang magawa sa buhay! Tss.
Binaling ko ang tingin ko sa katabi kong si Yro at tinaasan siya ng kilay nang makita ang ngisi na nakapaskil sa labi niya. "Burahin mo yang ngisi mo. Hindi ka nakakatuwa" Pagsusungit ko tsaka siya sinubuan.
He looked at me happily. "Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Kahit lagi mo kong sinasaktan..." I glared at him but he just smirked at ngumuya ulit. "Ang sarap mo pa rin kasama. Lagi mo akong bine-baby kaya gustong gusto kong kasama ka kahit saan. Masaya ako kapag kasama kita"
Lub. Dub.
Pakiramdam ko may kakaibang espirito na sumasayaw sa puso ko. Ano ba yan!
Kung ano man 'tong kakaibang nararamdaman ko, pilit kong kinibit-balikat. Guni-guni ko lang ito. Siguro.
Kinuha ko yung pineapple juice at tinapat ang straw sa bibig ni Yro. Uminom naman siya agad. "Asus! Ang kulit-kulit mo kaya tapos ang bastos pa ng tabas ng dila mo! Kaya paanong hindi kita mababatukan o masasaktan ng pisikal diyan sa mga pinagsasasabi ng lintik na mahalay mong bibig!" Irap ko sa kanya at sumubo sa dumpling.
Sumimangot siya sa sinabi ko pero tinanggap naman niya yung kutsarang tinapat ko sa bibig niya. "Lagi mo na lang akong sinasabihang manyak. Namimihasa ka na" Parang batang reklamo niya.
Siya pa ang may ganang mag-reklamo ha! E sa totoo naman ang mga sinasabi ko.
"Aba'y tama naman ako ah!"
"Sayo lang kasi ako ganito. Kasi kahit makulit ako, nakakainis, o ano pa man, tanggap mo ako" Biglang seryosong sabi niya kaya natigilan ako at napatitig sa kanya. He looked at me sharply. "I'm serious when I tell you that I'm happy just by being with you Briane. Palagi akong masaya basta kapag kasama kita"
BINABASA MO ANG
The Playboy Game Changer (REVISING)
RomanceR-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typical role either. Who is she then? She's just the bestfriend. The bestfriend who is ready to play with fire. Come what may.