CHAPTER 1

860 9 0
                                    

DYLENE'S POV

Naglalakad ako sa hallway ng school. Katatapos lang ng klase. At nasa kalagitnaan pa lang ng araw. Halos ang karamihan ay mga nasa labas. Mga kakain na ng mga tanghalian, habang ako ay naglalakad patungo sa library habang may bitbit na mga libro.

"OMG! ANDYAN NA SIYAAAAA!" Malakas na tili ng isang babae sa hallway. Mukhang andito na nga siya. Sinalpak ko na lang ang aking earphones at saka nagpatuloy sa paglalakad nang biglang may humila sa braso ko, dahilan upang magkatinginan kami.

His pinkish lips. His rosy cheeks. His white as snow na skin. His dyed brown hair at ang mapungay niyang mga mata. Unti unti niyang inilalapit ang kanyang mukha sa akin hanggang sa......



Oh my ghad....







Makukuha na ba niya first kiss ko?










"DYLEEEEEEEEEEENEEEE!"

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata. Takte panaginip lang pala ang lahat. Andun sa pinaka climax eh. Agad kong kinuha ang phone ko upang tignan ang oras.



8 am.

What the. Ang aga mang gising ni mama. Daig pa niya ang alarm clock eh. Di nagatagal ay bumukas bigla ang pinto ng kwarto ko.


"Hoy ngayon ka lilipat sa apartment mo ah. Anong oras na. May pasok ka pa." Galit na sambit ni inang mahal.


"Hay ma naman. Ang aga pa." Sagot ko.


"Aba! Wala ka pa bang balak mag almusal? Bangon na! Kukurutin na kita sa singit mo kapag pinuntahan ulit kita dito!" At lumabas na ng kwarto ko si mama. Wala na akong magawa kaya naman bumangon na ako at nagligpit ng pinagtulugan.

Pagbaba ko ay nakita komg gising na si papa at si Ashley. Mga early birds talaga ang mga ito.

"Good morning sunshines!" Masiglang pagbati ko sa mga ito.


"Good morming ms. Sandovaaaaaaal." Sabi ni papa. Napataas naman ng di oras ang mga kilay ko.

"Pertaining to? Hello we're two here." Sabi ko.


"Bakit di ko ba pwedeng idamay nanay mo sa pagbati ko?" Sarkastikong sagot ni papa.

"Hay nako naman. Nag aaway pa kayo. Eto na mga kape niyo. Wag niyong palamigin." Pagsingit ni mama.


"Oo nga pala, tutulungan na kita sa paglilipat ng gamit mo dun sa apartment mo." Sabi ni papa.



"Wowwww! Sugoooooi" amaze kong sambit.


"Anong sugod? Suaugudin mo si papa?!" Pagsingit ni Ashley.



"Hoy ashley, ang layo ng letter I sa letter D." Pagsagot ko dito.


"Whatever." Sabay nag lagay ng letter "L" sa kanyang forehead. What the.


"Umagang umaga nag-aaway kayo. Let's start this day with a positivity and a smile." Sabi ni mama.

"Positivity? Ano yun?" Pagsingit ng pinsan kong si Kiks.

"Depressed ka lang eh." Sabi ko.

"Eh? Share mo lang?" Pagbawi neto.

"Kumain ka na rin kaya ate Kiks?" Pagsingit ni Ashley

"Eto na po, Sir Ashleeeeeeeeeey!" Sabay pinandilatan niya si Ashley.

Ganyan ang pamilya namin. Di pwedeng malungkot. Dapat lahat masaya. Full of good vibes. Oo nga pala, i'm Dylene Sandoval. 17 years old. And the proud Ms. Independent ng Sandoval Family dahil ngayon ang first day kung saan ako na lang mag isa ang titira sa apartment na nakuha namin.

Bakit nga ba kinailangan ko ng apartment? Simple. I just want to be independent. Evem though i was in Grade 11, need ko na magpractice ng pagiging independent. And i am confidently independent myself. Thank you. *Many Claps* and the fact na sinadya kong malayo sa amin ang school na pag-aaralan ko. *bow*

So mabalik tayo, nag umpisa na kaming mag almusal. Siyempre di mawawala ang mga asaran. Pagiging masaya. That's what our parents taught us. Dahil nakakasira ng araw kung puro nega. Diba? Kayo din alam kong ayaw niyo din ma-nega.

Nang matapos na kami mag almusal ay agad na akong kumilos upang magprepare ng gamit ko.

---------------------------------------*

"Ingat ka dito sa apartment mo ah?"sambit ni daddy nang makarating na kami sa apartment.

"Opo." Sagot ko.

"Lagi kang mag lock okay? Wag kakalimutan bunutin mga naka saksak, mga ilaw, mga appliances. Wala tayong pambayad kapag nag cause ka ng sunog. And lastly...."

"START YOUR DAY WITH A SMILE." Sabay naming sabi. Pinat naman ako ni papa sa ulo.

"Malaki na ang baby namin. And im proud of you being independent. Keep it up." Sabi niya sa akin.

"Thanks pa." At pagkatapos ay umalis na siya. Hello new home. Inayos ko na ang mga gamit ko at natulog ulit. Tomorrow is another great day.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon