CHAPTER 20

121 2 0
                                    

DYLENE'S POV

Sabay kaming umuwi ni Lester. Habang naglalakad papuntang bus stop ay hindi namin maiwasan na pagkwentuhan ang nangyari kanina.

"Hindi na lowkey ang relationship natin." Sabi ni Lester. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Aba! Kasalanan mo yon. Haha." Sagot ko sa kanya.

"Pero kung hindi nangyariyon, edi hindi mo ako sasagutin." Bawi ni Lester.

"Hay nako! Basta. Nakakainis lang yung babae kanina. Ang harot naman ng mga fangirls mo." Sambit ko sa kanya.

"Hahahahahahaha ayieeee nagseselos ka ba?" Pang-aasar ni Lester.

"Ako? Magseselos? Paano mo nasabi?" Tanong ko sa kanya.

"Yiee halata naman eh. Wag kang mag alala, ikaw lang. Hahaha. Wag ka nang magselos sa mga fangirls ko." Sabi ni Lester.

"Hindi nga sabi ako nagseselos. Naiinis ako dahil sumabog ang social media accounts ko dahil sa kanila! Alam mo yon! Kaya naka airplane mode phone ko!" Sigaw ko sa kanya. Napansin kong nakatingin sa amin amg mga nag iintay ng bus kaya naman nag sorry agad ako.

"Ang ingay mo naman pala eh. Hahahahahaha" pang-aasar ni Lester.

"Balakajan! Umuwi ka mag-isa. Mag tataxi ako." Pambabanta ko. Papara na sana ako ng taxi nang pigilan ako ni Lester.

"Ito naman! Napaka mainitin ang ulo eh. Chillax lang brad." Sambit ni Lester. Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Tatandaan mo, ikaw lang. Marami man ang humahanga sa akin, ikaw lang ang hahangaan ko pabalik. Wag mong kakalimutan yan." Sabi ni Lester. Pakiramdam ko namumula na ako dahil sa kasweetan nitong si Lester. Hindi lang magaling sa acads 'tong lalaking ito, magaling din itong magpakilig. Ay! Marupok ako. Sorry.

----------------------*

LESTER'S POV

Matapos kong ihatid si Dylene ay agad na akong umuwi.

"Hoy kuya! Official na talaga kayo ni Ate Dy?" Pambungad na tanong sa akin ni Von. Hala. Grabe. Ang bilis ng balita. Hindi nagtagal ay lumabas sila mama at papa.

"Nak, ipakilala mo naman sa amin yang girlfriend mo." Sabi ni mama. Takte yan. Pakiramdam ko namumula na ako sa kanila.

"Ayos lang yan anak. Basta wag niyo papabayaan pag-aaral niyo at alam niyo ang limits niyo in a relationship." Sabi ni papa. Tumango naman ako sa sinabi nila. The best talaga magpayo ang parents. They really know what's best. Pagkatapos ko maghapunan ay umakyat na ako sa kwarto. Mukhang inihanda na ni mama ang susuotin ko bukas. Kaya naman agad kong tinext si Dylene.

To:Dylene

Tulog ka na?

Maya-maya magreply kaagad siya.

Fr:Dylene

Magdidinner pa lang ako. Sa messenger na lang tayo mag usap.

Agad-agad akong nag online at nakita ko siyang online din kaya naman chinat ko siya.

L: oyy

*typing*

D: po?
L: bakit ayaw mo sa text tayo mag usap?
D: kakapaload ko lang
Kaso pang net lang. Wala akong pantext. Maeexpired na yon.
L: ahh kumain ka na.
D: nakain na po. Kakaluto lang ng noodles.
L:sige. Later na lang ulit.
D: 👍

Nahiga naman ako. Ramdam ko ang pagod dahil sa dami na naman ng dinecorate ngayon. Kaya naman hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

------------------------*

DYLENE'S POV

Nag online ulit ako matapos kong kumain. Mukhang di na nakaonline si Lester. Siguro pagod na yun. Agad kong inihanda ang susuotin ko bukas, hinanap na ang mga pang ayos dahil maaga bukas ang umpisa ng parade. Pagkatapos ay mag scroll down muna ako sa mga social media sites ko. Tambak ako ng mga message.

"Ate Dy, kayo na po ba talaga ni Kuya Lester?"

"How dare you! Bakit mo inagaw Lester namin!"

"Hindi ka naman kagandahan eh. Siguro ginayuma mo yon."

"Best wishes sa inyo. Stay strong."

"Kung saan masaya si Lester, dun na kami."

"OHMO! PERFECT COMBINATION :) STAY STRONG PO."

Napakamot na lang ako sa ulo nang mabasa ang tambak na mga mensahe ng mga fangirls ni Lester. Aish. Talagang campus hearthrob talaga ang mokong na yon.  Halos 50/50 lahat. 50% na supporters at 50% na bashers. Kaya kahit naka offline si Lester ay chinat ko ito

D: ang dami mo talagang fangirls. Grabe! Flooded ang social media accounts ko.

Agad akong nag offline at natulog na dahil maaga pa ako bukas. Papikit na sana ako nang biglang may tumawag.

"Hello?" Antok kong sagot.

"Wag ka nang magselos. Remembewhat i told you. Okay? Sleep well darling" then he hungged up. Di ko mapigilang hindi mapangiti. That jerk.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon