DYLENE'S POV
Pagkatapos namin magperform ni Lester ay agad na kaming nagbihis para sa pageant.
"Wow naman! Ang gandang mais." Pang aasar nila Hannah at Yzza.
"Tumigil nga kayo dyan." Sabi ko at nagtawanan sila.
"Ano ka ba naman. Hahaha. Prepared ka na ba? Baka mamaya maalala mo na naman yung hug." Sabi ni Hannah. Kahit kailan talag bwisit yung babaeng yun.
"Kinakalimutan ko na nga, pinaalala mo pa. Salamat sa support." Sarcastic kong sagot.
"Pero honestly. Goodluck." Sabi ni Yzza. Nginitian ko naman siya. Napatingin ako sa may pintuan at nakita kong lumabas sa kabilang classroom si Lester. Ngayon ko lang nalaman na talong ang costume niya.
"Uyy may natutulala sa talong." Rinig kong sabi ni Hannah.
"Ang laki ng talong niya." Wala sa sarili kong sambit.
Shit.
What the fudge did i just said?
Nakita kong nakatingin sila sa akin.
"Iba na naman kasi nasa isip niyo eh. I'm pertaining to his costume. Ay nako." Pagpapaliwanag ko. Napailing nalang ang mga kaibigan ko, at sinapok ko naman ang sarili ko. Ang bad mo, Dylene. Umayos ka nga.
"Mais ka pala." Sambit ni Lester nang pumasok siya sa classroom.
"Lumabas ka nga dito! Dun sa kabilang room ang mga lalaki" sabi ko sa kanya
"As if naman may pakialam ako sa katawan nila, eh sa'yo lang ako may paki." Sabi ni Lester. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Ang bastos mo! Anong sa katawan ko lang ikaw may paki?" Sigaw ko dito. Nakita kong pinagbubulungan na ako ng ibang mga kandidata dito. Takte.
"I mean may pakialam ako sa yo. Not in your body." Sagot ni Lester. Ghad Dy. Nakakahiya na pinag gagagawa mo sa buhay mo. Ayusin mo sarili mo okay?
"Huy, tulala ka na diyan." Nabalik lang ako sa katinuan nang magsalita si Lester.
"Aigoo. Sige na lumabas ka na. Shoo." Pagbubugaw ko dito. Nginitian niya muna ako bago siya tuluyang lumabas. Nag make-up na ako at inayos ang buhok ko. Dahil in 5 minutes ay mag-uumpisa na ang pageant. Nang matapos na ako mag-ayos ay bumaba na ako papunta sa court.
-----------------------*
LESTER'S POVPinababa na kaming lahat sa court dahil mag uumpisa na ang pageant.
"What's up pipooool?" Sigaw ng mga emcee. Agad na nagsigawan ang mga tao.
"So shall we start the pageant? Ladies and gentleman, the candidates of Mr. and Ms. Nutrition Month." At nagpalakpakan ang lahat. Unang lumabas si Nath na naka Sitaw. Sunod ay si Robert na naka caulli flower.
"Candidate number 3." And lumabas na ako with the power of eggplant. Rampa dito, rampa doon at saka sa gitna para magpakilala.
"John Lester Sy. Grade 12 -STEM 22 eggplant". At nagatawanan ang lahat na may haling hiyawan at pagkatapos ay bunalik na ako sa backstage. Tag tanggal ng costume. Hindi nagtagal ay mga babae na. Pinanood ko muna yon hanggang si Dylene na ang nagmodel.
"Dylene Sandoval. Grade 11-Humanista. Knock knock?" Tanong niya sa mga tao.
"Who's there?" Sila.
"Corn."
"Corn. Who?"
"I'm only one, corn away i'll be there to save the day..... Okay corny." At nagatawanan ang lahat. Grabeng babae to. She never failed me. Lagi niyang nalalampasan ang imagination ko. May kakaiba sa babaeng ito. Hindi kaya tinatamaan na ako sa kanya?
---------------------------*
DYLENE'S POVBumalik kami sa classroom para magpalit ng casual. Nagpalit ako ng yellow off-shouldered na blouse at white short.
"Knock knock?" Nagulat ako nang may nagsalita sa gilid ko.
"Lester naman. Basta basta napasok." Inis kong sambit dito.
"Sorna. Knock knock?" Tanong niya. Wala na naman siguro itong magawa sa buhay niya kaya ako na naman ang pinagtitripan.
"Who's there?" Tanong ko.
"Talong"
"Talong. Who?"
"Talong and lasting love." Straight ko siyang tinignan sa mata.
"HA HA. Okay na ba dalawang tawa? Corny mo. Umalis ka na nga." Inis kong sambit dito.
"Hahaha. Atleast binigyan mo ako ng HA Ha. So it means bumenta kahit konti. Ano? Am i right?" Ang kulit talaga aa yan. Nilingon ko siya at sinapok.
"Hoy, mr. Campus Hottie, hindi bumenta sa akin yang walang kwenta mong joke. Pangalawa, bumaba ka na sa court since tapos ka na magbihis ng pang casual. Pangatlo, would you stop bothering me right now? Kasi baka manaya hindi ako makapagfocus." Sabi ko dito. Wait. Inamin ko bang di ako nakakapagfocus pag andyan siya? Fudge.
"Di ka pala nakakapagfocus kapag nakikita mo ko hahahaha. Lumabas din ang katotohanan. Okie. Babye." At lumabas na siya ng room. Napasapo na lang ako sa noo ko. Why God? Why? Bakit napaka hangin niya.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018