CHAPTER 33

118 2 0
                                    

DYLENE'S POV

AFTER 2 YEARS

Nasa third year na ako ng pagiging mass communication student, habang si Lester ay nasa fourth year na ng pagiging nursing student. Naging busy na kami sa school lalo na si Lester dahil graduating na siya. Busy na siya sa mga papers at OJT.

"Huy ilang linggo na hindi nagpaparamdam boyfriend mo ah." Sita sa akin ni Rea.

"Oo nga. Baka may iba na yan." Singit naman ni Janella. Kasalukuyan kaming naglalakad sa may field dahil maganda ang panahon ngayon at para makapagliwaliw din kami.

"Ano ba kayo, busy lang yun sa studies niya." Depensa ko.

"Eh ano yun?" Sabay turo niya sa isang bench sa gawing kanan ko. Nakita ko si Lester doon habang may katabing babae. Halatang nakakatawa ang pinagkukwentuhan nila dahil tawa ng tawa si ate girl.

"Yeah. Mukha nga silang masaya eh." Sarcastic kong sambit. Bumalik na kami sa dorm at nag aral na lang ulit ako para makalimutan yung nakita ko kanina.

"Alam mo ba yung nakita mo kanina na babae, kilala yun dito sa university. Sa pagiging dean's lister, athletic, genius. All in one package na. And her name is Dianne." Paliwanag ni Rea.

"Wala pa ako sa kalahati niya." Sagot ko. Hindi na ako magtataka kung makakahanap ng bago si Lester. Famous naman siya eh. Maraming mas bagay sa kanya. Agad ko siyang tinawagan at pinapunta sa isang convenient store para kausapin.

"Hey, anong problema?" Tanong agad nito sa akin pagkadating niya.

"Let's break up." Sabi ko. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ko.

"Anong break? Huy umayos ka nga. Pag usapan natin to." sabi ni Lester.

"Ano pang pag uusapan? Halata naman nakahanap ka na ng iba tsaka prioritize muna natin studies natin." Paliwanag ko sa kanya.

"Anong nakahanap ng iba? And di naman natin napapabayaan studies natin ah? Halos wala na nga tayong time para mag date." Sagot nito.

"Nakakasawa na. Lagi kitang nakikitang may babae. Tapos wala ka nang time sa akin. Oo naiintindihan ko na studies pero bakit pakiramdam ko nagsisinungaling ka na?" Sambit ko sa kanya. Hinawakan naman niya ang mga kamay ko.

"Dyee, ang tagal na natin. Almost 5 years na tayo. Bakit ngayon ka nasuko? Umayos ka nga. Itatapon mo na lang ba ang mga memories natin na magkasama?" Sambit nito sa akin.

"Hindi naman sa ganun. I think we need to take rest from this relationship that we had." Paliwanag ko sa kanya.

"No. Hindi ako papayag. Papakasalan kita after college. No buts. Alam kong nagkakatantrums ka na naman. Sige na, bili kita ng ice cream." Agad siyang tumayo at nagtungo sa counter. Napasapo na lang ako sa noo ko. Damn, Dyieee. Ano ba naman yang mga pinagsasasabi mo? Aigoo.

--------------*

LESTER'S POV

"Thank you sa ice cream". Sambit ni Dylene pagkabigay ko sa kanya ng ice cream. Hindi ko alam kung anong pumasok sa kukote nun at bigla bigla na lang nakikipaghiwalay. Kung tutuusin, sa loob ng limang taon frequent lang kami mag away. Sinabi din niya sa akin na nakita niya ako kasama si Dianne. Kaya naman pinaliwanag ko kung bakit kami magkasama nun sa may field.

"Alam mo Dyee, wag mong pagselosan kapag nakita mo akong may kasamang babae. Di naman masama kung magkaroon ako ng babaing kaibigan di ba? And di ko magagawang magloko, cause i don't want to break your trust. At alam ko sa sarili ko na ikaw at ikaw ang pipiliin ko. Always remember that, huh?" Sabi ko sa kanya. Pinat ko naman siya sa ulo.

"Ehh! Wag mo akong gawing pusa." Sabi nito sabay nag pout. Hahaha. Ang cute talaga niya kapag nagseselos siya.

"Graduation pictorial na namin next week." Sabi ko. Napatigil naman siya sa pagkain at tumingin sa akin.

"Yiee! Gagraduate ka na. Ako naman kasunod." Sabi nito. Natawa naman ako ng bahagya sa ginawa niya.

"Hahaha. May isang taon ka pa. Kaya mo yan. Fighting lang. Ihahatid-sundo kita araw araw.  Gaya ng ginagawa ko sa'yo." Sabi ko sa kanya.

"I love you".

I replied, "I love you too".

"Basta wag mo kakalimutan kung gaano kita kamahal araw-araw. Wag mo din sana kakalimutan ulit, na sa dinami rami ng babae sa mundong ito, ikaw ang napili ko o di kaya ikaw ang destiny ko. Soulmate." Sabi ko sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya at nagtungo na sa klase ko.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon