CHAPTER 8

146 4 0
                                    

DYLENE'S POV

Nang matapos ang practice ay agad akong umuwi para maglinis. Kinonect ko muna ang phone ko sa speaker para hindi tahimik sa apartment.

Now Playing: ILYSB by Lany

"Oh my heart hurts so good, i love you babe.... So bad.....so bad... Ohhh" habang nagalalaba ay sinasabayan ko ang chorus ng kanta. Bakit kaya ang sasakit ng mga kanta ng Lany? Aa yan. Hoy pero honestly speaking, never pa akong nasaktan sa love. Im NBSB y'know. Marami akong naging ka M.U pero ni isa wala akong nakatuluyan.

I admit may crush ako kay Lester. Pero hanggang dun lang. Hahaha. Hindi ko nga ineexpect na magiging crush ko ang mokong na yun. Ang yabang. Pero kahit ganun, matalino yun at mabait. Kaya nga di na ako magtataka kung bakit naging Campus Hearthrob yun eh. He's almost perfect. Swerte nang magiging girlfriend nun.

Nang matapos na ako maglaba ay sunod kong nilinis ang apartment. Napaka oozy ko kasing tao kaya kailangan malinis palagi ang paligid ko.  Habang naglilinis, biglang may nagdoorbell. Agad kong tinignan kung sino yun at laking gulat ko nang makita ko siya.

"Hey." Sabi ni Lester.

"Paano mo ako natunton? I mean, paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Sunod-sunod na tanong ko dito.

"Simple. Tinanong ko si Hannah." Tipid na sagot nito.

"Baka naman pwede mo akong papasukin, ano?" Tumango naman ako bilang sagot at bigla na siyang pumasok pagkatapos.

"Ang laki naman pala ng nakuha mong apartment." Sabi ni Lester.

"Bakit ka nga pala naparito?" Tanong ko sa kanya. Tinignan naman niya ako at ngumiti, saka siya naglabas ng mga libro at notebooks.

"Dito ako magrereview." Sagot nito. Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa mga ginagawa niya.

"Bakit wala ka bang bahay para dun ka mag review?" Tanong ko rito.

"Malamang meron. Pero gusto ko dito eh. May magagawa ka ba?" Sagot nito kaya naman wala na akong nagawa kundi ang payagan siya magreview dito.

"Kung gusto mo, sabay na tayo magreview para sa competition." Sambit ni Lester. Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Tapos ano? Magpapakahangin ka na naman diyan? Nako! Nako! Sinasabi ko sa'yo, di na ko magdadalawang isip na sapukin ka kung ganun." Nakapamewang kong sambit.

"Sige ka, bubugbugin ka ng mga fangirls ko. Like hello, meron pa tayong Nutrition Month." Sagot ni Lester. Ay oo nga naman pala. Di ko na masyadong naaasikaso yun.

"This week na yun, diba?" Tanong kp sa kanya.

"Yep. Friday." Tumango naman ako. Kinuha ko na rin ang mga libro at notebooks ko at tumabi na din sa kanya para magreview.

"Nagawa ko na mga pinagagawa mo para sa nutrition month. Anong kakantahin natin sa duet?" Pambabasag ni Lester ng katahimikan. Napatigil ako sa pagbabasa at nilingon siya. Fudge. Nawala din sa isip ko ang tungkol dun.

-----------------*

LESTER'S POV

Pinagmamasdan ko si Dylene habang nagbabasa siya. Mukhang focused talaga siya. Biglang nasagi sa isip ko ang tungkol sa duet namin kaya naisipan kong tanungin siya tungkol dito, subalit ngayon ay nakatitig lang siya sa mga mata ko. Mukhang nakalimutan niya ang tungkol doon.

"Did you just forgot?" Tanong ko sa kanya, which is sinagot niya ng pagtango.

"How about "nothing's gonna stop us now?" " tanong ko sa kanya.

"Gusto mo magrock tayo?" Suhestion niya.

"Pwede. Anong kanta?" Tanong ko.

" "Jam" ni Michael Jackson o di kaya "Scream" kay michael jackson din kasama si Janet?" Sambit ni Dylene.

"Di ko alam mga yon." Sagot ko agad niya akong binigyan ng lyrics at pinatugtog ang minus one.

Pinakinggan namin ang parehong kanta. Nalaman ko rin na favorite singer niya si Michael Jackson dahil puro kanta nito ang nasa playlists ni Dylene.

"Mas gusto ko yung Jam. Yun na lang." Suhestion ko. Napangiti naman siya dun dahil yun din ang gusto niyang kanta. Pinractice namin nang pinractice hanggang sa nag minus one na kami. Nang medyo okay na, nagpaalam na ako sa kanya dahil medyo dumidilim na.

"Mabuti kinakaya mo mag-isa dito. Di ka natatakot na baka pasukan ka dito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman. Bakit?" Tanong niya.

"Wala naman. Im just concerned. Sige na. Aalis na ako. Babye." Palabas na sana ako nang pigilan niya ako.

"Hatid na kita sa may bus stop." At agad niyang kinuha ang susi niya. Tahimik lang kaming nag intay nang bus at nang may dumating na ay umuwi na siya agad.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon