CHAPTER 16

117 3 0
                                    

DYLENE'S POV

Nakakailang pag magkasama kami ni Lester sa school. Hindi maiiwasan na pag-usapan kami since Campus Heartthrob siya, at Student Council President ako,genius or ewan ko kung anong tingin nila. Basta ganun. Maraming mata amg sumusubaybay sa amin araw-araw at siyempre, pag nalaman ng lahat ang ligawan portion aawayin ako ng mga fan girls ni Lester.

"Lester pag-usapan muna natin yung tungkol sa mga fangirls mo." Sabi ko sa kanya. Kasalukuyan kaming nakatambay sa school grounds at nakahiga naman siya sa akin.

"Go lang." Sagot nito.

"Alam kong pareho nating gusto na maging low-key lang ang tungkol sa atin. Pwede bang minimize tayo dito sa school? I mean, pag magkasama. Kasi siyempre, di maiiwasan na pag-usapan nila tayo." Sabi ko sa kanya. Agad niya akong tinignan at ngumiti.

"Pag-uusapan at pag uusapan pa rin naman nila tayo. Tsaka hello, gagraduate na ako sa school na ito. They don't mind." Sagot nito.

"Pwede ba.... Kapag tinanong ka kung anong meron sa atin... Can you just deny it?" Gulat itong napatingin sa akin. Yun na lang ang nakikita kong paraan para tahimik ang buhay namin sa school.

"Ayoko nga." Sagot nito. Kaya tumango na lang ako. Wala din naman akong magagawa kung ayaw niya.

"Bakit mo ba kasi sila iniintindi? Don't mind them. As long as wala tayong ginagawang masama o natatapakan na tao, it's all fine. Aawayin ka nila? Go ahead and try. Ako ang makakalaban nila. I'll protect you from them." Sabi ni Lester sa akin. Ang sweet naman talaga ng lalaking ito eh. Kung sabagay may point siya. I mean may point naman talaga siya. Why should i mind what other people think?

"Basta ako.... Hindi ako magsasawang ipakita sa lahat kung gaano kita kagusto. Hindi ako magsasawang ipakita sa lahat kung gaano ako kasweet sa'yo. 'Cause you're more special than them." At inakbayan niya ako.

"Baka sa contest magpatalo ka dahil sa akin... Don't do that." Sabi ko sa kanya. He smirked.

"I won't. Gusto ko tayong dalawa ang maglalaban. Matira matibay sa contest. Hahaha. We're rivals right?" Natatawang sambit nito. Natawa naman ako sa kanya. Pagdating talaga sa acads, ayaw magpatalo ng isang 'to.

"Yeah. Rivals." At nag fist bump kami. Nagpaalam na siya na pupunta na siya sa next class niya. Nang makaalis siya, ay saktong dating naman ni Jannelle, Yzza, at Hannah.

"Huy girl. Magkwento ka naman."sabi ni Nelle.

"Tungkol saan?" Tanong ko.

"Tungkol sa inyo ni Lester." Sabi ni Yzza. Nagkibit balikat na lang ako at saka ngumiti.

"MU na ba kayo?"tanong ni Yzza. Nagkibit balikat na lang ulit ako at saka tumawa.

"Yieee. MU na yan sila ayaw lang aminin." Sabi ni Hannah.

"Oo na." Pag amin ko. Hindi ako titigilan ng mga kaibigan kong yun hangga't di ako umaamin.

"Yieeee... We're so proud of you." Sabi ni Yzza at niyakap ako.

"Akalain mo, napabigay ni Dylene ang campus hearthrob. Ay grabe ka girl! Iba talaga yang karisma mo eh. How to be you po?" Sabi ni Nelle.

"So sinong unang umamin?" Tanong ni Hannah.

"Malamang siya. Then the feeling is mutual my dear. Nagpaalam siya sa parents ko noong weekend kung pwede niya akong ligawan, from which they agree as long as hindi namin mapapabayaan ang studies namin." Sagot ko sa kanila.

"Sana all may ganyang parents. Mama ko kasi ang strict. Sa college ka mag boyfriend bago mag graduation. Hahahahahaha." Sabi ni Nelle.

"Ako nga eh, niloloko ko lang na may boyfriend ako ang sinasabi sa akin, "sige tumigil ka na. Mag asawa ka na lang" hahahahah". Sabi ni Yzza.

"Ako wala talagang balak." Sabi ni Hannah.

"Wala naman ata sa bokabularyo mo yun. Tignan mo hindi ka nag-aayos. Ang sexy mo pero tomboyin ka gumalaw. Aba'y malamang, walang magkakamali sa'yo." Sabi ni Nelle.

"Ehh... Porke't may ano ka na eh." Sabi ni Hannah.

"Hahahaha. Shhh... Wag ka nang maingay bro." Sagot naman ni Nelle. Namiss ko kasama itong mga asungot na ito eh. Ang tatahimik kasi nila nitong mga nakaraang araw.

"Ang tahimik niyo nitong mga nakaraang araw ah. Anong meron?" Tanong ko sa kanila.

"Inoobserbahan lang namin kayong dalawa ni Lester." Sabi ni Hannah.

"For what?" Tanong ko.

"Baka kasi kung kalokohan ang gawin mo sa bebe ng campus. Ano ho. Hahahahaha." Sabi ni Yzza. Napailing na lang ako sa kalokohan ng mga ito. Pagkatapos namin magkulitan ay napagdesisyunan na naming pumunta sa susunod na klase namin.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon