CHAPTER 18

121 3 0
                                    


DYLENE'S POV

Dumating na ang araw ng competition. 5 am nang dumating ako dito sa school since dito magkikita kita lahat ng mga kalahok bago pumunta sa Cabuyao City, Laguna dahil dun gagawin ang competition.

"Sana naman di na late yun si Lester." Bulong ko sa sarili ko. Agad kong kinuha ang phone ko at tinext si Lester.

To: Lester

Hoy bakla! Asan ka na? Wag ka na naman magpaka special ha?

Hindi nagtagal ay nakatanggap ako ng reply mula sa kanya.

Fr: Lester

Opo madam. Wag mo akong tawaging bakla. I'm not gay. Second, papunta na ako. Kakasakay ko lang ng bus. Pangatlo, well i am naturally born special. Hahahaha and i am special to your eyes. Hahaha.

Pakiramdam ko namumula na ako. Napahawak ako bigla sa mga pisngi ko.

"Dylene, ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Ma'am Jas.

"Ayos lang po ako." Sabi ko at nginitian na lang si ma'am Jas. Hindi nagtagal ay dumating na din si Lester.

"Himala maaga ka." Pabiro kong sabi.

"Diba tinext mo ako at sinabing wag magpalate? Kaya ito." Sagot ni Lester.

"Kaya pala namumula kanina si Dylene. Hahaha. Nililigawan mo ba?" Tanong ni ma'am Jas.

"Ma'am actually......"

"Yes ma'am." Hindi na ako pinagsalita ni Lester at siya na ang nagsabi kaya naman tinitigan ko lang ang lalaking ito.

"Ahh. Kaya naman pala. Halata naman sa mga tinginan ninyo eh. Hahaha basta wag niyong pababayaan studies niyo, okay?" Sabi ni ma'am Jas, tumango na lang kami ni Lester bilang tugon. Nang makumpleto na kaming lahat ay umalis na kami papunta sa Laguna. Dahil dun gaganapin ang competition. After ng isang oras mahigit na biyahe ay nakarating na kami. Agad kaming pumila sa may registration at binigay sa amin ang mga ID namin. Pumasok na kami sa auditorium kung saan gaganapin ang competition.

"Goodluck." Bulong ni Lester sa akin.

"Same to you." Sagot ko sa kanya. Naupo na kami sa mga upuan na nakahilera sa stage na may mga white boards and pens na nakaprepare. Hindi nagtagal nag umpisa na ang elimination round.

"So for the round 1 of this competition. You should answer the question correctly. The one who answered wrong is eliminated." Pagpapaliwanag ng quiz master sa amin.

"Okay, so for the first question... Pens up. Every question will be answered for only 10 seconds." Sambit ng quiz master.

"Okay for the first question:which acid is produced when milk gets sour?

A. Tartaric acid

B. Butyric Acid

C. Lactic Acid

D. Acetic acid

Ready.... Answer."

After 10 seconds.....

"Raise your answers." At tinaas namin lahat ang board.

"The correct answer is Letter C. All got correct answers." At agad itong nilagay sa score board.

------------------------*

LESTER'S POV

Nasa Round 3 na kami ng competition. Lima na lang kaming mga kalahok ang natitira, kasama si Dylene.

"For the final round, you have to answer the question verbally. Paunahan makapindot ng buzzer. Kapag mali ang sagot may chance pa sa ibang player na makasagot. Angmay pinakaunting points na makukuha dito will be eliminated. This time, the questions will be identification." Pagpapaliwanag ulit ng quiz master.

"Okay... For the first question." Medyo nakakaramdam na ako ng kaba sa round na ito dahil identification na. Wala nang pagpipilian." Pahabol na sambit ng Quiz master. Agad na kaming nagprepare para sa pag uumpisa ng final round. Naging dikit ang labanan namin hanggang kaming dalawa na lang ni Dylene ang natitirang contenders.

"So we're down to two contenders amd at the same school pa." Sambit ng quiz master. Nagkatinginan kami ni Dylene. Eto na. Magakakaalaman na kung sino sa amin ang mananalo.

"The question is: It is a region in space where points are equipotential. Represented by lines surrounding ang electric field."

Fudge. Pang Grade 12 physics yun. Habang iniisip ko ang sagot ay nag buzz si Dylene.

"The Equipotential Surface." Sagot niya. Hindi nagtagal ay tumunog ang buzzer indicating na siya ang nakakuha ng tamang sagot.

"Congratulations, Ms. Dylene for winning the 2018 Science Quiz bee" agad ko siyang pinuntahan at niyakap.

"Congrats." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya at nagpasalamat sa akin. Pagkatapos ay nag umpisa ang picture taking. Pinicturan kami nila ma'am Ja.

"I'm so proud to the both of you. Hindi nagkamali ang school natin na piliin kayo para ilaban dito." Sabi ni Ma'am Ja. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Dylene dahil sa pagkapanalo niya. And i'm also happy for her.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon