DYLENE'S POV
It's almost 11 pm nang matapos ako magreview. Nakauwi na si Hannah kanina dahil papagalitan na siya. Agad kong kinuha ang mga art materials ko para gawin ang lettering para sa Nutrition Month. Nasa kalagitnaan ako ng pag gagawa nang tumunog ang phone ko.
"Hello, Ma?" Tanong ko dito.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Mama.
"Nagawa ng letterings pang decoration sa Nutrition Month. Bakit po?" Sagot ko dito.
"Wala naman. Ayos ka lang ba dyan? Nakakakain ka ba ng ayos? O kung di mo kaya mag-isa balik ka na dito." Sabi ni mama. Si mama yung taong OA. Masyado siyang advance mag isip. Pero kahit ganun yon, mahal na mahal ko yun. May mga times na di maiiwasan ang pagtatalo, pero mas nangingibabaw pa rin ang pagmamahal.
"Okay lang ako ma. Nakakakain ako ng maayos. Apat na beses sa isang araw. Malapit lapit ang apartment ko sa school. 15 minutes lang ang biyahe. Kesa diyan 1 hour bago ako makarating. Depende pa kung traffic. I'll be fine, ma. Kamusta mo na lang ako kay Ashley." Sabi ko dito.
"O sige. Matulog ka na. Wag kang magpupuyat."
"Opo ma. Babye." Then she hanged up. Pero siyempre di pa ako makakatulog dahil gawa ng mga decorations na ito. Nakalimutan ko pang ibalita kay mama yung tungkol sa Science Competition. Konting push na lang, Dy. Malapit ka nang mag college. Konting push lang. Aja.
Nagpatuloy lang ako sa pag gagawa until 1 am.
"Takte. Antok na ako. Mamaya na nga." Tinabi ko agad ang mga nagawa ko at saka natulog. 9 am pa pasok ko mamaya yet nagagawa ko pa rin na magpuyat.
--------------------------*
KRIIIIIIIIIIINNGGGG
Kinuha ko ang alarm clock ko na nasa bedside table ko lang. It's 8 am. Arghhhh. Inaantok pa ako. Pero ayoko malate kaya bumangon na ako at nagprepare na para pumasok. Nagluto ako ng almusal ko, plinantsa ang uniform at naligo. Pagkatapos ko kumain ay inayos ko na ang mga gamit ko at saka lumabas ng apartment para pumasok na.
Habang naglalakad papunta sa Bus Stop ay may nakita akong mag-ina na sa kalsada lang naninirahan. Agad kong kinuha ang pagkain na nasa bag ko at ibinigay sa kanila.
"Maraming salamat, ineng. Pagpalain ka sana." Sabi nung nanay. Napangiti naman ako dahil masaya sila. Sa tuwing nakakakita ako ng mga homeless, naaawa ako sa kanila. Maybe i was born with a soft heart pagdating sa kanila. Pagkatapos ko silang bigyan ng pagkain ay nagpatuloy na ako papunta sa bus stop.
Hindi nagatagal, ay dumating na ang bus. Agad akong sumakay. Nang tumigil ulit ito sa isang bus stop ay may tumabi sa akin. Hindi ko ito pinapansin dahil nakatingin lang ako sa bintana at nakasalpak ang earphones ko. Nagulat ako nang kinulbit ako nito kaya tinignan ko kung sino ito.
"Ang snob mo naman." Sabi ni Lester.
"Himala nag bus ka. As far as i know, hinahatid kayo lagi ng kapatid mo." Sabi ko sa kanya. Kadalasan kasi sila ang sabay ng kapatid niya. Mukhang di niya kasabay ito ngayon.
"Nauna nang pumasok kapatid ko." Sagot ni Lester kaya naman tumango naman ako.
"Eh ikaw? Saan ka nakatira?" Tanong nito sa akin.
"Taga Manila. Eh naka apartment ako kaya dito ako sa Makati. Para malapit lang sa school natin." Sagot ko.
"Ahh.. Ako taga Makati talaga eh. Hahaha." Sabi ni Lester. Iniisip ko kung may nakakatawa sa sinabi niya dahil siya lang ang natawa. Baliw lang.
"Ahhhh. Okaaaay." Sagot ko. Naging tahimik na lang ulit kami sa biyahe. Nakita kong sinalpak na din niya ang earphones niya.
------------------------------*
LESTER'S POV
Hindi ko inaasahan na makakatabi ko si Dylene ngayon sa bus. Nakakailang makipagusap ngayon dahil dun sa pesteng ngiti na yon. Kaya naman sinalpak ko na lang ang earphones ko. Nang makarating kami sa school, as usual, pinagtitinginan kaming dalawa.
"Wag ka nang mailang. Di ko sineryoso yung smile mo. I know friendly smile lang yon." Sabi ni Dylene at saka siya umalis. Teka? Tama ba yung narinig ko?
"I know friendly smile lang yon."
Isa pang replay, brain.
"I know friendly smile lang yon."
Damn. Atleast di niga sineryoso yung ngiti kong yun, pero ang weird ko ano? Bakit ba big deal sa akin ang pag ngiti? Parang ang immature ko tignan dahil sa kinikilos ko kapag kasama ko si Dylene. Ahh. Damn it. Nakakaasar.
Agad akong nagtungo sa klase ko at pagkapasok ko pa lang ng classroom ay inakbayan ako ni Jefferson.
"Huy magkasama daw kayong pumasok ni Dylene." Sabi nito habang hinahatid ako sa upuan.
"Coincidence lang." I answered.
"Yieee. Crush mo si Dy ano?" Tanong ni Rodney matapos nitong marinig ang pinag uusapan namin ni Jeff.
"Ay ewan ko sa inyo!" At tumungo na lang ako. Tutulog na lang muna ako habang wala pang teacher dahil di ako titigilan ng mga kaibigan ko kay Dylene.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018