DYLENE’S POVLakas ng amats ng lalaking yun. Tatawagan lang ako sa gitna ng usapan namin ni tita para lang sabihing gusto niya ng hotdog. Bakit di na lang siya magluto? Takte yan.
“bakit mukhang badtrip ka ata?” tanong sa akin ni tita.
"Paano ba naman yung ka-school mate ko tatawag lang para sabihing gusto niya ng hotdog. Edi sana nagluto siya." Inis kong balita kay tita. Si tita naman ay natatawa dahil sa pagkakakwento ko.
"Baka type ka nun. Tas nagawa lang mg segway para makausap ka. O di kaya baka aamin na sana siya sa'yo kaso nawalan ng lakas ng loob kaya sinegway na lang niya ang hotdog. Pero in fairness ha, nakakatawa siya. Hahahahahaha" natatawang sambit ni tita Lyn. Medyo umasa din ako dun eh. Kakasabi niya ng "I Like" takte. Ang rupok ko ata pagdating kay Lester. Ahhhh.
"Yon? Aamin? Come, On tita. Hahahahaha. Eh sayang gwapo nun torpe naman kung ganun. Hahaha." Pabiro kong sabi kay tita.
"Landi eh. Hoy di ako sure sa mga pinagsasasabi ko sa'yo. Theoretical lang yon. Baka naman seryosohin mo aba." Sabi sa akin ni tita. Oo nga naman. Masakit masaktan dahil sa kakaasa na yan di ba? Kaya maraming nasasaktan kasi maraming tao ang pafall, pero walang taong pa fall kung walang taong mafa-fall.
"Huy, hija. Natahimik ka na dyan." Nabalik lang ako sa katinuan nang magsalita si Tita. Nagpatuloy na lang ulit kami sa ginagawa namin.
9 pm, nagpaalam na si Tita na uuwi na siya kaya naman inihatid ko siya sa bus stop. Pagkauwi ay agad ako g sumalampak sa higaan ko.
"Ahhh.... Sarap matulog. Anlamig. Mabuti naman at maulan mgayon." Sambit ko. Papikit na sana ako nang tumunog muli ang cellphone ko.
Fr: Lester
Tulog ka na ba?
Agad ko naman siyang nireplayan. Siyempre hindi ako snob.
To: Lester
Yes hotdog.
Hahahahahahaha. Hindi ko maiwasan hindi matawa kapag naaalala ko ang 'hotdog' thingy na yan eh. Ganda ng segway. AYYY. NANINIWALA KA SA TITA MO, DYLENE SANDOVAL? Snap out of it okay.
Fr: Lester
Staph calling meh hotdog.
To: lester.
Hahahahaha. Sorry. Can't get over it.
Fr: Lester
Pag kinasal tayo, dapat di mawawala ang hotdog sa handa natin.
Napatayo ako sa pagkakahiga ko nang nabasa ko ang sinend niya. Sino ikakasal? Kami? Wait? What? Wag niyang sabihing..... Oh my gosh.
To: Lester
What do u mean?
Fr:Lester
I like you, Dylene. I really do.
Speechless.
Seriously?
Seryoso ito, right?
"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh" hindi ko mapigilan ang hindi mapasigaw. Takte ganito pala ang feeling kapag umamin ang crush mo na crush ka din niya. Shit heaven.
To: Lester
*speechless*
Fr: Lester
Tumatalon ka na ata sa tuwa eh.
To: Lester
Hoy hotdog hindi ah.
Fr: Lester
Sabi ko ngang wag moko tatawaging hotdog. Papasukan kita diyan eh.
Halos manlaki ang mga mata ko sa mga sinasabi niya.
To: Lester
Hayuf kaaaaaaaa. Hahahahahahaha
Biglang nagring ang phone ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko ito sagutin.
"Hello?" Tanong ko.
"Kinikilig ka ata dyan eh." Sabi ni Lester.
"Ako? Huh. No way." Indenial kong sagot.
"Sus. Wag ako. Anyways, sasabihin ko ang mga rason kung bakit kita nagustuhanm pero personally ko sasabihin okay? Matutulog na muna ako. Goodnight." The he hanged up. Tamoto. Bigla biglang tatawag, tas bigla biglang ibababa. Aba bastusin na bata to. Kaya naman, nahiga na ako at ipinikit na ang aking mga mata.
-----------------------*
Dumating na ulit ang lunes and as usual, same routine papasok sa eskwela. Kakatapos lang ng klase namin sa physics nang lumabas ako ng classroom, halos karamihan ay lunchtime na. Dala dala ko ang mga libro at patungo na ako sa library."OH MY GOD! HE'S HERE!" Napatingin ako sa sumigaw na babae. Hay ano pa nga ba. Sisigaw lang naman sila kapag andyan na si Lester. Isasalpak ko na sana ang earphones ko pero napatigil ako
Wait.
This scene
Is
Familiar.
Napailing ako at isinalpak ang earphones. Palakad na sana ako papunta sa library nang may humila sa braso ko at iniharap ako sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakasalpak ng earphones ko.
"Dylene." Napalingon ako sa karamihan at nakatingin lang sila sa amin ni Lester. Unti-unting inilapit ni Lester ang mukha niya.
Oh
My.
Gosh
Makukuha na ba niya first kiss ko? Ack.
Kaya naman napapikit na lang ako.
*pak*
"Aray ko naman!" Sigaw ko. Akala ko labi ang dadampi, walanghiya palad pala ang dadampi sa noo ko. May palapit-lapit effect pa 'tong mokong na to.
"May lamok sa noo mo. Bakit ka pumikit? Kala mo hahalikan kita? Hahahahaha" pabirong sambit ni Lester. This jerk.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018