CHAPTER 31

109 2 0
                                    

DYLENE'S POV

*1 YEAR LATER*

Araw ng enrollment ngayon sa UST. I can't believe na makakapasa din ako dun. Agad kong tinawagan si Lester upang ibalita na mag eenroll na ako ngayon.

"Hello?" Tanong nito.

"Busy ka ba?"

"Slight." Sagot ni Lester. Kung sabagay mas marami nang ginagawa kapag sa college. Kaya maiintindihan ko kung busy lagi siya.

"Wala naman. Papasama sana ako sa pag enroll eh." Sagot ko sa kanya.

"Ganun ba? Pasensya ka na. Busy talaga ako eh. Bawi na lang ako. Kahit sa first day of school mo. Promise." Sambit ni Lester.

"Sige. Sabi mo eh. Osya sige na. Babye. I love you."

"I love you too". Then he hunged up. Pansin ko nitong mga nakaraang araw nagiging cold si Lester sa akin. Siguro gawa ng busy siya. Kaya naman nagpatuloy na lang ako sa pag enroll. Nang matapos na ay agad akong umuwi. Agad kong tinext si Lester.

To: Lester

Tuloy ba dinner natin?

*1 message receive*

Fr: Lester

Sorry. Di muna. Busy ako sa school works.

Napatango na lang ako dahil alam ko naman na ganun ang sasabihin niya. Maraming dates na ang namissed niya. Naiintindihan ko naman dahil mas busy na ang buhay college kaysa noong high school pa lamang kami.

Lumipas ang mga araw at nag umpisa na rin ang college life ko. Relationship namin ni Lester? Tuwing weekends kami nagkikita. Marami na din ako nakilala sa school. Dahil Saturday ngayon, kasama ko Lester. Bigla siyang nagyakad na maglunch kami.

"Ano, kamusta college life?" Tanong nito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Ayos lang. Masaya. Marami na akong friends." Sagot ko sa kanya. Tumango naman siya at binalik ang atensyon niya sa phone niya.

"Mukhanv busy ka na naman ah?" Sambit ko sa kanya.

"Ahh hindi naman. Puro group chats kasi ang laman ng messenger ko. Nirereplayan ko lang lalo na yung group chat namin sa thesis." Paliwanag nito. Ngumiti naman ako at bumalik na sa pagkain. Hindi nagtagal ay hinatid na ako ni Lester sa dorm.

"Mag iingat ka dito." Sambit nito sa akin. Bigla ko naman siyang niyakap dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Honestly, ramdam ko na may nagbabago. May nagbabago kay Lester, at sa relationship namin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong nito dahil sa pagkakayakap ko. Umiling naman ako.

"Wala lang. Namiss ko lang yung ganito." Sagot ko sa kanya. Niyakap din niya ako pabalik.

"I'm sorry kung may pagkukulang ako. Babawi naman ako kapag okay na ang schedule ko eh. Okay? Kaya wag ka nang malungkot diyan." Sambit nito sa akin.

"Pasok ka na sa loob." Pahabol  nito

"Ikaw? Di ka ba papasok?" Tanong ko dito. Bahagya naman itong natawa.

"Ano ka ba naman! Hindi na yan kagaya ng apartment mo sa Makati." Natataw nitong sagot. Nagpout naman ako dahilan upang pisilin nito ng bahagya ang ilong ko.

"Cute cute mo talaga! Para kang malnourished siopao. Hahaha." Natatawang sambit nito. Hinampas ko naman ito sa may braso niya.

"Hoy malusog ito! Di porket payat eh." Sagot ko. Hindi nagtagal ay pumasok na din ako aa dorm ko. Agad akong nahiga sa couch at hindi nagtagal ay nakatulog na ako.

-------------------------*

LESTER'S POV

Mahirap amg buhay college. Dito kailangan mo nang magseryoso. Di kagaya nung High School. Hindi pa rin ako nawawalan ng fangirls. Sa department ko, pinagkakaguluhan nila ako. Balak ko nga sana magtry out para sa basketball team kaso busy sched pa.

"Saan ka galing, bro?" Tanong ni Nath. Dorm mate ko.

"Ahh.. nilabas ko lang girlfriend ko. Matagal tagal ma rin kasi kami hindi nagkita eh." Sagot ko sa kanya

"Ayy... Ang sweet mo naman pala sa girlfriend mo eh." Sabi nito habang kinikilig.

"Siyempre." Sagot ko.

"Oo nga pala, may party mamayang gabi sama ka. Pwede mong isama si Dylene kung gusto mo." Paanyaya sa akin ni Nath.

"Hmm... Sige lang. Wala naman akong gagawin eh." Sagot ko. Kaya naman napangiti na lang si Nath.

"Sige bro. Aasahan kita mamaya."sabi nito.

"Count me in." At ibinalik na niya ulit ang atensyon niya sa pag-aaral.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon