CHAPTER 15

132 2 0
                                    

DYLENE'S POV

Lumipas ang mga araw na nagpatuloy lang ang pagrereview namin. Si Lester naman ayun inumpisahan na mamligaw at nagpaalam na kila mama noong weekend.

*FLASHBACK*

Naglilinis ako ng apartment nang biglang may magdoorbell. Sinilip ko sa bintana kung sino na naman ang bwisita este bisita ko ngayon at nakita kong si Lester lang na may dalamg cake.

"Uy, ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Tatanungin mo ba muna ako bago mo ako patuluyin?"a sarcastic nitong sagot kaya naman agad ko siyang pinatuloy.

"Ngayon pwede ka nang magtanong." Sambit nito. I rolled my eyes.

"Anong ginagawa.... I mean anong meron at nagawi ka dito?" Tanong ko sa kanya

"Pupunta tayo sa Manila." Sagot nito.

"Gagawin natin doon?" Nagtataka kong tanong dito.

"Magpapaalam na ako kila tita na liligawan na kita." Sabi nito. Hala seryoso? Medyo kinakabahan ako dahil baka ayaw nila mama kay Lester. Agad na kumilos ako at nag-ayos, pagkatapos ay umalis na kami agad.

Natulala lang kaming pareho ni Lester nang dumating kami sa tapat ng bahay namin.

"Sigurado ka ba dito?' Tanong ko sa kanya. Halatang kinakabahan din siya sa gagawin niya.

"Uh... Oo."sagot niya.

"Pwede naman nating hindi gawin ito ngayon kung hindi ka pa handa." Sabi ko sa kanya. Huminga muna siya ng malalim bago niya pindutin ang doorbell. Hindi nagtagal ay lumabas si Ashley.

"Ate Dyleeeene!" Sigaw nito sabay yakap sa akin.

" kaklase ko nga pala. Si Lester." Pagpapakilala ko dito. Agad kinamayan ni Ashley si Lester at pagkatapos ay pumasok na kami.

"Ma, andito na si Ate." Pagbabalita nito nang makita kami ni mama ay natahimik agad ang paligid.

"Uhm.." Takte. Kinakabahan ako. May pagka OA si mama. Baka mamaya kung anong isipin niya. Baka isipin nun umalis akong mag isa, pagbalik ko may lalaki na agad.

"Sino yan? Baka naman may plano kang ipakilala." Sambit ni mama.

"Hi po, tita. Ako po si John Lester Sy. Classmate po ni Dylene." Pagpapakilala ni Lester kay mama. Tumango at napangiti naman si mama sa kanya.

"Maupo na kayo. Tamang tama kakaluto lang ng tanghalian. Kami'y samahan niyong magtanghalian." Masiglang sabi ni mama. Kaya naman naupo na kami.

"Hijo, nanliligaw ka ba kay Dylene?" Tanong ni papa sa kanya.

"Ang totoo po niyan, kaya po ako naparito para hingin ang basbas niyo na ligawan ang inyong anak." Sambit nito. Nagulat ako dahil sa mura niyang edad ay malalim na siyang magsalita.

"Basta hindi maaapektuhan ang pag-aaral niyo. At wala sa amin ang desisyon, na kay Dylene. Kung papayag ba siya o hindi." Sabi ni mama. Oh my gosh. Is this really it?

"Wag po kayong mag-alala. Hindi po namin papabayaan ang pag-aaral namin. Honestly, rivals po kaming dalawa sa school in terms of academic competitions." Pagpapaliwanag ni Lester.

"Talaga?! Wow. Nakahanap din ng katapat si ate." Pagsingit naman ni Ashley.

Pagkatapos ay sama-sama kaming nananghalian ng masaya.

*END OF FLASHBACK*

Nasa Library ako ngayon, nagbabasa nang biglang may chocolate na lumitaw sa libro ko. Napangiti ako ng di oras dahil alam ko na kung sino ito.

"Tapos ka na ba magbasa? Yayayain sana kitang mag lunch." Sabi ni Lester.

"Para sa'yo tapos na. Halika na." Binalik ko ang libro sa shelf at saka siya hinila papuntang canteen.

------------------------*
LESTER'S POV

"Oo nga pala, next week na yung Science Competition." Sabi ni Dylene. Tumango naman ako. Makakalaban ko ang taong nililigawan ko. What a concept

"Yep. Last review natin sa Friday. Excused tayo sa mga klase natin." Sabi ko. Nagpatuloy lang kami sa pagkain nang may narinig kaming mga nag-uusap.

"Bakit kaya magkasama silang dalawa kumain?"

"Hindi kaya sila na?"

"I heard may nililigawan si Lester. Hindi kaya si Dylene yon?"

Napatingin ako kay Dylene na mukhang naririniv din ang mga usapan kaya naman napapangiti ito.

"Why are you smiling?" Tanong ko sa kanya.

"Wala naman. Naiilang lang ako. Big deal sa lahat na magkasama tayo. Concept kasi nila is rival tayo sa acads, dapat rivals din tayo sa ibang bagay." Sagot nito. At napailing naman ako. Pag nalaman ng lahat na nililigawan ko si Dy, i'm pretty sure maraming aaway sa kanya dahil kilala ako sa school at ganun din siya. Kaya hangga't maaari, gusto naming low-key lang sa mga tao ang meron sa amin ngayon. ATLEAST MAY BASBAS NG PARENTS. *winks*

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon