LESTER'S POV
Today it's friday. Excuse kami ngayon ni Dylene sa mga klase namin for the science competition.
"Ganito yan isolve." Sabi ni Dylene at tinulungan niya akong isolve ang isang problem. Actually, alam ko talaga kung paano sagutan. Gusto ko lang magpaturo kay Dylene. Bakit ba? Hahaha.
"Bakit hindi STEM kinuha mo? Magaling ka naman pala sa Science." Tanong ko sa kanya. Agad naman niya akong tinignan agmt ngumiti.
"Ayoko eh. Tsaka baka mag Mass Comm ako sa College. Di pa sure yun ah?" Sagot niya. Tumango naman ako.
"Sige na, magsagot ka na diyan." Sabi niya sa akin at ibinalik niulya ulit ang atensyon niya sa pagsasagot.
"Sana Science ka na lang." Sabi ko sa kanya. Agad niya akong tinignan at tinaasan ng kilay.
"Bakit?"
"Wala lang. Mas bagay lang." Sagot ko. Hinampas naman ako ni Dylene sa balikat.
"Akala ko naman kung ano na eh." Sagot nito at ibinalik ang atensyon sa pagsasagot.
"Akala mo babanat ako? Hindi ako ganun." Sabi ko sa kanya.
"Wala akong sinabi. Masyado kang ano." Sagot naman ni Dylene at nagkatinginan kami.
"Huy kayong dalawa diyan, magreview kayo. Libro basahin niyo hindi mata ng isa't isa." Sita sa amin ng Ma'am Jasmine. Natawa na lang kami ni Dylene at nagreview na lang ulit. At dahil last review na namin ngayon, aabutin kami ng gabi sa school.
"Gutom na ako." Sabi ni Dylene sa akin.
"Bili kitang pagkain. Gusto mo?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.
"What if kung magpaalam muna tayo kay ma'am. Sabihin natin kakain lang tayo then we'll be back for a minute. I'm pretty sure papayagan tayo nun, gawa ko." Suhestyon ni Dylene. At talagang ginamit pa niya koneksyon niya ah. Agad kaming nagpunta kay ma'am Jas at nagpaalam. Gladly, pinayagan kaming makalabas, agad kaming nagpunta sa Glorietta.
"Anong gusto mo? Jabee? McDo? Chowking? KFC?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto ko ng starbucks." Halos matumba ako sa sinabi niya.
"Siyempre after natinv kunain sa Chowking. Gusto ko mag Chow Fan ngayon. Nakakagutom din yung ilang oras na review." Sagot ni Dylene. Kaya naman agad kaming nagtungo sa Chowking. Pinaghanap ko na siya ng upuan at ako naman ang oorder ng mga pagkain namin. Nang makuha ko na ang mga pagkain ay dumerecho na ako kung saan nakahanap ng upuan si Dylene.
"Yieee. Salamaaat." Sabi ni Dylene at masayang kinain ang chow fan niya.
"Starbucks tayo after nito. Nag ca-crabe ako sa coffee jelly nila." Sabi ko sa kanya. Nanlaki naman ang mga mata niya at pumalakpak.
"I feel you!" Sabay duro sa akin.
"Nag ca-crave ako sa caramel frappe nila. Damn. Ang sarap kaya ng whip cream na ginagamit nila. Kung pwede nga lang whip cream ang bilihin eh, baka nasold out na sa akin yung mga yun." Sambit ni Dylene.
"Wag ka namang gahaman. Maraming customer ang starbucks. Magtira ka naman sa amin." Pabiro kong sagot. Binelatan naman niya ako at nagpatuloy na kami sa pagkain.
------------------------*
DYLENE'S POV"hmmmmmmmm." Habang nilalasap ko ang caramel frappe ko. Pagkatapos namin kumain ni Lester sa chowking ay dumerecho na agad kamo dito sa Starbucks.
"Dalian mo na. Baka hinahanap na tayo ni ma'am Jas dun. Lagot tayo." Sabi sa akin ni Lester. Napailing naman ako.
"Ninanamnam ko pa itong caramel frappe ko. Sandaliiiiii!" Sabi ko sa kanya sabay inom.
"Ako din naman. Ineenjoy ko din naman itong coffee jelly nila. Ang sarap kaya." Sagot ni Lester sabay inom ng coffee jelly niya.
"Kaya nga mamaya na tayo bumalik sa school. Maiiintindihan naman ni ma'am yun. Hahahaha." Sabi ko sa kanya.
"Malapit na palang mag August." Sabi ni Lester. Oo nga pala. Bigla kong naalala na sa unang araw ng Agosto ay magsusuot kami ng pambansang kasuotan pagpasok para sa Buwan ng Wika.
"May isusuot ka na ba sa August?" Tanong sa akin ni Lester.
"Wala pa nga eh. Ikaw?" Tanong ko.
"Meron. Ako? Mawawalan ng susuotin? Huh. Punong puno ata drawer nito." Sambit ni Lester. Takte kahit kailan talaga hindi nawawalan ng kahanginan sa katawan itong lalaking ito.
"Haha. Edi ikaw na mayaman sa damit. Grabe! Wala nang makakatalo sa'yo. Clap! Clap!." Sabi ko sa kanya sabay palakpak.
"Kahit nga kahanginan sa katawan di ako mawawalan eh." Pahabol pa niya. Napa-bow ako sa sinabi niya.
"Whoo! Mabuti alam mo!" Sabi ko. Nagpatuloy lang kami sa paguusap at nang maubos na namin ang mga iniinom namin ay napagdesisyunan na naming bumalik ng school.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Genç Kurgu[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018