DYLENE'S POV
"Uy kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Tanong sa akin ni Lester. Hindi ko kasi siya kinikibo kaninang umaga pa. Nabo-bother pa rin ako dun sa nakita ko sa mall.
"Nasaan ka nga pala kahapon?" Tanong ko sa kanya.
"Actually, nasa bahay. Pero nagpunta ako ng mall nung hapon." Sagot nito. Tumango naman ako. Akala ko idedeny niya, glad he didn't.
"Sino kasama mo kahapon?" Pahabol kong tanong sa kanya. Dahil sa curiousity ko kung sino yung babaeng kasama niya kahapon.
"Ahh kababata ko. Kakauwi lang niya kasi galing states. Kaya kinita ko siya kahapon. Bakit mo nga pala naitanong?" Tanong nito sa akin. Sinabi ko sa kanya na nagpunta din kami sa mall kahapon at nakita ko siya na may kasamang babae.
"HAHAHAHAHAHA wag mo na pagselosan yun. Akala ko naman kung ano na eh. Pero sorry kung di ko sinabi kahapon." sabi nito.
"Di ayos lang. Haha. Hindi naman ako yung tipo ng girlfriend na aalamin ang pinag gagagawa mo. Do whatever you want. Pero don't ever cheat on me or else i'll crack your balls." Pagbabanta ko sa kanya dahilan ng pagkakaputla niya.
"Grabe ka. Siyempre hindi ako magloloko. Takot ko lang na ma-crack mo balls ko nang hindi oras. Gagawa pa tayo mg basketball team someday." Sabi nito. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Kaya naman piningot ko siya sa tenga.
"Aray! Ayaw mo ba... Ahh." Sabi nito.
"May sinabi ba ako?" Sarcastic kong tanong dito.
"Wala. Pero gusto mo?" Tanong nito saka tumawa ng tumawa.
"Heh. Ewan ko sa'yo. Bahala ka diyan." Tumayo na ako at naglakad papalayo.
"HAHAHAHA. SEE YOU LATER!" Sigaw nito. Hindi kaya masyadong madami ang basketball team? Napailing na lang ako sa naisip ko at nagtungo na ako sa classroom.
-------------*
LESTER'S POV
Lumipas ang mga linggo, naging busy kami sa school. Sa thesis, sa final exam, at saka sa expo. Minsan di na kami nagkakaroon ng communication ni Dylene dahil sa mga school stuffs na kailangan naming tapusin.
"Namiss mo ba ako?" Tanong ko dito. Dahil 1 week kaming hindi nagkita. 1 week kong di siya nasundo at naihatid.
"Oo naman." Sagot nito.
"Sorry ah? Alam mo namang sobrang busy na sa school." Pagpapaliwanag ko.
"Alam ko. Basta wag sa mga fan girls mo. Nakakasar kaya. Di na nga tayo nagkita ng isang linggo, nakita ko pang pinapalibutan ka ng mga fan girls mo." Naiinis nitong sambit. So nakita pala niya yun?
-FLASHBACK-
Nasa labas kami ng room noon dahil sa tinatapos namin ang product namin para sa expo nang biglang nagsilapitan ang mga estudyanteng babae.
"Oh my God! Lester papicture."
"Ang gwapo mo talaga."
"Akin ka na lang oh!"
Yan ang mga salitang naririnig ko sa kanila.
"Sige dre. Pagbigyan mo na. Kami muna bahala dito." Sabi ni Roen. Kaya naman lumapit na ako sa kanila at nagpapicture.
-END OF FLASHBACK-
"Ahh. Change topic na nga. Oyy expo na next week. Kakanta ka daw ulit sabi ni Ma'am ah." Sambit ko sa kanya.
"Sml?" Mataray na sagot nito.
"Galit ka pa din ba?" Tanong ko.
"Dun ka na sa mga fan girls mo." At tumayo na siya. Naglakad na siya paalis, kaya naman hinabol ko siya at binigyan siya ng back hug.
"Wag ka na magalit. Im sorry." At lalong hinigpitan pa ang pagyakap sa kanya.
"O-oo na... Di... Ako.... Makahinga." Kumalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Last event na itong expo, bago graduation." Sabi niya sa akin.
"Yeah. Siyempre bago ang expo may valentines pa. Ano ka ba naman." Natatawa kong sambit dito. Natawa naman siya at kinurot ako sa pisngi.
"Ikaw talaga. hahaha". At hawak kamay kaming naglakad papauwi.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018