LESTER'S POV
Nang matapos na ako mag aral ay naghanda na ako sa party. Naisipan kong imbitahan si Dylene kaya naman tinawagan ko ito.
"Hello?" Tanong niya.
"Hello. Sama ka. May pupuntahan akong party." Sambit ko sa kanya.
"Nako hindi ako pwede. Marami akong ginagawa." Sagot niya.
"Sige." Then i hunged up. Pagkatapos ko magprepare ay agad na akong nagtungo sa party. Maraming mga bisita, rave music ang mga tugtugan.
"LESTEEEER! nakarating ka!" Masiglang bati ni Kayla. She kissed me on my cheecks.
"Di mo ata kasama girlfriend mo?" Tanong sa akin ni Roen.
"Ahh.. busy kasi siya. She's not available." Sagot ko.
"Oh, ano pang inaantay natin? Shot naaaa!" Masayang sigaw ni Roen. Nang magtagal na ang inuman ay medyo tinatamaan na ako. Biglang may tumabimg babae sa akin.
"S-sino ka?" Tanong ko. Lasing na ako dahil sa dami ng alak na nainom ko.
"Lasing ka na. Halika na." Hinihila na niya ako patayo pero inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"H-hindi..ako...sa...sama...sa..yo... P..patay.. ako.. kay ...Dylene." sagot ko. Narinig ko namang natawa ito.
"Guys, ako na bahala dito. Bakit niyo kasi nilasing?" Tanong nito sa mga kaibigan ko. Inilagay niya ang braso ko sa may batok niya at inalalayan niya ako. Patayo.
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko, at nakita ko si Dylene sa harapan ko.
"Good morning sleepyhead! Ano masakit ulo mo ano?" Tumango naman ako sa sinabi niya.
"Ayan kasi! Next time wag kang iinom ng marami kung hindi mo naman kaya. Masyado kang bida-bida eh." Sermon nito sa akin. Napatingin ako sa paligid ko. This isn't my dorm. Kaya naman bumangon na ako.
"Where am i?" Tanong ko sa kanya.
"Chill! Nasa dorm lang kita. Dahil malapit lang ito sa pinuntahan mong party kagabi." Paliwanag ni Dylene. Tumango naman ako.
"Ihahanda ko lang almusal mo, okay?" At hinalikan niya ako. Di ko inaasahan na gagawin niya yun. Pagkatayo niya ay naiwan akong tulala. Sh-She kissed me? Wahhhhhhhhhhhh
------------------*
DYLENE'S POV
"Huy Lester, aba. Lalamig na yang pagkain mo. Kanina ka pa tulala diyan." Sabi ko sa kanya.
"I can't believe you kissed me." Sagot nito. Natawa naman ako dahil sa reaksyon niya.
"Come on! College na tayo. It's normal. Wag ka. First kiss ko yun. Di ba dapat ako yung natutulala?" Natatawa kong sambit sa kanya. Ngumiti naman siya at inumpisahan na ang pagkain niya.
"Hindi naman ako gumawa ng mga kalokohan kagabi ano?" Tanong nito. Di ko na maiwasan na matawa at ikuwento sa kanya ang mga katarantaduhan niya kagabi.
-FLASHBACK-
"HALIKA NA! LESTER!" Matapos ang ilang pilit ah napatayo ko na siya. Bumitas siya sa akin at pagewang gewang na naglakad.
"S-sino matapang? Arat suntukan!" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya kaya naman agad kong tinakpan ang bibig niya.
"Ano ka ba naman! Makakahanap pa tayo ng away nang wala sa oras eh." Pagsaway ko dito. Bigla naman siyang sumayaw. At ginaya pa ang moves ni Michael Jackson, lasing version nga lang. Pagkatapos ay nahiga na siya sa semento. Nasa kalye pa kami nun.
"Hoy! Lester umayos ka nga! Wala ka pa sa dorm." Inis kong sambit dito.
"Mas masarap...matulog... Dito." Sagot nito habang nakapikit ang kanyang mga mata.
-END OF FLASHBACK-
Napansin kong namula dahil sa kahihiyan si Lester.
"Pasalamat ka at nadaanan tayo ni Roen kasi kung hindi, dun ka sa kalsada gigising." Sabi ko sa kanya. Natawa naman siya at humingi ng despensa dahil pinahirapan niya ako. Pagkatapos niya kumain ay nagpaalam na siya na babalik na sa dorm nila.
"Mabuti andun ka sa party. Thank you." Sabi ni Lester.
"Baka kasi magloko ka. Hahahaha. Charot lang." Pagbibiro ko.
"Hala. Hindi naman. Loyal ako sa'yo."
"Aba dapat lang! Or i will--"
"Break my balls. I know." Sabi niya.
"O siya, sige na. I love you." Pagpapaalam ko.
"I love you too." At naglakad na siya papalayo. Kahit lasing ang cute cute niya pa rin. Siguro sadyang ipinanganak siyang cute. Ahhhhhh! I can't hold his cuteness anymore. Malapit ko na siyang pang gigilan eh. Nang mawala na sa paningin ko si Lester ay pumasok na ulit ako sa dorm at nagsimula na namang mag aral para sa midterms.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018