DYLENE'S POV
Agad na nag umpisa ang meeeting ng council. Masyadong pa VIP si Lester eh. Akala mo ang gwapo. Pero ang cute niya. Snap it out Dyiee.
"So tungkol saan itong pagme-meetingan natin?" Tanong ni Lester.
"Tungkol ito sa upcoming nutrition month. So ang plan is sa main event, magpeperform ang council." Sabi ko sa kanila.
"Hmmm..... Alam mong lalaban ako sa Mr. And Ms. Nutrition. So bakit kailangan ko pang nandito?" Tanong ni Lester.
"Ako din ho. Mister. So, kaya ka andito is dahil para sa event. Tayo ang coordinators nun." Pagpapaliwanag ko kay mister hangin. Ngayon ko lang nalaman na kasali din siya sa pageant. Kahit kailan talaga rival ko na siya pagdating sa mga competitions. Kaya kahit di kami magka year level, aakalain niyong magkaklase kami.
"Okay, so anong ipeperform natin?" Tanong ni Lester.
"So okay, open na tayo sa suggestions. Any suggestions?" Sabi ko sa kanila. Unang nagtaas ng kamay si Hannah.
"Roleplay na lang." Suhestiyon nito. Sunod na nagtaas ng kamay si Jannelle.
"Sayaw na lang. Kaysa mag roleplay eh pag si Hannah yan patay na tayo nan." Sambit nito.
"Eh? Talaga ba Nelle?" Sabi ni Hannah.
"Ay tumigil nga kayong dalawa. Sige. Magsasayaw na lang tayo. Suggest kayo ng kanta." Sabi ko. Unang nagtaas si Nelle.
"Mas maganda siguro kung yung dating kanta ng Knorr." Sabi nito.
"Anong kanta yon?" Tanong ni Lester.
"🎶Makulaaaaay, ang buhay
Makulay ang buhay, sa sinabawang gulaaaaay🎶. Since Nutrition Day, dapat tugma dun sa tema ng event." Pagpapaliwanag ni Nelle. Sabagay may point siya. Sunod naman na nag taas ng kamay si Yzza."Pwede bang kumanta na lang ako?" Tanong nito. Pumayag naman ako.
"So magiging dalawa ang performance ng council. Okay so, Yzza kakanta ka. Then yung song choice sa sayaw hmm... Pwede bang kahit ano na lang?" Sabi ko sa kanila. Tumango naman silang lahat.
"So okay na tayo para sa Nutrition Month?" Tanong ko ulit.
"Baka kasi may umangal dyan na di naman kagwapuhan." Sabay tingin ko kay Lester. Agad naman nagtinginan sa kanya ang lahat.
"Kung anong plano niyo, dun na din ako. Nakakahiya naman kasi umangal sa pres natin eh. Para namang may magagawa ako." Sagot nito. I smirked.
"Meeting adjourned." At sabay sabay na silang naglabasan papunta sa klase nila.
"Huy i heard nag apartment ka na." Sabi sa akin ni Hannah.
"Kanino naman galing ang balitang yan? Ang bilis naman." Sagot ko sa kanya.
"So legit? Ikaw lang mag-isa sa apartment mo?" Tanong ni Hannah.
"Oo." Tipid kong sagot dito.
"Osya patambay kami ah." Sabi ni Yzza sabay akbay sa akin. Nakakagulat talaga 'tong batang ito. Bigla bigla na lang nasulpot.
"Opo. So tara na dahil may klase pa tayo." Paalis na sana kami nang tinawag ako ni Ma'am Jasmine.
"Mauna na kayo." Sabi ko. Tumango naman silang dalawa at nagpatuloy na sa kanilang daan papunta sa classroom. Agad akong lumapit kay ma'am.
"Ma'am bakit po?" Tanong ko.
"Kukunin ka sana namin as a representative of our school." Sabi ni Ma'am Jasmine.
"For what po?" Tanong ko.
"For Science Quiz Bee. Isang student per year kasi ang kinuha namin for different category. Eh ikaw ang napagdesisyunan naming kunin for Grade 11 since magaling ka sa pagdating sa acads." Pagpapaliwanah ni Ma'am Ja.
"Talaga po ba ma'am?! Sige po." Natutuwa kong sagot.
"Nako! Maraming salamat talaga, Dy. Mag uumpisa na next week yung review ninyo." Pagkatapos namin mag usap ay umalis na kami. Dumerecho na ako sa klase, glad wala pa si Sir. Ayoko nang nala-late ako, kahit makupad akong kumilos, takot pa rin akong ma late sa klase.
"Anong sabi sa'yo ni ma'am?" Tanong sa akin ni Yzza.
"Ilalaban ako for Science Quiz Bee as a Grade 11 representative." Pagbabalita ko.
"Wala namang bago eh. Jusko. Mabuti nga may katapat na ang brain master ng school natin na si John Lester. Akalain mo yun, grade 12 na yun, pero sa loob ng 5 years, consecutive siya lagi ang ipinanglalaban ng school sa iba't ibang competition. Yes. Mula Grade 7 until now. Nagtataka nga ako eh, mabuti at hindi nagsasawa sa kanya ang school na ito.
"Nakakaumay kaya kapag pare-pareho lang kayong ipinanglalaban." Sabi ko. Yes. Mula nang magstart ako ng Grade 7 sa school na ito, ipinang lalaban din ako sa mga competition-related sa acads. Kaya lagi kaming magkalaban. He's my rival. I am his Rival. Parehong competitive. Well yeah. It's us." Sambit ko. Hindi nagtagal ay dunating na amg prof namin at nagumpisa na ang klase sa Physics.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018