CHAPTER 27

106 2 0
                                    

LESTER'S POV

"Akala ko hindi ka na darating." Sabi sa akin ni Dylene.

"Ako pa ba. Hahaha. Oo nga pala, next month na malalaman yung result ng USTET. Sana makapasa ako." Sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya.

"Papasa ka dun. Ikaw pa ba. Ako nga 50:50 pa eh." Malungkot na sambit ni Dylene. Tinapik ko naman siya sa balikat.

"Kaya mo yan. Matalino ka naman eh. Makakapasa ka din dun. Basta aantayin kita dun. O kung hindi naman, bibisitahin kita. Ihahatid sundo kita. Kahit malayo pa yan." Sagot ko sa kanya. Bahagya naman siyang natawa.

"Ano ka ba naman! Hahahaha. Narinig mo ba yung kanta ko?" Tanong nito sa akin.

"Oo naman. Ang ganda nga eh." Sagot ko. Pagkatapos namin mag usap ay bumalik na siya sa stage para magperform ulit. Nasa gilid lang ako, hinihintay matapos ang gig niya para sabay kaming uuwi.

Nang matapos na siya ay agad na kaming bumiyahe pauwi. Dire-diretso lang ang naging biyahe namin subalit nastuck kami bigla sa traffic. Isinandal ni Dylene ang ulo niya sa balikat ko. Bakas sa mukha nito ang pagod.

Pinagmasdan ko siya habang natutulog. Ang ganda talaga niya. Napakaswerte ko dahil nasa akin ang babaeng ito. I'm so lucky to have her in my life.

AFTER 1 MONTH

Agad akong nag online upang tignan ang results ng USTET.

"YES!" Napasigaw ako nang wala sa oras nang makita ko ang pangalan ko sa mga USTET passers. Agad kong tinawagan si Dylene upang ibalita dito ang resulta.

"Hello?"

"Nakapasa ako, Dyiee." Pagbabalita ko. Panandaliang natahimik ang kabilang linya.

"Still there?" Tanong ko.

"Yeah. Sorry may ginagawa ako eh. Anyways, congratulations. Sabi ko naman sa'yo magagawa mong makapasa eh." Masayang sambit ni Dylene.

"Next year, ikaw naman ang papasa." Sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Oo nga pala, Valentine's Day na next week." Masaya kong sabi.

"Oo nga. Parang kailan lang January pa lang, then ngayon second week na ng february. Papalapit na ang March. Gagraduate ka na." Bakas ang lungkot sa boses ni Dylene. Oo nga. Malapit ko na siyang maiwan sa school.

"Wag ka nang malungkot. Haha. Magkikita at magkikita pa rin naman tayo. Hindi pa naman katapusan kapag grumaduate ako di ba?" Sabi ko sa kanya. Marami pa kaming napagkwentuhan at pagkatapos ay ibinaba na niya ang tawag dahil may gagawin pa daw siya. Naglaro muna ako ng Mobile Legends dahil wala naman ako masyadong gagawin ngayong araw. Busy naman si Dylene.

----------------------*

Dylene's Pov

"Huy, mababaliw ka nan kakatitig dyan sa kalendaryo mo." Sabi ni Yzza.

"Tinitignan ko kasi kung gaano na lang kakaunti ang natitirang araw bago magraduation." Sagot ko.

"Loka-loka. May valentines pa next week. So anong plano ninyo ni Lester?" Tanong sa akin ni Yzza. Nagkibit-balikat na lang ako bilang tugon. Kasi ang totoo hindi ko alam. Busy si Lester sa thesis. Ilang linggo na din kami hindi nagkikita. Nakakamiss yung lalaking yun. Pero siyempre, iintindihin ko siya dahil alam ko namang graduating siya kaya naman hectic ang schedule niya ngayon.

"Oo nga pala, Dyiee. Next year, magtake tayo ng UPCAT." Pagyayakad ni Yzza.

"Ayoko. Sa USTET ako." Sagot ko.

"Huwaw. Makakapasa kaya? Dali na. Para may back up school ka pag nag college na." Sabi ni Yzza.

"Next next year pa tayo mag tatake. Grade 11 pa lang tayo." Sabi ko. Sinapok naman niya ako.

"Gaga! Alam ko malamang. Geez. Sinasabi ko lang ngayon." Paliwanag niya. Hindi nagtagal, ay dumating din si Hannah.

"Yo! Whazzup?" Pagbati nito.

"Late ka na naman." Sita ko sa kanya.

"Wala namang bago, te. Lagi namang late yang si Hannah. Hahahaha." Sabi ni Yzza.

"Siyempre! Ganun talaga. Oy Dye, tara. Gala tayo." Pagyayakad nito. Umiling naman ako.

"Sus! Porket ilang linggo na kayo hindi nagkikita ng bebe mo, ganyan ka na." At bigla itong nag pout.

"Walanjo ka Hannah! Wag ka nga magpout. Tara na. Saan? Glorietta? O MOA?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"MOA!" Sabay nilang sigaw. Kaya naman agad na akong nagbihis at pagkatapos ay bumiyahe na kami papunta sa MOA. Pagdating talaga sa galaan mabibilis ang mga kaibigan ko. Nang makarating kami ay agad kaming kumain, dahil di pwede magutom si Hannah. Ewan ko dun. Basta di daw siya pwedeng magutom. Habang naglalakad ay kinulbit ako ni Yzza.

"Si Lester yun." Bulong nito. Pagtingin ko sa gilid ay nakita ko siya kasama ang isang babae. Wala lang yun dylene okay? Kaibigan lang niya yun. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko. Ugh.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon