LESTER'S POV"So paano mo ako nagustuhan?" Tanong sa akin ni Dylene.
"Simple lang. You're characteristics. I like you for being who you are. Beauty and brains, almost a total package na." Sagot ko sa kanya. Nasa library kami ngayon dahil umpisa ng review namin para sa Science competition next month.
"So dahil lang dun kaya mo ako magustuhan?" Tanong niya ulit sa akin.
"Yes. Akalain mo nga naman eh, ano? I like my rival in acads. Rivalry natin, i found it completely interesting. Sayang gagraduate na ako next year." Sabi ko sa kanya. Kaya ayokong isipin ang fact na aalis na ako sa school namin for college
"Oo nga eh. Ang bilis ng panahon. Next next year ako naman ang gagraduate. Haha. Magiging boring na ang buhay ko dito." Sambit naman ni Dylene. Itinuon ulit namin ang atensyon namin sa pagrereview namin. Hindi ko mapigilan na hindi mapatingin kay Dylene.
"Why are you staring at me?" She asked nang makita niyang nakatitig ako sa kanya.
"Nothing." At binalik niya ulit ang atensyon niya sa nirereview niya.
"Kapag nagcollege na ako, i'll wait for you." Sambit ko sa kanya.
------------------------*
DYLENE'S POV"Kapag nag college na ako, i'll waot for you." Napatigil ako sa pag aaral nang marinig ko ang sinabi niya. Ako? Aantayin niya? How?
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.
"Uumpisahan ko nang ligawan ka. Sa college, ahead lang ako ng isang taon. Iintayin kita na mag college." Paliwanag ni Lester. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga naririnig ko kay Lester ngayon. Di ko akalain ma yung taong kalaban ko sa mga acads, competitions at ang Campus Hearthrob ay magkakagusto sa akin. What a concept.
"Ikaw bahala." Sagot ko dito at nagpatuloy lang kami sa pag-aaral. Lumipas ang mga oras, ay natapos na kami. Nililigpit ko na ang mga gamit ko nang nilapitan ako ni Lester.
"Pauwi ka na?" Tanong nito.
"Yep. Why?" Sagot ko.
"Ihahatid na kita. Tutal 2 bus stops away lang tayo sa isa't isa. Remember the other day?" Sabi ni Lester. Tumango naman ako. Sabay kaming lumabas ng school at nagpunta sa bus stop.
"Saan mo balak mag college?" Tanong ko sa kanya.
"Baka mag Ateneo ako or mag UP. Depende pa rin eh." Sagot nito sa akin.
"Ang layo naman ng mga napili mong school. Paano kita masusundan?" Malungkot kong sambit dito. Inakbayan naman niya ako.
"Di ba sabi mo taga Manila ka? Edi dun ako maghahanap ng school. Para malapit sa'yo. Uuwi ka na ba sa parents mo? Pagkagraduate?" Tanong ni Lester sa akin.
"Nah. Pero sa College baka magdorm na ako depende sa papasukan ko." Sagot ko sa kanya. Agad niyang hinawakan ang mga kamay ko.
"Uumpisahan ko nang ligawan ka dahil ayokong maagaw ka pa sa akin ng iba. Wag kang mag-alala, ipagpapaalam kita sa mga magulang mo. Ganun din sa magulang ko. Ipapaalam ko sa kanila na ang taong gusto kong makasama habang buhay ay ikaw." Sabi ni Lester. Di ko alam pero honestly, kinikilig ako sa mga ginagawa niya.
"Saan mo naman natutunan ang mga ganung salita? Ang lalim masyado. Hahaha." Pabiro kong sambit sa kanya. Hindi nagtagal, ay dumating na ang bus na sasakyan namin pauwi. Medyo punuan kaya nakatayo kaming dalawa ni Lester. Hindi nagtagal ay tumakbo na ang bus. Nakakapit ako sa upuan nang bigla itong prumeno. Muntikan na akong matumba, subalit nahawakan ni Lester ang braso ko.
"Salamat." Mahinang sambit ko dito. Tumango naman siya. At nagpatuloy naman ang biyahe namin.
--------------------------------------*
LESTER'S POVNang makababa kami sa bus ay masaya kaming naglalakad ni Dylene pauwi sa apartment niya.
"Hahahahaha. Di ko talaga makalimutan yung segway mo na hotdog eh." Natatawa nitong sambit.
"Aba, ayun yung pumasok sa utak ko that time. Eh kailangan ko nang sumegway sa'yo." Sabi ko. Hindi nagtagal ay nasa tapat na kami ng apartment niya.
"So paano ba yan, hanggang dito muna. See you tomorrow." Sabi ko sa kanya.
"Hmm.. Bukas." Sagot nito. I waved at her at nagsimula nang maglakad palayo.
"LESTER" Agad ko itong nilingon at nakita kong papalapit ito sa akin.
"May sasabihin din sana ako." Sabi ni Dylene.
"Ano iyon?" Tanong ko sa kanya.
"Ano... Uhm..... Actually.... Crush kita." Sambit niya habang nakatungo siya. Napangiti naman ako dun dahil ang cute niyang tignan lalo na kapag nag bablush.
"Hahaha. Thanks for that. I appreciate. Umuwi ka na hotdog " pang-aasar ko. Sinamaan niya ako ng tingin at hinampas bago siya tumakbo pabalik sa apartment niya. That girl is a luck.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Novela Juvenil[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018