CHAPTER 21

122 3 0
                                    

A/N: so here's the picture of their coatume na susuotin nila for their Buwan Ng Wika Event.

A/N: so here's the picture of their coatume na susuotin nila for their Buwan Ng Wika Event

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DYLENE'S ATTIRE

LESTER'S ATTIRE

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LESTER'S ATTIRE

-------------------*

DYLENE'S POV

The next day, maaga akong nagising para magprepare ng almusal ko. Pagkatapos maligo ay blinower ko ang buhok ko at nag make up na. Sinuot ko na ang blue filipiniana floral design na susuotin ko ngayon para sa Buwan Ng Wika. Kinurl ko lang ang buhok ko at nang matapos na ako ay agad na tinignan ni mama ang ayos ko.

"Ang ganda naman talaga ng anak ko." Proud na sabi ni mama. Maaga sila pumunta dahil nagpahatid ako sa school tutal may kotse naman kami. Mahirap mag commute kapag nakagown kaya naman pinapunta ko sila para magpahatid. Kaya naman inalalayan ako ni mama papasok sa kotse at hindi din nagtagal ay nakarating na kami sa school.

"Enjoy." Bilin sa akin ni papa. I waved them goodbye at umalis na sila. Pagkarating ko sa school, ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin.

"Aww yes naman. Talagang pinaghandaan ang event eh." Salubong sa akin ni Hannah.

"Hindi naman." Sagot ko.

"May contest din kaya sa mga damit na yan. Mamaya sila mag ju-judge. Ah feeling ko may nanalo na. At ikaw yon." Sabi ni Aly. Nginitian ko naman siya.

"Hindi naman masyado. Shh. Quiet ka lang. Madaming insecure sa akin ngayon." Sabi ko sa kanya.

"Gawa ba ng leaked relationship niyo?" Tanong ni Yzza. Tumango naman ako bilang tugon.

"Ano ready na ba yang spoken poetry mo para mamaya?" Tanong ni Nelle sa akin.

"Oo naman. Ako pa ba? Hahaha." Sabi ko sa kanya.

"OMG!"

"HE'S HERE!!"

"WAAAAAAAHHHH!"

Rinig na rinig ang pagtili ng mga kababaihan. Indicating na dumating na ang boyfriend ko. Nakita ko siyang bumaba ng kotse nila. Grabe makapalibot ang mga babae sa kanya. Nang makita niya ako ay naglakad ito papunta sa direksyon ko. Nilagpasan lang niya ang mga babaeng nagpapapansin sa kanya. I slowly rolled my eyes. Yung paglakad niya, everything turns slow motion. Dun ko narealize na gwapo nga siya.

"Stop drooling." Bulong nito sa akin. Agad naman nagtilian dahil sa kilig.

"Takte ka naman, Lester. Wag dito.! Sabi ko sa kanya.

"Shall we?" He offers me his arms. Napangiti ako at ipinulupot ko ang braso ko sa kanya. Sorrh girls, this guy is mine. Muahahahaha

Hindi nagtagal ay nag umpisa na ang parada. Isa isang tinatawag ang mga strands. Pinaghalong grade 11 at 12, pero dahil magkaiba kami ng strand ni Lester, dun siya sumama sa STEM.

"Ipinapakilala ko sa inyo ang mga mag-aaral mula sa sa HUMMS". Isa isa kaming pumasok sa gymnasium.

"Sunod naman, ang mga mag aaral mula sa STEM." At nagsipasukan na sila, nang pumasok na si Lester ay agad na nagtilian ang lahat.

"Mukhang ang dami mong karibal. Hahaha." Bulong sa akin ni Nelle.

"Ako lang naman mahal nan." Sagot ko sa kanya.

"Yieee." Kinikilig na sambit ni Nelle sabay kiliti sa tagiliran ko. Nagumpisa na ang prayer, National Anthem at ang opening remarks ng principal namin. Pagkatapos ay nagkaroon ng performance per club. Pinatawag naman kaming mga kalahok sa masining na pagsusulat upang itanghal ang mga isinulat namin.

"Goodluck." Napalingon ako nang magsalita si Lester sa gilid ko.

"Salamat." At bumalik na siya sa upuan niya. Makalipas ang apat na performer ay ako na agad ang sumunod. Nang inumpisahan na ang pagtugtog ng background music ay agad na akong nagsimula.

"Paulit-ulit

Paulit-ulit na lang ba ang mga salita?
Na kahit kailan ay hindi naman nagawa?
Paulit-ulit mo na lang ba na ipapamukha sa sarili ko na sa kanya'y ikaw ay mahalaga?
Kahit sa kanya ay wala ka naman talagang halaga.

Sinabi mong ako'y iyong mahal,
Ngunit ika'y nawawala habang tumatagal
Kahit puso'y sa sakit ay ngumangalngal,
Ika'y patuloy pa rin na minamahal.

Paulit-ulit na lang bang sayo'y iiyak?
Sa pag-iibigan nating wala namang tiyak
Puso'y lubhang nawawasak,
Sa landas na ating tinatahak.

Nakakasawang ipilit ang sarili,
Sa taong sayo'y wala namang paki,
Mahal, sabi mo'y tayong dalawa hanggang sa huli,
Subalit sa alaala na lang ito'y mananatili

Paulit-ulit na lang bang tatanungin
Kung ikaw ba talaga'y may pagtingin,
Dahil nakakapagod isipin
Ang dahilan kung bakit ako'y di mo pansin.

Mahal, hanggang sa huli
Sana'y pagtagpuing muli
Pagmamahalang sana'y di na maging pagkakamali,
Ating susubukang buuin muli".

Nagpalakpakan naman ang lahat matapos kong itanghal ang aking isinulat, ganun din si Lester na halos tumayo sa kanyang kinauupuan.





Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon