CHAPTER 12

139 2 0
                                    


DYLENE’S POV

It’s already 6 pm nang makauwi ako sa apartment dahil hapon na natapos ang pageant. Anyways, nanalo ako siyempre. At nanalo din si Lester. Nagsama ang beauty and brains ng school. Hahaha. Ang yabang ko na. Enough na nga. Nag aayos ako ng mga gamit nang biglang may nagtext sa akin.

Fr: 0923*******

Hey good job earlier. See you tomorrow.

-Lester

Nagulat na lang ako nang mag text siya. Saan lupalop na naman kaya niya nakuha number ko? Malamang siguro may number na niya ako matagal na since pareho kaming council, ako lang ata ang hindi nagsasave ng mga number nila kaya minsan, na “who-who you” ko sila. Sinave ko muna ang number ni Lester bago ko siya nireplayan.

To: Lester

Same to you. See ya.

Ibinaba ko muna ang phone ko at saka ko binalik ang atensyon ko sa paglilinis nang bigla namang may nagdoorbell. Ano ba yan parang palagi na lang ako naiistorbo habang may ginagawa ako. Agad akong pumunta sa pintuan upang tignan kung sino ang bisita ko.

“Tita Ginalyn!” agad kaming nagyakapang dalawa.

“Kamusta ka nang bata ka?” tanong nito sa akin. Agad ko itong pinapasok at pinaghandaan ng makakain.

“Ayos lang po. Kayo po?” tanong ko sa kanya.

“Ayos lang din. Anong trip mo at humiwalay ka sa pamilya mo sa Manila?” tanong nito sa akin. Agad akong naupo sa tabi niya.

“malayo po kasi yung nakuha kong school. Tsaka gusto ko rin maging independent from which is keribels ko naman. Haha. Eh si tito Zion po kamusta? Tsaka si Tita Lai?” tanong ko kay tita.

“Unfortunately, wala na yung Tita Lai mo. Si Zion naman ayun nakakakita na siya. Nasa ibang bansa na siya ngayon.” tumango naman ako sa sinabi ni tita. I can’t believe wala na si Tita Lai. Parang kailan lang nag bonding kami nun.

“Anong nangyari po kay tita Lai?” tanong ko.

“ahh.. na-hit and run siya. Until now di pa nahuhuli yung driver.” pagbabalita ni Tita. Tita Lyn ay ang mama ni Kuya Zion. Close kami ng pinsan kong yun until nabulag siya at iniwan siya ni ate Azy. Marami pa kaming napagkwentuhan ni tita. Binalita niya na sa ibang bansa na siya maninirahan at sa makalawa na ang alis niya. Dahil 5months kami di nagkita ni tita kaya marami kaming napagkwentuhan sa isa’t isa.

---------------------------------*

AUTHOR’S NOTE:

Ang nabanggit na Characters na sila Zion, Lai, at Azy ay nasa story ko, entitled “Blinded”. Si Zion at Lai ang lead characters dun at si Azy ang girlfriend ni Zion na iniwan siya dahil sa pagiging blag nito. So as I promised, namention sila sa story na ito. :) don’t forget to vote and read. Lovelots :*

-mlchnyyyyyy

-----------------------------------*

LESTER’S POV

“Wow! Ang galing naman talaga ng anak ko.” proud na sambit ni mama matapos ko ipakita ang napalunan ko sa pageant.

“Siyempre hon, mana kaya sa akin yang bata na yan.” pagsingit naman ni papa.

“hoy hindi. Sa akin nagmana yang batang yan.” ayaw talagang magpatalo ni mama eh.

“Nagmana ako sa inyo pareho.” sabi ko at ginroup hug ko sila.

“yiee kuya, ayaw mo lang may masaktan sa kanilang dalawa eh.” pabirong sambit ni Von na ngayon ay naglalaro pa rin ng pokemon sa cellphone niya.

“hoy balbazaur, manahimik ka nga dyan. Hanggang dito lang usapan.” sabay drawing ko ng imaginary line.

“anong balbazaur ka diyan. Hahaha hoy kuya nagmana ka kay mama, ako nagmana kay papa. Wag mo namang solohin.” sabi ni Von. Napailig na lang ako dahil sa dami nitong alam.

“alam niyo ba nanalo din crush ko.” sabi ko.

“sino?” tanong ni mama.

“Si Dylene.” sagot ko.

“Talaga kuya? You mean si ate dylene?” manghang-mangha na tanong ni Von. Tumango naman ako.

“Bakit di mo pormahan? Malay mo type ka din niya.” sabi ni papa.

“pa, it’s understandable na since nasa lahi talaga natin ang pagiging gwapo. Except lang dyan sa isa.” sabay tingin ko kay Von.

“Hoy panget! Manahimik ka dyan.” sagot naman nito kaya natawa na lang kami nila papa. Ano na kayang ginagawa ni dylene? Nagpaalam muna ako sa parents ko at pumunta na ako sa kwarto para tawagan si Dylene.

“Hello?” tanong nito.

“dylene…” sagot ko

“oh? Bakit ka napatawag?” tanong niya. Bakit nga ba? Isip ng rason agad Lester.

“wala lang. Bakit bawal na bang tumawag?” tanong ko.

“malay ko ba kung mahalaga ba o hindi yang sasabihin mo.” sagot niya.

“mahalaga ito.” sabi ko. Shit. Aamin na ba ako?

“ano yun?” she asks.

“dy…” ako

“spill it…”

“I…” hala. Teka. Right time na ba ito? Talaga ba? Aamin o aamin?

“ano ba yun?” tanong niya.

“Dy, I like….” takte. Hindi ko matuloy ang sasabihin ko.

“what is it?” tanong niya ulit.

“dy…. I like…..” ghad.

“what?” inis na sabi nito.

“Hotdog.”

*Toot Toot Toot*

pusang gala naman yan. Pinatayan daw ba naman ako ng tawag. Nilapag ko na lang ang cellphone ko sa lamesa at saka natulog. Arghhh. Ang panget ng segway ko dun ah.

Positively, Ms. Independent [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon