DYLENE'S POV
"So kamusta na sina Tita Princess?" Tanong ni Rea. Pagkatapos namin kumain sa McDo ay nagtungo na kami sa Ferris Wheel. Dahil sa taas nito, ay makikita mo ang magandang paligid habang nakasakay ka dito.
"Ayun ayos lang sila. Eh sila Tita Lyn?" Tanong ko.
"Ayun ayos lang din. Binalita sa akin ng mama mo na nag apartment ka na." Sabi ni Rea. Kahit kailan talaga ang daldal ni mama. Mukhang siya ang mas masaya na nag apartment ako.
"Bakit ka nga ba bumukod?" Tanong ni Rea.
"Not totally bumukod. Eh malayo kasi ang biyahe papasok. Malayo ang bahay namin sa school. So i decided na mag apartment na lang." Pagpapaliwanag ko. Tumango naman si Rea.
"Saan ka nga pala nag iistay dito?" Tanong ko kay Rea.
"Ahh. Kila Tita Marie. Kasama ko kaibigan ko. Si Christine Alonte. Ipapakilala ko din siya sayo. Nameet ko siya sa US. And she's half Filipino-American." Sagot ni Rea. Nang matapos kami sa Ferris wheel ay nagkayayaan na kaming umuwi.
"Ingat kayo sa pag-uwi. Lalo ka na, Dy." Tumango naman ako. Nagpaalam na siya at umalis na siya. Nag book na si Hannah ng "Grab" na masasakyan namin pauwi. Hindi naman matagal nang dumating ito. Dahil ako ang unang bababa, kinuha ko na ang mga pinamili ko kay Yzza.
"Ingat kayo." Pag papaalam ko. Bigla naman bumaba si Hannah.
"Tatambay muna ako. May internet ka ba diyan?" Tanong nito. Tinignan ko ulit sila Yzza at Aly na nasa taxi.
"You go ahead." Sabay abot ko ng bayad sa driver.
"Ingat kayo pauwi." I waved them goodbye at pagkatapos ay umalis na sila. Pumasok na kami ni Hannah sa apartment.
"Whoa. Ang laki naman ng apartment na nakuha mo." Hangang-hanga na sabi ni Hannah.
"Siyempre naman. Pero kasama ko si mama maghanap ng apartment." Sagot ko sa kanya. Inilapag ko muna sa kwarto ang mga pinamili ko at pagkatapos ay inentertain ko na si Hannah.
"Tara nood tayong horror movie." Suhestion ni Hannah.
"Hmm... Gawin muna natin assignment natin. Tsaka marami pa akong gagawin. Gagawin ko pa yung lettering para sa Nutrition Month. Tsaka baka mag umpisa na ako magreview para sa Science Competition. Im pretty sure kasali si Lester doon." Sabi ko sa kanya. Unti-unti namang ngumiti si Hannah.
"Ayieeee. So gusto mong talunin ang crush mo?" Tanong nito.
"Ay tumigil. Di ko crush yon." Pagdedeny ko.
"Hahaha, come on. Halata naman namin eh." Sambit ni Hannah.
"Heh. He's my rival. And kahit graduating na siya...." Napatigil naman ako nang masabi ko yun. Oo nga pala. Graduating na siya.
"Natahimik ka ata? Iniisip mo na naman ata si Lester eh." Pabirong sambit ni Hannah.
"Gawin na natin homework natin." Sabi ko. Kinuha ko na ang mga notebooks at nagsimula na akong magsagot ng assignments.
----------------------------------------*
LESTER'S POVPalakad lakad lang ako sa kwarto ko, iniisip kung bakit ko nginitian si Dylene. Baka kung anong isipin nun.
"Kuya pwede bang umupo ka kahit 5 minutes? Aa yan. Nalulula na ako. Kanina ka pa palakad lakad diyan." Inis na sambit ni Von.
"Von, may itatanong ako." Sabi ko at umupo na ako sa tabi ni Von.
"Kapag ba nginitian mo ang isang babae, seseryosohin ba nila yon?" Tanong ko sa kanya.
"Nginitian ka ba pabalik?" Tanong ni Von.
"Hindi. Sinungitan nga ako eh." Sagot ko. Tinapik naman ako ni Von sa balikat.
"Hmmm. Siguro hindi. Kasi sinungitan ka eh. Sige na, nanonood pa ako ng Pokemon The Movie." Sagot ni Von.
"Takte. Malapit mo nang maging kamukha si Pikachu." Inis na sabi ko dito. Bunalik naman ako sa higaan ko at nagsimula nang magreview pRa sa Science Camp. Hindi ko na masyadong iniintindi ang mga susuotin ko sa pageant since sila mommy ang bahaha doon. Sana lang hindi talong ang ipasuot na costume sa akin.
Habang nagrereview ay biglang tumunog ang phone ko. Wow. Sino naman 'tong unknown number.
"Hello?" Sabi ko.
"Lester." Halos tumigil ang heartbeat ko nung marinig ko ang boses niya. Wait. About ba to sa smile?
"D-Dylene. Bakit ka napatawag?" Tanong ko. Act cool, Les.
"Ikaw magawa dun sa iba pang decorations para sa Nutrition Month. Yung decoration para dun sa table ng mga judges." Sabi ni Dylene.
"Okay. Noted." Sagot ko.
"Good. Byee." Then she hanged up. I felt relieved nang di naman pala tungkol sa smile kung bakit siya tumawag. Hahaha. Napaka babaw naman siguro namin kung ano iuungkat namin ang simpleng ngiti.
BINABASA MO ANG
Positively, Ms. Independent [COMPLETED]
Teen Fiction[COMPLETED] Meet Dylene Sandoval. An Independent woman with a heart. Lives in a simple life and dreams high. Everything turns into a whirlwind events with John Lester Sy, her rival. Cover by: Canva Photo by: Dylene Moronn All Rights Reserve 2018