Ang Tampalasan
Mukhang hindi naniwala si Tiffany na galing ako sa Azoedia. Sa tingin ko iniisip niyang nasisiraan na ako ng bait, at wala siyang alam sa lugar na pinanggalingan ko. Hindi na ako mapakali habang iniisip ko ang mga suliraning kinakaharap ko ngayon.
Una, mag-isa lang ako ngayon at wala akong mahihingan ng tulong na may alam tungkol sa pinagmulan ko. Pangalawa, hindi ko alam kung paano makakabalik doon, at pangatlo, hindi ipinagbabawal ang turon sa lugar na ito kaya't kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa mga susunod na mangyayari.
Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito, may mga nalaman din naman ako. Narito ako sa lugar na kung tawagin ay Tondo; hindi ko sigurado kung isa nga bang Prinsesa itong si Tiffany pero natitiyak ko na makapangyarihan siya. Punong-puno ng mga bagay na nagtataglay ng majika ang kanyang tahanan, na medyo nagpa-isip sa'kin. Paano gumagana ang mga ito? May kahon siyang nagpapakita ng mga tao, tapos may poste siyang may ulong bumubuga ng hangin. Ang mga ilaw din sa bahay na ito ay hindi mga sulong may apoy. Kanina pa ako isip nang isip kung paano umiilaw ang mga bagay na iyon na tinawag ni Tiffany na mga bumbilya ngunit hindi ako naniniwala sa sinagot niya.
"Kuryente? Ano yun?"
"Gaano ka ba kabopols at di mo alam kung ano ang kuryente?" Aniya. "Siyempre yun 'yung nagpapaandar sa mga yan!"
"Kung ganun, isa iyang uri ng majika," saad kong tumango-tango na.
"Parang ganun na nga... Hmm... Siguro naman alam mo kung ano ang kidlat?"
Natawa ako. "Sinong hindi alam kung ano ang kidlat?"
"Hindi mo alam kung ano ang kuryente pero alam mo kung ano ang kidlat. Ang weird mo din eh no? Pero teka nga lang. Sino ka ba talaga? Bakit ang weird-weird mo?"
"Weird? Iniinsulto mo ba ako?" Tanong ko dahil pakiramdam ko hindi maganda ang kahulugan nun.
"Ah eh...kasi naman, anong gusto mong isipin ko? Normal ba na makita kitang sugatan sa kalsada habang umuulan na kakaiba ang kasuotan mo tapos ngayon naman marami kang hindi alam at galit na galit ka sa turon? Tapos kakaiba ka rin magsalita, parang ang lalim mong mag Tagalog. Hindi ko nga alam kung saan ka galing---"
"Sinabi ko na sa'yo. Galing ako sa Azoedia."
"Oo narinig ko. Saan ba yan, sa probinsiya ba yan? Pangalan ba yan ng bayan niyo?"
"Ano'ng sinasabi mo? Hindi isang bayan ang Azoedia!"
"Sorry naman!"
"Ito ang kabisera sa apat na mga bansa! Doon ako nakatira, at ako ang kasalukuyang Emperador doon. Hindi naman sa pagmamayabang pero ang Azoedia ang pinakatanyag at ang pinakamatatag na bansa sa apat---"
"Oo na! Mukhang alam ko na kung ano ka," putol niya naman sa'kin na nakasimagot. Nababakas ko sa mukha niya ang pagkalito ngunit parang nalungkot din siya sa di ko malamang dahilan. "Diyan ka muna ha. Pupuntahan ko lang 'yung beshy ko sa kabila at kakausapin ko lang."
"Beshy?"
"Beshy. BFF. Kaibigan." Umalis na nga siya at naidlip na ako. Hindi pa rin ako nakakabawi ng lakas ko eh. Kung nasa Azoedia lang sana ako, may nagawa na ako sa kalagayan kong ito. Hindi tulad sa lugar na ito, lahat bago sa paningin ko. Patulog na sana ako nang marinig ko ang hagikhikan ng dalawang boses. Nakilala ko ang isa bilang tinig ni Tifanny. Mukhang nag-uusap sila ng kasama niya kaya nagpanggap akong natutulog. Pakiramdam ko kasi may masama talagang balak itong si Tiffany sa akin at nagpapanggap lang na tinutulungan niya ako.
"OMG Ate Tiffany, ang pogi! Saan ka bumili ng pinainom mong gayuma diyan?" Bulaslas ng isang nakakairitang boses ng babae. Masyado kasing matinis ang boses niya, parang sa insekto.
BINABASA MO ANG
The Misadventures of the Black Hole Emperor
AdventureQuiarrah Spin-off Story Clueless ang Emperador na si Xyron sa mundong kanyang napuntahan pagkatapos siyang matalo ng Diyos ng Kamatayan. Habang nasa mundong ito, makikilala niya si Tiffany, ang babaeng sasagip sa kanya, si Serge, isang drug-dealer...