Ventei

164 14 3
                                    

Ang Katangian ng mga Butas



"Emperador Light? Di ba alak yun?" Tanong ni Nadine na biglang napabunghalit ng tawa. "Oh em gee. Gusto na ulit kita, Kuya Xy. Ang deep ng humor mo."

Sinamaan ko silang dalawa ng tingin dahil maski si John Lloyd ay natatawa. "Hindi ako nagpapatawa. Yan talaga ang pangalan niya. Hindi ako maaaring magkamali. Ang binatang Emperador na sinasabing naglaho na lamang bigla ay may malaking hikaw sa kanyang ilong na yari sa ginto. At ang kasuotan niya ay mula sa Arkhanta, ang kasuotang ginagamit ng mga Maharlika na nagmumula roon!"

"Sorry na, Kuya Xy," ani Nadine na nagpipigil pa rin ng tawa. "Hindi ko lang kinaya 'yung pangalan niya. Kaano-ano niya si Emperador Brandy?"

Nagtaas ako ng kilay dun. "Kilala mo siya?"

"Huwaaaat? May Emperador Brandy talaga?" Sigaw ni Nadine na lumuluwa pa ang mga mata. "Nagbibiro lang ako eh!"

Tawang-tawa naman doon si John Lloyd at asar na asar naman ako. "Walang nakakatawa!"

"Bakit ganyan mga pangalan ng mga Emperador sa inyo? Wala bang Tanduay? Fundador? The Bar Pink Gin?"

"May Matador pa!" Dagdag ni John Lloyd.

"Hindi ko naiintindihan kung bakit kayo tawang-tawa, ngunit hindi ako nagsisinungaling. Ang binatang ito ay si Emperador Light Caleb. Isa siyang malayong kamag-anak ng mortal kong kaaway. Si Emperador Brandy naman ay ang Emperador mula Emeron na namuno bago ako. At kung hindi kayo titigil kakatawa, aalis na ako. Isasama ko ang Emperador dahil marami akong nais itanong sa kanya pag nagising siya."

Doon na sumeryoso ang dalawa at matamang pinagmasdan ang walang malay na binata na nakahiga sa damuhan. "Kailangan natin siyang gamutin. Ang dami niyang sugat."

"Dalhin natin siya kay Lolo DaKing."

"Sino yun?"

"Isa rin siyang Dayo, at nakita mo na siya. Maalam siya sa panggagamot."

"Kung ganun ay tayo na," sabi ko. "Dahil uuwi pa ako kay Tiffany pagkatapos kong makausap si Emperador Light."

Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Umalis na kami at nagtungo sa tahanan ni Lolo DaKing, na iyong matandang lalaking Dayo pala na nakita ko noong unang beses kong makilala sina John Lloyd. Dito sa Valenzuela siya nakatira kaya malapit lang siya kung nasaan kami. At gaya nang sinabi ni Nadine, maalam nga siya sa panggagamot. Isang albularyo nga ang tawag sa kanya ng mga tao rito.

"Maswerte siya at nandoon kayo nang iluwa siya ng kanyang Butas, hohoho," aniya habang inaayos ang paghihigaan niya kay Emperador Light. Gaya ni Tiffany, sa isang squatter's area rin nakatira itong si Lolo DaKing. Isa siyang payat ngunit matangkad na matandang lalaki. May suot siyang itim na bandana sa ulo niya at nakasabit na mga kwintas sa leeg niya. Karamihan sa mga kwintas niya ay yari sa ginto, ngunit ang isa roon ay napansin kong gawa sa kahoy at hugis tatsulok ito na nakita ko na noon sa katawan ni Boy Bigwas.

Ang marka ng Tatsulok.

Teka, hindi kaya, katulad ko itong si Lolo DaKing?

"Ngunit mas konti ang sugat ni Cutie boy kesa sa atin, Lolo DaKing," komento ni Nadine na katabi ko lang. May hawak kaming mga tasa dahil pinagkape kami ni Lolo DaKing habang pinanonood siya sa ginagawa niya. "Akala ko ba, kailangan malubha ang sugat mo upang makarating dito?"

"Totoo ba yan, Nadine?" Gulat namang tanong ko dahil hindi ko naisip ang tungkol doon. "Kailangan may mga sugat ka upang makarating dito?"

The Misadventures of the Black Hole EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon