Diez y Ocho

142 14 6
                                    

Ang Pagsibol



Animo'y kapwa nakakapaso ang mga katawan namin nang kami'y magkadikit sa pagkakapatong ko sa kanya nang hubo't-hubad. Agad akong napaatras at napatayo, at kaagad ako naghanap ng maipangtatakip sa kahubdan niya. Hindi ko rin siya tinitingnan nang diretso sapagkat may kung anong lumukob sa akin na hindi ko napaghandaan.

Tangina, ganito ba ang palaging nararamdaman ng siraulong Yohan na yun sa tuwing magdidikit ang katawan nila ni Aravella?

Bakit ganito kainit?

Bakit ganito kabilis ang puso ko?

Hindi ito maaari!

Ang kamunduhang nararamdamang kong ito ay nababagay lamang sa mga mabababang uri ng mga nilalang na tulad ni Yohan Caleb!

Isa akong Pantas! Ako ay nagmula sa pinakamatalinong angkan at ang aming karangalan ay walang hanggan! Kaya't hindi maaaring mabahiran ito nang ganitong kababaw na pakiramdam!

Ngunit habang nakatulala pala ako at nag-iisip nang malalim ay matalim na pala ang tingin sa akin ni Tiffany. Naramdaman ko na lang ang malutong na paglapat ng kamay niya sa kaliwang pisngi ko. Kaya ang kaninang nag-iinit ko ng mukha ay parang sinisilaban na ngayon.

"Manyak ka bang siraulo ka?!" Pabulyaw na tanong sa'kin ni Tiffany habang nakatayo sa harap ko. Nababalutan siya ngayon ng kumot na ibinigay ko sa kanya at masama ang tingin niya sa'kin. Ngunit napansin ko rin na parang namumula rin siya kagaya ko. Hindi ko nga lang alam kung dahil sa hiya, o sa gulat, o sa galit. Imposible naman kasing katulad ko'y may kung anong halimaw na pakiramdam ang nabuhay sa loob niya.

"Sorry, Tiffany," sagot ko na pilit nakangiti kahit na kinakabahan ako sa di ko maipaliwanag na dahilan. Bakit nga ba ako kinakabahan? Hindi ugali ng isang Emperador ang maging kabado sa ganito kaliit na bagay! "Kailangan ko lang siguro ng pahinga."

Umismid siya roon. "Pahinga ha? Anong klaseng pahinga naman? Akala mo ba hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip mo ngayon? Eh pare-pareho lang naman kayong lahat na mga lalaki!"

"Bakit, ano ba ang tingin mong tumatakbo sa utak ko ngayon?" Hamon ko naman. Hindi niya naman siguro nahulaan na naguguluhan ako sa sarili ko ngayon, di ba? Na kahit ako'y isang Pantas at wala sa kaugalian namin ang mga ganitong makamundong bagay, ay nararanasan ko ito ngayon kagaya nang parating ipinagyayabang ng Yohan na yun? Alam niya bang naiinis ako na baka kauri na ako ngayon ng tampalasang Alkemista na iyon?

The Misadventures of the Black Hole EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon