Ang Damit na Sinusuot Lang Kapag may Espesyal na Okasyon
Nakarinig ako ng palakpakan at hiyawan pagkatapos kong pabagsakin ang mga tampalasan. May napansin din akong mga napanganga sa ginawa ko, pero walang-wala yun sa pagsigaw at pagtalon-talon ni Tiffany na humila agad sa'kin papasok ng tahanan niya. "Xyron! Oh my gosh member ka ba ng Power Rangers? Ba't ang galing mong makipaglaban?"
"Isa nga akong Emperador di ba?" Sagot ko. "Natural lang na magaling ako sa pakikidigma. Sa katunayan, may sarili akong paraan ng pakikidigma, na nakuha ko pa mula sa mga Centurion."
Tila natulala lang siya sa sinabi ko bago niya ako pinaupo sa mahabang upuan na tinulugan ko kanina. "Kahit saan pa man galing 'yang powers mo, pwede ba huwag mong gamitin sa mga tao? Ikakapahamak mo yan, sinasabi ko sa'yo!"
Nagtaas ako ng kilay dahil hindi ko gusto ang nais niyang mangyari. "Kailangan ko din namang ipagtanggol ang sarili ko!"
"Kahit na! Hindi mo pa kilala ang mga tao dito!" Giit niya naman. "Masamang magtanim ng galit ang mga tao dito! Lalo na 'yung mga siga kaya baka masaksak ka na naman! Naku hindi ka na niyan makakauwi sa pinanggalingan mo 'pag nagkataon!"
Napaisip naman ako dun sa sinabi niya. Alam kong tama siya, at kahit na nakakasabik din talaga ang pakikipaglaban ay pipilitin kong manahimik. Iniba ko na lang ang usapan. "Siya nga pala, may pera ka ba diyan?"
"Ha? Bakit, ano'ng gagawin mo sa pera?"
"Gusto kong mamili ng mga damit ko," utos ko sa kanya. "Kaya bigyan mo ako nang isang supot ng gintong barya." Napansin ko kasi na marami ang napuna sa labas na iisa lang ang suot kong damit at ito pa 'yung suot ko nang dumating ako sa lugar na ito.
"Nakakaloka naman 'yung gintong barya ano ka nasa Pirates of the Carribean? Iba ang pera dito!" Singhal niya sa'kin. Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang makita kong may dinukot siya sa dibdib niya at akala ko kung ano na ang gagawin niya yun pala may nakuha siyang papel doon. Dalawang piraso ng papel iyon na kulay ube.
"Ano ang mga yan?"
"Ito? Pera!"
Natawa ako. "Pera yan? Paano naging pera yan?"
"Duh? Dapat sa Bangko Sentral ng Pilipinas ka nagtatanong, hindi sa akin!" Bigla niyang kinuha ang kaliwa kong kamay saka niya inilagay ang mga papel daw na pera sa palad ko. "O, bili ka ng masusuot mo gamit yan!"
"Bakit, hindi mo ako sasamahan?"
"Hindi!"
"Bakit? Hindi ko alam kung saan bibili!"
"Papasamahan na lang kita kay Loriebelle at Lala! Hindi kita masasamahan kasi may trabaho pa ako!"
Agad ko siyang sinamaan ng tingin. "Nagtratrabaho ka? Sinasabi ko na nga ba at hindi ka isang prinsesa! Sabihin mo, pinaglololoko mo lang ba ako mula nang magising ako dito sa tahanan mong masikip?"
Akmang sasaktan niya yata ako kaso nagdalawang-isip yata siya tapos nagkamot na lang siya ng ulo niya. Saka siya lumabas at tinawag ang mga kaibigan niya. Kung hindi nga lang gustong-gusto ko nang magpalit ng damit ay hindi ako papayag na ang mga kaibigan niya ang makakasama ko. Bukod kasi sa kung ano-ano ang pinagsasabi nila, kulang na lang ay sakmalin nila ako sa paraan ng pagtitig nila. Naisip ko nga, kung ang hampas-lupang si Yohan ang narito tiyak na ikatutuwa niya ang atensiyong makukuha niya sa mga dalagang ito. Dahil ako, isa ito sa mga pinakanakakairitang bagay na ayokong maranasan.
"Kuya Xyron, may jowa na po ba kayo?" Biglang tanong nung Lala. Isa siyang maitim na dalaga na sobrang kulot din ng buhok. Sa tingin ko ay maralita din ang isang ito dahil ang suot niya ay hapit at maiiksi. Siguro kasi mahal talaga ang tela sa mundong ito.
BINABASA MO ANG
The Misadventures of the Black Hole Emperor
AdventureQuiarrah Spin-off Story Clueless ang Emperador na si Xyron sa mundong kanyang napuntahan pagkatapos siyang matalo ng Diyos ng Kamatayan. Habang nasa mundong ito, makikilala niya si Tiffany, ang babaeng sasagip sa kanya, si Serge, isang drug-dealer...