Ang Pulitiko at ang Panibagong Dayo
Sumilay sa'ming dalawa ni Tiffany ang liwanag nang nabuong Butas, kaya't sabay pa kaming napapikit. Kaagad kong hinila si Tiffany patungo sa likod ko, dahil alam kong mapanganib ang Butas na bigla na lang sumulpot. Kulang na lang ay sumikat muli ang araw sa liwanag nito. Ang mga halaman, mga puno, at kahit ang mga nagkalat na tarpaulin ng mga pulitiko sa lugar ay halos hindi ko na makita sa sobrang liwanag ng paligid dahil sa Butas.
Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Tiffany dahil bahagya siyang nakasandal sa'kin. "Xyron... Ano y-yan?"
"Isang Butas," sagot ko sabay atras. Tumingin din ako sa paligid namin. Kahit nasa parke kami ay tila walang nakakapansin sa pambihirang pangyayari na nagaganap ngayon dito.
"B-Butas? Anong Butas?" Nagpa-panic na si Tiffany. "Umalis na tayo, Xyron! Baka iluwa niyan si Satanas!"
"Pasensiya na Tiffany ngunit kailangan ko itong pagmasdan. Hindi ako pwedeng umalis," sabi ko pa dahil unti-unting bumubuka ang gitna ng Butas--- palatandaan na may magaganap.
"Ano? Jusko naman Xyron!" Singhal ni Tiffany. "Paano kung delikado yan? Paano kung... kung 'yang ano ba yun? Yung butas sa kalawakan na kumakain din ng mga stars? Hole Star? Holy Black?"
"Blackhole?"
"Oo yun nga! Baka higupin tayo niyan!"
"Yun nga ang gusto kong mangyari..." saad ko. "Dahil kung tama ako, ito ang magbabalik sa'kin sa Azoedia."
"Eh di wow! Uuwi ka na sa mundo mo na galit sa turon? Aalis ka na pagkatapos ng lahat?"
Nilingon ko naman siya dahil sa sinabi niya. "Oo. At isasama kita."
Naitulak niya ako dahil sa sinabi niya. "Siraulo ka ba? Ano namang gagawin ko dun sa inyo?"
"Marami," saad ko at bigla akong nakaramdam ng excitement dahil oo, gusto kong isama si Tiffany sa mundo ko at kung sakali mang matalo ko ang Diyos ng Kamatayan, at ako uli ang maging Emperador, siya ang gagawin kong---
"Xyron! Ano yan?"
Bumalik ako sa realidad mula sa iniisip ko nang mapansin kong may isang bagay ang matatanaw na ngayon sa bibig ng Butas.
Kinilabutan ako.
"XYRON! MAY... MAY... ULO!"
"Lumayo ka muna, Tiffany!" Sabi ko sa kanya at sinunod niya naman ako. Napalunok ako ng laway sa nakikita ko ngayon dahil tama si Tiffany. Isa ngang ulo ng tao ang unti-unting niluluwa ng Butas.
Hindi ako makagalaw sa pinaghalong gulat at pagkamangha sa nakikita ko. Kung ganoon, ang Butas na ito'y narito upang magluwa ng isang panibagong dayo mula sa kung saang dimension na naman. Hindi ito ang Butas na mag-uuwi sa akin pabalik ng Azoedia.
Buong ulo at mga balikat na nito ang niluluwa ng Butas at doon ko na napansing wala pala itong malay. Mukha itong isang binata at nagulat ako sapagkat napansin ko agad ang kakaibang hikaw nito sa kanyang ilong. Tapos nakita ko rin kung ano ang kanyang kasuotan kaya't kinutuban ako...
Imposible...
Paano nangyari ito?
Ang nilalang na ito...
Ay mula sa mundong aking pinagmulan!
"XYRON SA LIKOD MO---!!!"
BINABASA MO ANG
The Misadventures of the Black Hole Emperor
AdventureQuiarrah Spin-off Story Clueless ang Emperador na si Xyron sa mundong kanyang napuntahan pagkatapos siyang matalo ng Diyos ng Kamatayan. Habang nasa mundong ito, makikilala niya si Tiffany, ang babaeng sasagip sa kanya, si Serge, isang drug-dealer...