Ang Nakaraan at Ang Unos
Hindi ko mahinuha kung papaanong napunta roon sina Damian at Tiffany sa theme park na iyon. Oo nga't malapit ang pinangyarihan ng pagsabog sa theme park na yun ngunit hindi ko naman inaasahan na sa mataong lugar pa sila pupunta.
"Hindi na ako nagulat sa sinabi mo," ani Serge na kausap ko ngayon sa telepono habang on the way na ako sa Enchanted Kingdom. Papunta na rin sila ngayon doon nina Ricky at Low. "Ganyan mag-isip si Damian. Hindi ka nga naman magi-expect na sa open na lugar sila pupunta after ng nangyari. Kung umalis kasi sila agad ng Laguna may chance pa na maharang sila ng mga pulis sa checkpoint."
May punto si Serge kaya iwinaksi ko na ang pag-aalinlangan ko sa animo'y kakaibang galaw ni Damian na ito kahit na hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip kung paano niya nagawang makaligtas mula sa pagsabog nang ihagis niya ang granadang iyon.
"Basta't magkita-kita na lamang tayo roon."
"Okay, Xyron. Pero tandaan mo, baka wala tayong maipuslit na armas sa loob ng park. Kaya ihanda mo na sarili mo."
"Walang problema. Dahil tingin ko naman wala ring armas si Damian pagpasok sa loob."
Kahit papano ay maganda naman ang tingin ko sa mangyayari doon. Lalo pa't pinakiusapan ko sina Nadine at John Lloyd na samahan ako roon. Nauna na sila dahil ayaw naming makilala na magkakasama kami. Mabuti na rin ang nag-iingat.
Pagkarating ko ng Enchanted, natulala pa ako saglit pagkapasok ko sa loob. Hindi mga tao o ang ingay nila ang pumukaw ng atensiyon ko kundi ang mga bagay na narito na kung tawagin ay rides. Napanganga ako habang pinagmamasdan ang isang tren na nasa ere ang riles tapos nagsisigawan ang mga nakasakay doon.
Narinig kong may tumawa sa likod ko. "Xyron! Ba't naman ganyan itsura mo?"
"Anong sinasabi mo diyan?" Tanggi ko pero nakita na pala ni Nadine ang mukha ko kanina.
"First time mo yata rito eh!" Hinila niya pa ako sa kamay at masayang nagsasayaw habang papunta kami sa kung saan. "Sakay muna tayo sa carousel! O kaya sa Ferris Wheel!"
"Teka lang Nadine---!"
"Masaya 'to, Xyron!" Dagdag niya pa na hindi yata narinig ang protesta ko. "Ito ang paborito kong bagay dito sa mundong ito!"
"Teka lang!" Sa pagkakataong ito, ginamit ko na ang konting pwersa ko para mapahinto siya. Na nangyari naman agad. "Di ka nakikinig. Nadine, hindi tayo nagpunta rito para magsaya!"
Ngunit sa halip na matakot sa mga sinabi ko ay mas lalo niya lang akong nginitian nang malapad. "Ano ka ba! Sa tingin mo mahahanap mo nang basta-basta 'yung Damian na yun at ang jowa mo rito? Sa dami ng tao? Sa ingay?"
"Kailangan ko silang hanapin---"
"Si Kuya John Lloyd na ang bahala. Wag ka mag-alala. Ite-text niya raw ako kapag nakita na niya ang dalawang hinahanap mo."
"Paano naman? Pagkatapos mong sabihin na mahirap maghanap ng tao rito, paano mahahanap ni John Lloyd sina Damian at Tiffany?"
"Eh di gamit ang powers niya!" Aniya. "Sa tingin mo, paano ka nakita noon ni John Lloyd? Paano niya kami nahanap? Kaming mga iba pang Dayo? Dahil may kakayahan siya na gamitin ang hangin upang marinig tayo. To be specific, may kakayahan siyang ma-sense ang bawat boses ng mga naririnig niya."
"Yun pala ang kapangyarihan niya."
Tumango si Nadine at muli na akong hinila papunta sa mataas na ride na parang higanteng gulong. Ang kaibahan nga lang nito sa totoong gulong ay may mga 'silid' sa bawat kanto nito. Mahirap ipaliwanag ang pagkakabuo nito at kung saan-saan na napadpad ang aking isipa habang nakatingala ako sa pag-ikot nito.
BINABASA MO ANG
The Misadventures of the Black Hole Emperor
AdventureQuiarrah Spin-off Story Clueless ang Emperador na si Xyron sa mundong kanyang napuntahan pagkatapos siyang matalo ng Diyos ng Kamatayan. Habang nasa mundong ito, makikilala niya si Tiffany, ang babaeng sasagip sa kanya, si Serge, isang drug-dealer...