Ventei y Quatro

127 7 4
                                    

Ang Manloloko

Makailang beses ko na ring nabasa sa Internet, sa mga nobelang tinapos ko sa isang upuan lamang, at nakita sa tv ang eksenang ito. Ang pag-aaminan ng dalawang umiibig.

Alam ko naman na talagang nangyayari sa totoong buhay ang mga ganitong bagay, ngunit kahit kailan ay hindi sumagi sa utak ko na mararanasa ko ang ganito nang personal. Hindi ko akalain na darating ang araw na aamin ako ng aking pagtingin sa isang tao sapagkat ibang-iba ito sa naramdaman ko noon...

Hindi ko rin maintindihan kung bakit, ngunit kahit ano pa man ang matuklasan ko sa pagkatao ni Tiffany ay hindi mabago-bago ang nabuong pag-ibig ko sa kanya.

Isang bahagi nga ng utak ko ang hindi matahimik sapagkat hindi ko maintindihan kung bakit ganito katindi ang nararamdaman ko para kay Tiffany. Sinasabi ng utak ko na hindi na tama ang nararamdaman ko... Na bilang isang Pantas, hindi ito katanggap-tanggap...

Ngunit anong magagawa ko? Hindi ko na kayang mawala pa sa akin si Tiffany... Akala ko nga noon nag-iinarte lamang si Yohan sa tuwing naghahayag ito ng pagmamahal nito kay Aravella, ngunit ngayon naiintindihan ko na na hindi mo talaga mapipigilan ang nararamdaman mo sa isang tao kahit pa anong mga hadlang ang dumating...

Kapag nahulog ka na, tulad ng nangyayari sa akin ngayon, ay hindi ka na makakaahon pa.

"XYRONNNN!"

"Tiffany, kumapit ka lang!" sigaw ko sa kanya habang nahuhulog kaming dalawa sa gitna ng kulog at ulan. Mabuti na nga lang at maagap kong nahawakan si Tiffany kaya't nakayakap ang katawan niya ngayon sa akin...

Gamit ang mga pamamaraang natutunan ko sa mga Centurion noon, naglabas ako ng enerhiya habang nakaharap ako sa lupang pagbabagsakan namin. Susubukan ko kasing bawasan ang lakas ng pagbulusok namin at pagbagsak na rin...

Hiyaw nang hiyaw si Tiffany sa buong pangyayari. Hanggang sa tumama kami sa semento ay panay ang sigaw niya. Binalot ko siya ng aking katawan upang hindi siya tumama sa semento, sapagkat delikado para sa kanya iyon.

Ang likuran ko ang tumama sa semento, at kahit na gumamit na ako ng majika upang maibsan ang magiging pinsala ko ay napakasakit pa rin ng naging pagbagsak ko. "Xyron!" bulalas ni Tiffany na kaagad humiwalay sa yapos ko nang nasa lupa na kami. "Diyos ko naman! Gumising ka!"

Nakapikit kasi ako ngayon dahil sobrang sakit talaga ng pagtama ng katawan ko sa matigas na semento. Pakiramdam ko pa nga ay maghihiwa-hiwalay ang mga bahagi ng katawan ko.

"Xyron 'wag kang magbibiro nang ganyan!" reklamo pa ni Tiffany na umiiyak na yata habang niyuyugyog ang katawan ko. Pero dahil sa ginagawa niya ay mas lalong kumikirot ang katawan ko kaya napasimangot ako habang nakapikit pa rin. "Xyron! Ano'ng masakit sa 'yo? Ha? Please magsalita ka! Wag mo naman akong iwan nang ganito!"

Minulat ko na ang mga mata ko at ang unang nakita ko ay ang mukha niyang paiyak na. Napangiti ako. "Nag-aalala ka sa akin..." mahinang saad ko sa kanya.

"Natural! Ano'ng gusto mong gawin ko, tawanan ka?"

Nangingiti na 'ko. "Ngayon naman galit ka na..."

"Kasi naman! Hay! Jusko naman kasi Xyron! Nakita mo ba kung gaano kataas ang pinagbagsakan natin? Hindi ko nga alam kung paano pa tayo nabuhay eh. Lalo ka na! Hindi naman kasi tayo bumagsak sa foam!"

Napatingin nga ako sa pinaglagyan namin kanina. Napakataas nga talaga namin. Umuulan at kumukulog pa rin ang kalangitan, kaya't kahit gabi na ay maliwanag pa rin ang paligid.

May naaaninag akong kakaibang liwanag sa taas... Doon sa banda kung saan nagtatagpo ang dalawang magkaibang kidlat. Parang isang maliit na kumikinang na bola ng liwanag ang naroon...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Misadventures of the Black Hole EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon