Ventei y Dos

88 7 4
                                    

Ang Nagbabalik Mula sa Butas


"Wala siya rito. Ni hindi ko sila maramdaman," ani John Lloyd. Ginamit niya kasi ang matalas na pakiramdam ng mga katulad niyang Centurion upang matulungan akong hanapin sina Damian at Tiffany. "Nakaalis na sila."

"Imposible. Paano naman nangyari na sobrang bilis nilang nakaalis?"

Nagkibit-balikat si John Lloyd. "Nagdududa rin ako, Xyron. Ngunit hindi ako maaaring magkamali. Wala na rito ang mga taong hinahanap mo."

Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Paano naman kasi mangyayari iyon? Ano yun, may kapangyarihan ba ang Damian na yun na maglaho bigla? Hindi rin ba siya ordinaryong tao lang? Katulad ko ba siya?

Malayo namang iyon ang katotohanan kaya't hindi ko maintindihan kung ano ang nangyari. Inulit ko tuloy na sinuyod ang buong lugar. Umiwas nga lang ako na makita ng mga dumating na pulis. Nandoon na kasi sila sa lugar kung saan naganap ang pagsabog. Mabuti na lamang at maagap na nakaalis sina Nadine at Serge. Dinala nila si Madam Jaja kay Lolo DaKing upang doon gamutin. Habang nagpaiwan naman kasama ko sina John Lloyd at Alden--- isa rin sa mga Dayo na kaibigan nila.

Bata pa itong si Alden, at mukhang mayabang ang binatang ito kaya hindi ko siya gusto. Yun nga lang may kakayahan daw siya na makakatulong sa'min kaya't pinakiusapan siya ni John Lloyd na magpaiwan.

"Ano na ang sunod na gagawin natin?" Di ko na natiis at nagtanong na ako. Wala na kasi akong maisip na paraan upang mahanap sina Tiffany at ang Damian na yun. Ang mga naiisip kong paraan ay hindi ko maaaring gawin sa mundong ito.

"Alden, ikaw na ang bahala," sagot ni John Lloyd. "Mauuna na kami sa'yo."

"Opo, Maestro John Lloyd. Ako na ang bahala rito. Let's go, Bossing!"

"Ha?"

Natawa si John Lloyd sa naging reaction ko sa mga kakaibang sinabi ni Alden. "Wag mo na pansinin kung ano ang mga binibigkas ng bibig niya. Kung di mo kasi naitatanong, isa siyang artista sa mundong ito."

"Artista? Yung mga napapanood sa tv?"

"Ganun na nga. Kaya palampasin mo na lang pag may sinasabi siyang di mo maapuhap. Paborito niya rin kasing sinasabi 'yung Ingles na---"

"Let's go!"

"Ayun na nga."

Hindi na lang ako nagkomento pa. Alam ko naman na hindi lahat ng Dayo na napadpad dito ay matino pa ang utak katulad ko. Nakakabaliw nga naman na mapunta sa isang mundo na hindi mo naman kinabibilangan. Marahil ay nabaliw na ang Alden na ito na nagpapaalala pa naman sa akin kay Yohan. Iisipin ko na lang na may saltik siya sa ulo niya.

"Tara na, umuwi muna tayo roon kay DaKing. Siya na ang bahalang maghanap sa kasintahan mo."

Tumango na lang ako. At naglaho na kami sa hangin. Sa isang iglap ay nasa labas na kami ng tarangkahan ni Lolo DaKing, ang Dayong may kakayahang manggamot.

Kumatok kami sa pinto at naghintay na kami ay pagbuksan. "Ano nga pala ang Marka--- este kakayahan ng Alden na yun? Bakit tiwalang-tiwala ka na mahahanap niya si Tiffany?"

"May kakayahan siyang bumalik sa panahon."

"A-Ano?"

Halata sa mukha ni John Lloyd na sanay na siya na nagugulat ang pinagsasabihan niya sa kakayahan ni Alden. "Ang Dayong si Alden ay mula sa isang mundo na gumagamit ng majika ng pagmamaniobra sa panahon. Ang katulad niya ay may kakayahang magbalik sa panahon na hanggang tatlong oras bago ang isang pangyayari."

The Misadventures of the Black Hole EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon