Ang Tatsulok
Wari'y tumigil ang mundo ko nang maramdaman ko ang matinding kirot sa aking dibdib. Napatingin ako doon at nakita ko ang maraming dugo. Namutla ako, hindi sa aking tama o sa lakas ng sigaw ni Tiffany na kumuha ng atensiyon ng mga tao sa paligid kundi sa bilis ng pangyayari.
Hindi ko akalain na ganito kabilis at kaasintado ang sandatang ginamit sa akin. Sa kabila ng aking pagtumba ay ang aking pagkamangha. Wala na akong masabi at naririnig ko na ang pag-iyak ni Tiffany na dumulog sa tabi ko.
"Xyron! Jusko! Anong nangyari? Tulong! Tulong! TULONG!"
Ngunit bago pa man may naglakas loob na lumapit sa'min ay pareho kaming natigilan ni Tiffany dahil sa isang kakaiba at pambihirang pangyayari. Bigla kasing umilaw ang hawak kong kasangkapan--- 'yung cellphone na bigay ni Tiffany sa'kin. Nakita ko kasing nabahiran na rin ito ng dugo. At ngayon, umiilaw ito na parang isang bituin na kumikinang. Gumagalaw din ito na parang may sarili itong buhay, hanggang sa bigla itong naglaho.
"XYRON!"
Napanganga na rin ako sa gulat sa sunod-sunod na mga pangyayari. Hindi lang kasi ang cellphone ko ang naglaho, pati na rin ang sugat ko!
Napatayo tuloy ako sa gulat, habang hinahanap namin ni Tiffany ang sugat sa dibdib ko. Pero wala kaming nakita, kahit na butas na at puno ng dugo ang damit kong tinamaan ng baril kanina!
"Yung sugat... Yung cellphone---" hindi na ako makapagsalita nang matino dahil sa pagkakabigla at ganun na din ang nangyari kay Tiffany. "Anong nangyari?"
"Aba, bakit ako ang tinatanong mo? Ano namang alam ko diyan di ba?" Bulalas niya na natataranta pa rin. Nagpalinga-linga siya sa paligid na parang may hinahanap. "Kapag nakita ko ulit ang riding in tandem na yun hindi ko talaga sila titigilan hangga't hindi ko nababaklas ang mga anit nila!"
Hindi nagtagal at may dumating na dalawang kawal--- o pulis kung tawagin ng mga tagarito at kinausap nila kami. Si Tiffany ang nakausap nila at hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila bukod sa ilang mga bahagi nito tulad ng wala naman daw akong tama. Tapos isinama kami ng mga ito sa kanilang bahay, o presinto ayon kay Tiffany para daw maghain ng reklamo. Gusto pa nga nila akong dalhin sa ospital pero umayaw na ako. Sabi ni Tiffany uuwi na raw kami.
"Ano'ng sinabi nila sa'yo kanina?" Tanong ko kay Tiffany nang pauwi na kami sakay ng jeep. "Bakit ang tagal niyong nag-usap?"
Huminga muna nang malalim si Tiffany bago ako sagutin. "Marami lang silang tinanong, kasi nga medyo kakaiba 'yung nangyari sa'yo. Hindi ko talaga ma-imagine kung sino ang nagtangka sa buhay mo. Sila Boy Bigwas ba?"
"Hindi naman siguro. Wala naman akong atraso sa kanila," sagot ko pero napapaisip din ako.
"Wala nga ba?" Makahulugan namang balik sa'kin ni Tiffany. "Di ba nga at hindi mo naman naibalik sa kanila 'yung gulay nila?"
"Yun ba ang dahilan kung bakit nila akong nais patayin?" Bulong ko sa kanyang nag-aalala. "Mabuti na lang pala hindi nila ako nasaktan."
Tumango si Tiffany. "At hanggang ngayon, hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari. Di ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang mga nangyari kanina, Xyron. O kung nangyari nga ba yun? Oo tama! Imagination ko lang naman ang mga yun di ba?"
"Imagination?"
"Ibig sabihin nun, guni-guni. Hay, sure talaga ako na tinamaan ka kanina ng bala eh! Tapos biglang nawala ang tana mo! At ang mas nakakaloka pa, pati 'yung cellphone na binigay ko sa'yo naglaho bigla! Inutang ko lang yun sa asawa ng Bumbay!"
![](https://img.wattpad.com/cover/170259534-288-k732780.jpg)
BINABASA MO ANG
The Misadventures of the Black Hole Emperor
AdventureQuiarrah Spin-off Story Clueless ang Emperador na si Xyron sa mundong kanyang napuntahan pagkatapos siyang matalo ng Diyos ng Kamatayan. Habang nasa mundong ito, makikilala niya si Tiffany, ang babaeng sasagip sa kanya, si Serge, isang drug-dealer...