Diez y Seis

203 15 3
                                    

Ang Boyfriend ni Tiffany


"Tiffany? Yung syota mo?" Nagtatakang tanong sa'kin ni Serge sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata niya nang tumango ako. "Bakit siya nandito? At bakit kasama niya 'yung lalaking yun, pati na ang Abel na yan? Kilala niya ba ang mga yan?"

Nakatingin na sa'kin ang tatlo kaya sinamaan ko na sila ng tingin. "Maganda ang tanong mo, Serge. Pero wala akong kasagutan sa mga yun. Hindi ko rin alam kung bakit siya nandito."

"Baka naman kasi miyembro ng grupo ni Abel 'yang babae mo, Xyron!"

"Parang hindi naman," pagtatanggol ko kay Tiffany, ngunit inaamin kong maski ako ay napapaisip ngayon na baka nga tama si Serge. Na parte nga ng grupo nina Abel si Tiffany at hindi ko lang alam. "Baka kakilala niya ang mga yan. Baka sa Tondo rin nakatira si Abel."

"Ewan ko pare ha, pero iba ang kutob ko. Tingnan mo naman kung akbayan nung lalaki 'yang syota mo. Parang iniiputan ka pa nga yata niyan sa ulo mo eh!"

Kaagad akong nakaramdam nang matinding galit sa mga sinabi ni Serge, at pinilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil ayokong magamit ko ang Marka ko sa harapan nila. Tiyak na matatakot sila sa akin.

"Ano, titirahin na ba natin 'yung lalaki?" Tanong naman sa'kin ni Low na nakatingin na ulit sa target niya. "Titirahin ko na ah. Pati si Abel. Kanina pa ako nangangating makaganti."

"Teka lang Low---!"

"Don't worry pare, hindi ko naman idadamay 'yang babae mo. Pero ikaw, sabihin mo lang kung gusto mong isama ko na---"

"SINABI NG TEKA LANG!" Napasigaw na ako dahil nawala na ang pagtitimpi ko at dahil doon, gulat na gulat silang tatlo. Ngunit mali yata ang ginawa ko dahil alam kong malakas ang boses ko na malamang na umabot doon sa kinatatayuan nina Tiffany. Akala ko ay mabibisto na kami ng mga target namin, pero saktong hinatak kaming tatlo ni Serge pababa sa hamba ng semento para matakpan kami at hindi kami makita.

"Nakita o narinig kaya nila tayo?" Tanong ni Ricky.

"Mukhang hindi naman," tahimik na sagot ni Serge pero masama ang tingin niya sa'kin. "Pero compromised na ang location natin at hindi na natin sila matitira rito. Hanap tayo ng bagong spot."

"Ano? Pero papasok na sila sa loob ng compound!" Giit naman ni Low. "Mahihirapan na tayo!"

"Eh kung ganun, ano ang plan b?"

Ako na ang nagsalita. "Dahil ako naman ang may kasalanan, ako na ang gagawa ng paraan---"

"Ano? Ano naman ang gagawin mo Xyron? Hindi mo sila kayang mag-isa!"

"Kasama nila si Tiffany," mahinahong paliwanag ko sa kanilang tatlo na nakatingin sa'kin na akala mo magpapakamatay na 'ko. "Kaya aalamin ko rin kung bakit kasama niya ang mga sangganong yun."

"Pero Xyron, malinaw ang utos sa'tin ni Madam Jaja---"

"Alam ko pero hindi ko hahayaang madamay si Tiffany rito. Kaya nakikiusap ako, na hayaan niyo na sa'kin 'to."

Nagkatinginan silang tatlo. "Ano ba kasing balak mo, ha Xyron?" Tanong ni Serge.

"Kukunin ko mula sa mga lalaking yun si Tiffany."

"Eh mukha namang hindi siya sapilitang kinaladkad nina Abel," ani Low. "Kaya paano kung kasamahan nila ang babae mo?"

"Basta," buntong-hininga ko. "Ako na ang gagawa ng paraan. Wag kayong mag-alala, aakuin ko lahat ng sisi kung sakali mang pumalpak ako," sagot ko. Tumayo na ako at tiningnan ko ang gate ng compound ng grupo nina Abel. Tama nga ang hinala ko. Wala na sila roon. Malamang pumasok na sila sa loob ng compound. "Hintayin niyo na lang ako. Pero sinisiguro ko sa inyo na hindi ako papalpak."

The Misadventures of the Black Hole EmperorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon