Ang Teritoryo
Nang makarating kami nina Lala at Loriebelle sa San Jose Del Monte, Bulacan, kaagad naming pinuntahan ang sinasabing matalik nitong kaibigan. Mabuti na lamang at alam nila kung saan ito mismo nakatira, sa tulong na rin daw ng Facebook.
Isang matangkad na lalaki ang humarap sa amin sa isang malaking bahay na ayon kay Lala ay ang address ng best friend ni Tiffany. "Sino kayo?" Nagtatakang tanong niya, at mas lalong kumunot ang noo niya nang tila mamukhaan niya ang dalawang dalagitang kasama ko. "Teka, kilala ko kayo ah. Di ba at mga kapitbahay kayo ni Tiffany? Anong ginagawa niyo rito?"
"Ah, Kuya Rudel, itatanong lang sana namin kung nagpunta ba dito si Ate Tiffany?" Tanong naman ni Loriebelle sa kanya.
"Hindi siya nagpunta dito," sagot agad ng lalaking nagngangalang Rudel. "Bakit niyo siya hinahanap dito?"
"Eh kasi Kuya, hindi pa siya umuuwi sa amin eh," ani Lala. "Ilang araw na rin. Naisip namin baka dito siya nagpunta sa'yo..."
"Bagong lipat lang ako dito sa bagong bahay kong 'to," sagot niya na sa akin naman ngayon nakatingin na para bang inaalam niya nang palihim kung sino ako. "At matagal na kaming hindi nagkakausap kaya imposibleng dito siya magpupunta."
"G-Ganun ba?" Parang iiyak na si Lala sa sinabi ng Rudel na ito. "Naku, Kuya Xyron, paano na yan?" Malungkot na tanong niya sa'kin. "Saan na natin hahanapin si Ate Tiffany ngayon?"
Sasagot na sana ako pero nagtanong na naman si Rudel. "Bakit ba siya nawawala? Ano bang nangyari?" Sa akin napatingin sina Lala at Loriebelle kaya nakatingin na rin sa akin itong Rudel na ito na naghihintay na ng isasagot ko.
"May hindi lang kami pagkakaintindihan," sagot ko at nakaramdam ako ng hiya sa pagkakataong ito. Na dahil sa kapabayaan ko ay umalis si Tiffany.
"Ano ka ba ni Tiffany? Boyfriend ka ba niya?" May panghahamong tanong sa'kin ni Rudel. Pero kung inaakala niyang masisindak niya ako sa mga tingin niya, nagkakamali siya. Ni hindi ako kumurap at nakipagtagisan ako ng tingin sa kanya.
"Kaibigan niya ako."
"Kilala ko si Tiffany," sabat niya. "Hindi yun madaling mapikon o magalit. Kaya kung ilang araw na nga siyang hindi umuuwi dahil sa away niyo, iisa lang ang ibig sabihin nun. May ginawa ka sa kanyang hindi maganda."
Hindi na ako nakapagpigil. "Mahalaga pa ba kung anong nangyari sa pagitan namin? Sesermunan mo pa ba ako? Dahil sa pagkakaalam ko hindi rin naging maganda ang pakikitungo mo kay Tiffany mula nang matuklasan mo kung ano ang ikinabubuhay niya di ba?"
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Aba't ang lakas ng loob mo ah!" Dinuro niya pa ako ngunit hindi ako nagpasindak. "Sino ka ba para pagsabihan ako nang ganyan?"
"Ngayon alam mo na kung bakit hindi na mahalaga kung ano man ang pinag-awayan namin," dagdag ko pa sa mga sinabi ko. "Dahil sino ka rin ba para pagsabihan ako?"
"Aba, eh gago ka pala eh!" Bigla niya akong sinugod ngunit agad kong naramdaman ang pag-atake niya kaya't agad akong nakaatras upang iwasan ang kamao niya. Nagtilian na rin sina Lala at Loriebelle na agad pumagitna sa aming dalawa ni Rudel.
"Tumigil na kayo mga Kuya!" Sigaw ni Loriebelle sa'min. "Jusko naman! Hindi ito ang tamang oras para magsuntukan kayo!"
"Pagsabihan niyo kasi 'yang kasama niyo!" Bulyaw sa'min ni Rudel na gusto pa yata akong sugurin. Ang kaso, siya ang kinapitan ng dalawa para hindi ako malapitan. "Ang yabang-yabang!"
"Pwede ba tama na?"
"Ganito na lang Kuya," pagsingit naman ni Lala. "Kuya Rudel, sorry kung naistorbo ka namin. Gusto lang talaga naming hanapin si Ate Tiffany. Ngayon kung wala ka talagang alam kung nasaan siya, kung hindi ba talaga siya nagpunta dito sa'yo, eh aalis na kami. Pasensiya na lang sa abala."
BINABASA MO ANG
The Misadventures of the Black Hole Emperor
एड्वेंचरQuiarrah Spin-off Story Clueless ang Emperador na si Xyron sa mundong kanyang napuntahan pagkatapos siyang matalo ng Diyos ng Kamatayan. Habang nasa mundong ito, makikilala niya si Tiffany, ang babaeng sasagip sa kanya, si Serge, isang drug-dealer...