Chapter Nine

534 21 21
                                    

Ano ba 'tong pinasok ko? Hindi ko tuloy alam kung paano malulusutan 'to. Kailangan ko ng tulong, anong sasabihin ko kay Nathan? Ayokong magtampo sa akin ang mga kaibigan ko dahil dito, simula nang makilala ko sila andyan sila parati para sa akin. Mula sa personal problems, school problems at maging sa fangirl problems andyan sila para suportahan ako. Although maliit na bagay lang 'to ayokong pagsimulan 'to ng tampuhan namin. May tatlong araw pa naman bago ang sabado kaya may oras pa ako para mag-explain at manghingi ng sorry kay Nathan. Aish! Sayang gusto ko pa naman sanang pumunta kahit di ko kilala ang may birthday pero tingin ko hindi naman ako ma-o-op pag sumama ako doon eh, besides andyan naman si Nathan. Kaso ang problema, hindi na nga matutuloy. Hindi na ako makakapunta dahil may usapan na kami ng girlfriends ko. Hayy. Kung kelan may chance nang makilala ko ng husto si Nathan saka pa nawala. Okay lang, hindi ko ipagpapalit ang friendship naming tatlo over him.

Pero.. Nanghihinayang pa din talaga ako! Ghaaad! Gusto kong mainis sa sarili ko, pwede bang maging dalawa sa isang araw? Isang araw lang naman eh, kailangan ko ng super powers. Hastag nababaliw.

Nagkulong ako sa kwarto, kailangan kong mag-isip ng magandang alibi na sasabihin ko kay Nathan. Yung tipong hindi siya magagalit o magtatampo na pinaasa ko siya. Kailangan ko na talaga ng mapagsasabihan, i searched for my phone and called Hami's number.

"GF, kailangan talaga kitang makausap."

"Oh bakit naman? Anong problema gf?"

"Kasi ganito yun.." Kinuwento ko nga kay Hami yung nangyaring usapan namin ni Nathan. Hindi ko naman sinasadyang hindi maalalang may usapan na pala kaming tatlo eh. Pero nakapag decide naman na ako na hindi na ako sasama kay Nathan.

"What? Seriously? Woah, sayang naman. Malay mo pinto na pala yan sa pagiging magkaibigan niyo ni Nathan."

"Yun na nga eh, hindi naman ako umaasang may gusto siya sa akin kaya niya ako niyayaya. Ang iniisip ko nga baka gusto niya lang talaga akong maging kaibigan diba? Sayang nga pero hindi ko naman kayo ipagpapalit ni Minki sa kanya. Kaibigan ko naman kayo diba? So ano pang kaibigan ang hinahanap ko? Eh andyan naman kayo."

"Kung ako lang naman gf, okay lang sa aking pumunta ka doon tutal lagi naman tayong magkakasamang tatlo eh. Saka may ibang pagkakataon pa para matuloy ang usapan nating overnight kela Minki. Kaso nga lang kailangan din nating malaman ang opinyon niya since siya ang nag-aya."

"Yun na nga, knowing her na sobrang matampuhin asa pa tayo no? Haha! Pero okay naman na eh, hindi na nga ako sasama kay Nathan. Tulungan mo na lang akong gumawa ng alibi."

"Naku gagawin mo pa akong sinungaling niyan."

"White lies gf correction so hindi naman kasalanan."

"Lie pa din yun. Liars go to hell pa naman. Aish!"

"Please gf, help me. Kaya nga kita tinawagan kasi wala na akong ibang alam na malalapitan ikaw na lang. Ayokong sabihin kay Minki dahil malamang iisipin noon na pinagpipilian ko pa kayo saka si Nathan. Alam mo naman ang utak ng isang yun."

"Sige mag-iisip ako. Text text na lang tayo."

"Thankyou gf! I love you talaga!"

I ended the call, medyo nakahinga ako nang maluwag matapos kong makausap si Hami. Sana nga makapag-isip siya ng magandang idadahilan ko kay Nathan. Nakakahiya naman kasi doon sa tao baka sabihin wala akong isang salita.

Hindi ko na lang nireplyan si Nathan, kailangang sa personal ko siya makausap. Kaya tuloy paggising ko ang laki ng eyebags ko. Napuyat talaga ako kakaisip. Sakit sa ulo din pala ang ganito, ano na lang kaya kung totoong lovelife na 'to edi mas lalong stress? Haay, wag naman sana.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon