Chapter Five

690 29 18
                                    

Araw-araw kong ipinagdadasal na sana di ko siya makita o kahit makasalubong man lang. Mukhang dininig naman ang panalangin ko dahil simula noong nangyari sa canteen hindi ko na siya nakita.

Nasa stage pa din ako ngayon ng acceptance. Habang tumatagal nawawala yung init ng balita tungkol sa pakikipag date ni Terrence. Nasasapawan na ito ng mga bagong issue kaya mas nakakagaan ng loob. Hindi tulad noong bago pa lang eh halos isumpa kong hindi na ako magbubukas ng laptop. Pagbukas mo palang kasi ng account mo yun agad ang makikita mo.

Sa ngayon naman unti-unti nakong nakakamove on. Hindi na siya ganon kasakit. Kailangan nga naman kasi ng bias ko ng taong magpaparamdam sa kanyang mahal siya. Pero hindi pa ba sapat ang pagmamahal na ipinaparamdam namin ng mga fans niya sa kanya?  Iba pa din talaga yung mahal niya, mahal din siya. Siguro nga hindi sapat ang pagmamahal lang, kelangan din kasi ng presence at yung may matatawag talaga siyang girlfriend. Pero paano naman kami? We treat ourselves as his girlfriends naman eh hindi pa ba sapat yun? Tama na nga itong pakikipag debate ko sa sarili ko! Walang mananalo eh! Dagdag sakit sa ulo lang.

I remember the things Hami and Minki told me last time we went out together.

Kahit naman  sa amin mangyari yun gf eh, mahihirapan din kaming tanggapin yon. Pero hindi pwedeng ganyan na lang tayo palagi. Tandaan mo, ang tunay na fan sumusuporta sa bias yan. So sa ngayon lalo na't may issue tungkol  sa bias mo mas kailangan niya ng suporta galing sayo. Sasabay ka pa ba sa iba niyang fangirls na sumama ang loob? Na nag unfan? Na nagalit? Sasabayan mo pa ba ang frustrations nila kung pwede mo namang patuloy na suportahan si Terrence? Ngayon lalabas ang tunay na fan sa hindi. At kung isa ka sa mga tunay na fan na 'yon lalabas ka para suportahan siya. Nagka girlfriend lang naman siya diba? Hindi siya nawala, hindi niya kayo iniwan. Andiyan pa rin siya at naghihintay na suportahan niyo ang desisyong ginawa niya. Masaya siya sa desisyon na yun kaya dapat maging masaya ka rin sa kanya diba?

And that hit me. Parang biglang nagkaroon ng kasagutan lahat ng mga tanong ko. Sa isang iglap naintindihan ko si Terrence, naintindihan ko kung bakit niya ginawa yon. Tulad ko nagmahal lang din siya. At ngayon kailangan kong maging masaya para sa kanilang dalawa. Bias ko yun eh, sa panahong gaya nito suporta at pagmamahal ko nga naman ang kailangan niya.

Sabado ngayon kaya wala kaming pasok, nag online muna ako saglit bago bumaba ng kwarto. Natawa naman ako sa status na nabasa ko ang sabi kasi, "If you can't date your bias, date a fanboy instead." Ni-like ko lang iyon saka bumaba para kumain. Wala akong balak ngayong gawin dahil tinatamad ako, nagising ang diwa ko nang narinig kong tumunog ang phone ko. Sinagot ko naman agad nang makita ko sa screen kung sino ang tumatawag. Si Minki pala.

"Oh gf napatawag ka? Taray daming load, patawag-tawag nalang."

"Sira! Ten minutes lang to. Haha. Papunta kami ngayon ni Hami sa inyo. Papaturo akong mag gitara sayo."

"Ha? Alam mo namang hindi na ako nag gigitara ngayon eh. Pabigla-bigla kayo ng plano di niyo man lang ako ininform tapos papunta na pala kayo dito."

"Kaya nga ako tumawag para iinfom ka diba?"

"Ibig kong sabihin, nang mas maaga."

"Dito na kami sa tapat ng bahay niyo." I hang up the phone and immediately went outside my room. Ang bilis ha, kausap ko lang siya sa phone andyan na sila agad? Pasaway di man lang ako nakapaglinis ng kwarto ko.

"Hello gf!" Masiglang bati ni Minki. Sinimangutan ko lang siya.

"What's with that expression? Ayaw mo ba kaming makita?" Tanong ni Hami.

"Tse! Ang aarte niyo! Pasok na kayo." Pinagbuksan ko naman sila ng gate. "Pumunta kayo dito nang wala man lang dala?"

"Eh mas masarap magluto mommy mo kaya di na kami nag-abala. May pagkain ba kayo diyan?" Sabay naming binatukan si Minki.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon