Special Chapter (Kier Francis)

503 20 14
                                    

FRANCIS'S POV:

Nagpapatugtog ako ng kpop song  sa laptop nang biglang may nag pop up  na notification sa facebook ko. Gabi na ah. Tiningnan ko muna, baka mamaya yung mga fangirls lang din na present sa pagla-like ng bawat status ko. Hindi naman ako sikat, sadyang gwapo lang talaga ako kaya nagkakaroon ako ng maraming followers sa facebook at twitter. Marami kasing nagsasabing kamukha ko yung isa kong bias, si Terrence. Sa isang not-so-die hard na fanboy na kagaya ko compliment na iyon. Mahirap kayang maachieve ang maging kamukha mo ang isa sa mga bias mo. Tanging mga gwapo lang ang biniyayaan nun, buti na lang talaga gwapo ako.

1 new friend request

Chun added you as a friend.

Teka.. Parang kilala ko tong babaeng 'to ah. Tiningnan ko muna ang timeline niya at hindi nga ako nagkamali, yung kaklase ko sa PhilHis. Natatandaan ko pa nung last sem, nagkasakay kami sa jeep. Nakakatawa yung reaction niya nun, katulad lang din ng mga reaksyon ng mga babaeng nakakakita sa akin. Una, tititigan nila akong mabuti, pangalawa magugulat sila, pangatlo tititigan ulit nila ako saka marerealize na hindi ako ang naiisip nila. Yeah right, sanay na ako sa ganoong reaksyon kaya balewala na lang sa akin yun. Paglatapos nun ay ilang beses ko na rin siyang nakita, kasama siya nung pinsan ni Jaylee noong nag debut ito. Minsan naman ay nakakasalubong ko siya sa hallway.

Inaccept ko yung friend request niya sa akin. Hindi ako basta-bastang nag aapprove ng friend requests lalo na kapag hindi ko kilala. Sa kaso namin kahit hindi ko siya kilala since classmate ko naman siya kaya in-accept ko siya. Na-mesmerized ba siya sa kaguwapuhan ko kaya niya ako in-add? Well, okay lang sanay naman na ako.

Sinasabayan ko ang sayaw na pinapatugtog ko ngayon. Basketball at pagsasayaw lang ang hilig ko, kaya lang naman ako naging fan ng kpop dahil sa mga astig na dance moves ng mga boy groups eh. Mahilig na kasi talaga akong sumayaw noon pa kaya nagkainteres ako sa kpop. Nagustuhan ko naman, dalawang taon na nga yata akong fan. Marami akong grupong gusto kaya hindi permanente ang bias ko. Ayun si Terrence isa sa mga paborito ko, ang astig kasi niyang sumayaw. Ginagaya ko parati yung mga steps niya, usually kasi sa kanya yung mga complicated steps dahil siya ang lead dancer ng grupo nila. Syempre dahil gwapo at magaling ako, kayang-kaya kong sabayan ang sayaw niya. Nasa kalagitnaan na ako ng pagsasayaw nang may nag pop-up ulit sa notifications ko. Tiningnan ko ulit kung ano at nagtaka ako kung bakit iyon ang lumabas.

Chun removed you to her friend's list.

Anong problema ng babaeng 'to? Inunfriend niya ako agad-agad? Ano yun? Saka hindi ba niya alam na maswerte siya at inaccept ko pa siya? Yung iba nga diyan hindi ako tinatantanan ma-accept ko lang tapos siya i-uunfriend ako ng ganun ganun? Aba! Nakakaloko siya ah. Tiningnan ko ang timeline niya at totoo ngang inunfriend na niya ako dahil hindi ko na makita yung recent posts niya. Tanging profile picture na lang ang nakikita ko. Ang yabang niya ah, hindi ko palalampasin 'to.

Inantay ko talaga ang araw na magkaklase kami. Gusto ko siyang pagtripan at badtrippin. Tignan lang natin. Buti naman at pagpasok na pagpasok niya napatingin agad siya sa akin, tinitigan ko siya ng mataman. Maiinlove siya sa mga tingin ko, sigurado ako. Haha! Pero umiwas agad siya ng tingin, hindi na siguro kinaya ang kagwapuhan ko. Naupo siya sa katapat kong upuan. Tinititigan ko talaga pati ang likod niya, sana maramdaman niya yun. Napapansin kong hindi siya komportable kaya mahina akong tumawa, success ang pangdidistract ko sa kanya. Pumasok naman agad ang prof namin at nagsimula ng magturo. Ayan na naman siya, ayoko sa lahat yung sobrang mabunganga eh, hindi na lang magpagawa ng activity dami pang dada. Nilalakasan ko ang mga pagrereklamo ko hindi dahil gusto kong marinig ako ng prof kundi gusto kong marinig niya ako. Mukha namang successful ang plano dahil narinig ko siyang nagbuntong hininga. Pero hindi ko pa rin siya tinigilan, ginalaw-galaw ko ang upuan niya na siyang ikinairita niya. Kumagat siya sa plano ko.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon