Chapter Thirty Nine

39 3 7
                                    

Nakapatay ang ilaw sa malawak na stage na kinatatayuan namin ngayon. Tanging ang palakpak ng mga tao ang naririnig ko. Sumenyas si Lennon sa amin at sinimulang patugtugin ang drums.

Kasabay ng pagtugtog niya ang pagsindi ng ibang ilaw na sa amin nakaharap. Nasisilaw ako at parang walang ibang makita kundi ang screen na maliit sa baba ng stage. I can see my image on that screen. Sinabayan naman iyon nina Ian at Henry. Malakas ang palakpakan ng mga tao pero karamihan sa kanila ay parang nagtataka. Nag-iisip marahil kung bakit may suot kaming mask sa ganitong klaseng pagkakataon.

Sa bandang gilid ng stage ay naroon ang iba't ibang kpop groups. Lahat sila, nasa amin ang atensyon. Tila ba hinihintay at inaabangan kung ano ang kaya naming ipakita. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko. Sobra sobrang panginginig na ang nararamdaman ko. Makakakanta pa kaya ako?

"Go Redlight! Wuhoo! Fighting!" Naagaw ni Minki ang atensyon ko, naroon siya sa harap, nakaupo sa VIP seat at napakalapit lang niya sa stage kung kaya kahit punong puno ang arena ay dinig na dinig ko ang boses niya. Sabay sabay namang nag cheer 'yung iba na para bang naging fanchant na, karamihan sa kanila mga estudyante rin ng SMU.

Sinimulan na ni Ian ang pagkanta.

Mianhae nae tasiya
gomawo deokbuniya
tukhamyeon naebaetdeon ne geu malbeoreut
neodo himdeun geol nan da aneunde
ama neon naega babon jul ana bwa

Kitang kita sa mga reaksyon nila ang pagkamangha. Lumakas yung palakpakan ng mga tao. Pati ang mga Kpop Idols at groups ay napasabay din sa pagkanta at napapalakpak pa. Sobrang nakakatuwa ang reaksyon nila. Napatingin ako sa gawi nila at nakita ko ang Shining. Silang lahat ay napapakanta maliban kay Terrence na nakatitig lang sa amin, sa akin. Mas lalo akong kinabahan. Tama nga bang sa akin siya mismo nakatingin? Hindi naman siguro, baka nagkakamali lang ako. Baka sa buong banda siya nakatingin at hindi lang sa akin. Malapit ng matapos si Ian sa linya niya at ako na ang kasunod. Huminga ako ng malalim at sinimulan na rin ang pagkanta.

Uneun eolgullo na himdeulda hamyeon
jeongmal naajilkka
geureom nuga himdeulkka apeuda jingjingdaemyeon
modu da gwaenchanhajineunde

Grabe! Totoo ba talaga 'to? Hindi lang ba 'to imagination? Hindi ba ako nananaginip?

Baby I'm so lonely so lonely
nado honja itneun geotman gatayo
geuraedo neoege sumgigi silheo
naneun honja chamneun ge deo iksukhae
nal ihaehaejwo

Pagkatapos namin kantahin ang last part ay napatingin ulit ako sa parte kung saan nakaupo 'yung nga Kpop Idols at groups. Tinitingnan ko ang reaksyon ng Shining dahil isa sa member nila ang kumanta ng original song na pinili namin, si John. Kasabay naman nun ang pagtayo ni Terrence at bumulong kay Ken, pagtapos ay naglakad siya papuntang back stage. Napatigil ako at sinundan siya ng tingin. Hindi ko namalayang tapos na pala ang tugtog.

"Chun!" Sumenyas sa akin si Ian sa tabi ko. Napakurap naman ako at sumabay sa kanila paalis ng stage.

"Whoooh! Grabe! Kinabahan ako dun pero thank goodness we made it!" Tuwang tuwa naman na humihiyaw si Lennon nang makaalis kami sa stage.

Nang mapadaan kami sa ibang mga Kpop artists ay tumango sila sa amin at ngumiti. Yung iba ay nakikipagkamay pa. Isa pa 'to sa pangarap ko, ang makamayan ang mga Kpop Idols. Nakakatuwa dahil ang tatangkad pala talaga nila. Halos lahat sila ang kikinis at ang liliit ng mukha mapalalaki man o babae kaya aakalain mong mga living anime. Nang makarating kami sa backstage ay napalingon ako sa mga nag uusap sa likod namin. At hindi nga ako nagkakamali, ang Shining iyon. Sa ilang taong pag fa-fangirl ko sa kanila ay maliit na bagay na lamang iyong marecognize ko ang boses nila. Muntik na naman akong manigas sa kinatatayuan ko nang tumigil din sila sa paglalakad.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon