Buti na lang talaga at hindi ko classmate si Francis bukas. Parang nahihiya kasi akong magpakita sa kanya, ewan ko ba. Wrong move yata ang ginawa kong pag-add sa kanya sa facebook eh. Diba dapat hintayin kong siya ang mag-add sa akin kagaya ng ginawa ni Nathan? Lalaki siya, kaya siya dapat ang gumawa ng first move at hindi ako. I unfriended him on my facebook account. Nakakahiya kasi, hindi ako sanay. Though may part sa akin na nagsasabing, wala namang masama. I can act like I just add him as a friend because he's my classmate. No strings attached. Pero di ko yata kayang magkunwari sa sarili ko. Kami-kami na nga lang ng sarili ko ang nagkakaintindihan, maglolokohan pa ba kami?
Napabuntong hininga na lang ako saka nahiga sa kama ko. Parang kelan lang hindi ko inaalala ang mga bagay na ganito. Parang kelan lang, bias ko lang ang iniisip ko. Kay Terrence lang nakatuon ang attention ko, sa kpop lang ang mundo ko. Pero ngayon parang nagbago na ang lahat, simula noong nakita ko si Francis, at nakilala ko si Nathan parang nahati ang atensyon at isip ko. Kung dati'y pag fa-fangirl lang at pag-aaral ang iniintindi ko. Ngayon ay nadagdagan pa ang iniisip ko. Totoo nga kaya ang sabi nilang nakakadistract ang magkaroon ng lovelife? Wait-- ano ba? Wala pa nga pala akong lovelife, crush pa lang. Sabi nila, inspiration daw ang crush, pero bakit ganito? Iba ang pakiramdam ko.
Maaga akong ngising kinabukasan, baka mamaya ay maisipan na naman ni kuya na buhusan ako ng tubig. Pero natapos na lang akong maligo't nakapagbihis na ay wala pa rin siya. Saan na kaya siya? Papasok kaya yun?
Kinatok ko ang pinto ng kuwarto niya, walang sumasagot. Hindi rin daw alam ni mama kung may pasok si kuya. Ayaw na ayaw kasi nitong may pumapasok sa kwarto niya lalo pa't tulog siya. Kaya kahit si mama hindi sinusubukang gisingin siya. Pero kasisimula niya pa lang sa trabaho eh aabsent siya agad? Hindi naman naka-lock ang pinto kaya binuksan ko iyon ng dahan-dahan.
"Kuya?" Nakabalot ng kumot ang katawan niya. Mali-late na kami eh tulog pa rin siya.
"Kuya? Gising na, anong oras na oh! Iiwan na kita!"
"Edi umalis ka na! At sinong nagsabi sayong pwede kang pumasok sa kwarto ko?" Napabalikwas siya at hinarap ako.
"Ako! Bakit ikaw pumapasok ka rin naman sa kwarto ko ng hindi nagpapaalam ah!" Bumangon siya at hinila ako papalabas ng kwarto niya. "Aray ko naman!"
"Umalis ka na! Hindi ako papasok!" Padabog niyang sinara ang pinto. Tss! Akala mo pogi siya para mag-inarte. Bahala siya, sino naman ang masisibak sa trabaho hindi naman ako. Saka mabuti na rin iyon para hindi ko na siya kasabay araw-araw. Nakakasawa na rin kaya ang pagmumukha niya. Mula dito sa bahay hanggang sa university siya pa rin ang nakikita ko.
"GF! Magkwento ka!" Bati sa akin ni Hami.
"Oo nga, nabitin ako kagabi inantok na kasi ako eh." Dugtong naman ni Minki.
"Ano pa bang ikukwento ko eh nasabi ko na sa inyo?"
"Yung tungkol sa kanya. Daya niyo di ko pa siya nakikita, buti pa si Hami nakita na niya ako hindi pa."
"Tse! Ang arte mo talaga, edi bukas abangan mo, basta nasa may likod ko siya nakapwesto. Siya lang naman ang bukod tanging maputi na matangkad na mukhang koreano sa klase namin eh."
"Uwaa! Iniimagine ko pa lang siya gf parang kinikilig na ako."
"Hoy tumigil ka nga dyan gf! Para kay Chun lang siya, bawal agawin!"
BINABASA MO ANG
Dating a Fanboy (On-going)
Teen FictionHow can a fangirl move on from being brokenhearted because of her bias? Does she need to find a handsome guy? Or her bias look a like? Or a kpop fan too? A guy she thinks who could understand her situation because they have the same taste in music...