Chapter Eighteen

461 22 24
                                    

Kailangan niya raw ako? Nakasinghot ba siya ng katol sa bahay nila at kung anu ano na ang mga pinagsasabi niya? Lumingon ako, lumapit naman siya sa kinatatayuan ko na may seryosong mukha. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay lalabas na ito mula sa ribcage ko. Ano ba kasing pinaggagagawa ni Francis? Huhu. Nathan, help!

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko, binging bingi na talaga ako sa lakas ng heartbeat ko. Para na akong magcocollapse anytime. Nanlalambot din ang tuhod ko, di ko na kaya. Di ko na alam ang gagawin, bakit ba kasi ganito siya?

"Kailangan kita kasi gusto kita." Yung mukha niya, blangko lang at seryoso. Nakatitig lang siya sa akin at parang naghihintay ng sagot ko. Ako naman, literal na napanganga pakiramdam ko pa nalaglag ang panga ko nung sinabi niya iyon. Ano ba kasi ang nasa isip niya ba't bigla bigla siyang nag confess? Pero napakurap ako ng ilang ulit nang marealize lahat ng sinabi niya.

"A-ako? G-gusto mo?" Buti naman at may lumabas na salita galing sa bibig ko kahit papaano. Lumapit pa siyang lalo sa akin kaya kitang kita ko ang mga mata niya, shemay! Ba't ang gwapo niyang bigla sa paningin ko? Ba't nakikita ko si Terrence sa mga mata niya? Anuba!

"Joke." Bigla naman siyang bumitaw sa pagkakahawak sa balikat ko at halos himatayin sa kakatawa. Napapahawak pa siya sa tiyan niya sa sobrang tawa. Buwisiiiiiiit! Kung kanina ay gulat ang ekspresyong makikita mo sa mukha ko, napalitan na iyon ng pagkainis.

"Hahaha! Epic yung hahaha! Mukha mo! Hahaha!" Tumalikod ako dahil pakiramdam ko ay napahiya ako. Gusto ko siyang murahin sa inis pero pinigilan ko lang ang sarili ko. Nangigigil ako sa kanya na parang gusto ko siyang pigain at tirisin. Naiiyak ako sa hindi ko malamang dahilan. Parang may kung anong kumurot sa puso ko. Hala! Baka nga may problema na ako sa puso? Baka may sakit na ako?

Maglalakad na sana ako pauwi nang pigilan naman niya ako at humawak sa braso ko. Agad ko namang tinabig ang kamay niya.

"Uy teka. Naiinis ka kasi kanina kaya pinapatawa lang kita."

"So tingin mo natutuwa ako sa ginawa mo? Kung para sayo biro lang ang paglalaro ng feelings ng iba, hindi ako natatawa." Nabigla naman siya sa sagot ko at kahit ako ay nabigla rin. Teka, ano ba yung sinabi ko? Ano yung feelings? Parang na-mental block ako dahil hindi ko matandaan kung ano yung lumabas sa bibig ko. Seryoso.

Napayuko naman siya saka nagsalita.

"Sorry, akala ko kasi matatawa ka eh." Napatalikod na lang ako dahil halo-halo yung nararamdaman ko, nahihiya, naiinis at kinakabahan. "Pero totoo yung sinabi kong kailangan kita." Napabuntong hininga naman ako saka lumingon ulit sa kanya.

"Pwede ba Francis? Ahh, Mr. Roxas pala. Tigilan mo nga ako dahil hindi ko kayang sakyan ang trip mo."

"Kailangan nga kita, paano ko magagawa yung pinaparesearch sa atin na group project kung ako lang mag-isa? Dalawa tayo ang group leader kaya kailangan kita." Nanlaki naman ang mata ko, yun pala ang ibig niyang sabihin hindi naman kasi niya sinabi agad may pa-segway segway pa kasi siyang nalalaman eh.

"Ba't kasi hindi mo sinabi agad?" Napakamot naman siya ng ulo saka alanganing ngumiti. Ang cool niyang tingnan, ayy hindi ang pangit niya pala. "Sige pero dumistansya ka sakin wag na wag mo kung didikitan!" Tumango naman siya.

Wala na akong nagawa dahil maaga pa naman at kailangan naming gawin ang research na yun. Kung kaya ko nga lang pumunta dun mag-isa eh hindi na ako sasama sa kanya kaso hindi ko rin alam dahil ngayon pa lang ako makakapunta roon. Pumara na kami ng masasakyang jeep, dahil ayokong magkadikit kami ay dumistansya ako at hinayaan kong mauna siya pag-akyat kaso kapag mamalasin ka nga naman, dalawang tao na lang ang kakasya sa upuan at magkatabi pa. Ito kasing mga pasahero panay usod sa hulihan, nagtabi pa tuloy kami ng mongoloid. Kumuha ako ng barya sa pitaka ko pero pinigilan niya ako. Napataas naman ang kilay ko at tumingin sa kanya.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon