Chapter Thirty Five

189 11 6
                                    

Napatakip ako ng bibig sa nakita ko. Ang daming tanong sa isip ko na naghihintay ng kasagutan.

Akala ko naka-move on na si Minki kay kuya? Akala ko si Jaylee ang mahal ni kuya?

Hinila ulit ako ni Gwen palayo roon. Tinitigan ko siya nang may pagtataka.

"I was just passing here kanina at nakita ko silang nag-uusap. Kaya when you mentioned her agad kitang hinila papunta dito not knowing na maaabutan natin sila sa ganoong sitwasyon. He's your brother right?"

Tumango lamang ako bilang sagot.

"Are you hurt?"

Nasasaktan nga ba ako? I ship them together pero bakit ito ang nararamdaman ko? I felt betrayed. Hindi lang isang beses 'to nangyari na naglihim sila sa akin lalo na si Minki. Hindi ba nila ako pinagkakatiwalaan?

Ngumiti ako saka umiling. "Uuwi na ako."

"I'll take you home." Napakunot ang noo ko. Hindi ko na kailangang magtanong kung bakit ganito ang inaasta niya sa akin. Sinabi naman niyang gusto niya akong maging kaibigan. "I have a car."

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Nakaupo kaming dalawa sa likod ng driver's seat dahil may personal driver naman siya. Astig nga eh at ang ganda ng sasakyan niya.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa marating namin ang bahay.

"Thankyou Gwen. Next time 'wag ka ng mag-abalang ihatid ako. Mahal ang gas." Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Alright if you insist. Anyway, can I get your phone number? Uhm.. Just in case. You know."

Hindi naman ako nagdalawang isip na ibigay ang number ko sa kanya. She's becoming a friend now.

-

Bumaba ako sa kusina dahil tinawag ako ni Mama para maghapunan. Kanina pa nga ako nagugutom, umiiwas lang akong bumaba dahil parang nahihiya akong harapin si kuya.

Pero bakit nga ba ako nahihiya? Hindi naman niya alam na nakita ko silang naghalikan ni Minki eh. At dapat nga, siya pa ang mahiya na nakita ko sila.

Nakikipag debate na naman ako sa sarili ko. Haha.

"Pusa, bakit ang tagal mong bumaba? Lumalamig na 'yung pagkain." Naka-poker face pa siya sa'kin. Leche, inirapan ko nga.

"Aba!" Babatuhin sana niya ako nang cellphone pero alam kong hindi niya itutuloy dahil kakabili niya lang nun at mahal 'yun. Feeling mayaman nga, naka Iphone 6 pa.

Umupo na lang ako saka nag sandok ng pagkain. Napailing naman si Mama sa amin. Sanay na naman siya samin ni kuya.

Hindi ko napigilang mapatingin kay kuya dahil pakiramdam ko, may mali sa kanya. At tama nga ang hinala ko dahil may maliit siyang pasa sa may bibig niya. Napansin niya akong nakatingin kaya tiningnan niya ako ng masama. Alam niyang magtatanong ako kaya binalaan niya na ako sa mga tingin niya. Takot din siya kay Mama eh. Malamang nakipagsuntukan 'to. Lagot siya kapag nalaman ni Mama, ang tanda tanda na nakikipag basag-ulo pa. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hindi ko na lang siya inintindi.

 

-

 

Pumara ako sa paparating na bus. Kahit mag-isa lang ako ay pupunta ako ng Art in Island. Sayang kasi iyong ticket na binigay kay Mama. Hanggang ngayon na lang 'yun valid, wala naman akong mayayang iba.

Hindi ko na rin inabala si Minki dahil bago pa man ako makapag text sa kanya ay nakatanggap ako ng GM galing sa kanya. Aalis daw siya ngayon at kailangan niya ng pahinga. Hindi ko nga maintindihan kung bakit siya aalis gayong kailangan niya ng pahinga? Hindi ba't dapat sa bahay nila siya magpahinga? Ayoko namang tanungin dahil off text daw muna siya, sabi niya sa GM niya.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon