Chapter Twenty Three

401 17 21
                                    

Dedicated to bhes AJ. Siya po ang may gawa ng DAF cover, voluntary pa po yan. Bait nya hehe. Ang cute po diba? Credits to her, thank you so much! ❤♡❤

 

--

Hindi pa rin mag process sa utak ko ang sinabi ni kuya kahapon. Pumayag lang naman siyang pumunta ako sa bahay nila Francis at uma-attend sa party. Nagtalo pa nga kami hanggang sa bahay pero sa huli, siya pa rin ang nasunod. Hindi niya raw kasi ako papayagang makipagkita kela Hami pag weekends kaya wala akong nagawa. Kahit kasi ganun yung kwago na yun, nasusunod pa rin siya sa bahay namin dahil nga wala si papa kaya siya ang tumayong papa ko. Like, kadiri pero kailangang tanggapin. Mas powerful ang kuya kaysa sa bunso. Pero nagtataka talaga ako, ano kayang nasa isip ng kuwagong yun?

Pupunta ako mamaya sa birthday party ng isang taong hindi ko kilala? Sabihin man nating kapatid yun ni Francis, hindi rin naman kami close. Kamusta naman yun? Buti na lang at pwedeng magsama ng iba kaya naisipan kong yayain mamaya si Minki, hindi kasi pwede ngayon si Hami dahil magrereview daw siya. Kaso hindi ko alam kung paano ko siya iaapproach. Hindi pa kasi kami nag-iimikan eh. That's why I decided to send her a text message saying I'm sorry if I misunderstood her.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang ng room bumungad na sa akin yung mukha ni Francis na nakikipagtawanan. Nilapitan naman agad ako nung seatmate niyang babae.

''Pupunta ka din ba kela Francis mamaya Chun?'' Hindi ko ka-close si ate pero kapag tungkol kay Francis ay kinakausap niya ako.

''Oo eh, sasama ka din ba?''

''Hindi niyo naman ako groupmate eh.''

''Ahh. Edi sabihin mo sa kanya na gusto mong sumama.'' Tinalikuran ko na siya dahil pumasok na yung prof. Die-hard fan ba siya ni Francis or what?

Pati si Nathan mukhang umiiwas na rin sakin dahil nang makasalubong ko siya kanina, umiwas lang siya ng tingin. Wala naman akong maisip na dahilan para ikagalit niya o ikatampo sakin. Iniisip ko pa rin nga yung huling sinabi niya kahapon. Ayaw na raw niya akong maging kaibigan, bakit naman kaya?

Half day lang ang pasok namin kapag MWF kaya maaga pa para makapag-isip ng ireregalo ko sa may birthday. Mamayang hapon pa naman daw yung party kaya makakapaghanda pa. Suddenly my phone rang.

[''Hoy pusa! Ano? Sinong isasama mo mamaya?''] Nakakarindi ang boses ni kuya.

''Wala pa, eh kung wag na lang kaya akong pumunta? Ano ba kasing nasa isip mo at pinipilit mo akong pumunta roon?''

[''Basta! Yung mga kaibigan mo na lang ang yayain mo. Si Minki, sasamahan ka naman ata nun. Sige na, mauubos load ko sayo pusa.''] In-end niya agad ang tawag. Baliw kasi, pwede naman siyang magtext na lang. Maliit ata talaga utak ng mga kuwago.

Nag-uwian na kami nang makita kong nakaabang si Minki sa labas ng room. Nilapitan ko naman agad siya.

''Tinawagan ako ng kuya mo, samahan daw kita mamaya.'' Medyo cold pa din ang pagkakasabi niya.

''Bati na tayo?'' Ngumiti naman siya sakin.

''Pasalamat ka di kita matiis. Pati si oppa.''

''Paano ka nga pala niya natawagan? Bakit may number mo siya?''

''Matagal na kaya, kapag may lakad tayo nagtetext siya sakin, nagtatanong kung magkasama tayo at kung anong ginagawa natin.'' Matagal na pala akong pinapamanmanan ni kuya? Wala ba siyang tiwala sakin?

''Kuwago talaga yun.''

''Tara na! Mag aayos pa tayo at pipili ng isusuot mo. Bibili pa tayo ng pangreregalo.''

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon