Special Chapter (Sam Hami)

339 17 13
                                    

HAMI'S POV:

 

Wala ng mas sasakit pa sa pakiramdam na hindi para sa'yo ang suportang ibinibigay ng taong mahal mo. Nasa harapan si Jaychan na may dalang heart shape light stick at todo suporta kay Bridgette. Sa tuwing maglalakad ako sa stage ay pinipilit kong umiwas ng tingin sa parte kung nasaan siya. Mula noong nag-umpisa ang pageant ay tuluyan ng napanghinaan ako ng loob. Kung hindi lang dahil sa suportang ibinigay nina Minki at Chun ay kanina pa ako nag back out. Balewala 'yung mga sigawan ng tao para sa'kin kesa sa isang simpleng, 'kaya mo 'yan babe!' ni Jaychan para kay Bridgette. Habang inaayusan ako nung nag-mi-make up sa akin ay unti-unting bumabalik ang mga salitang binitiwan ni Jaychan sa akin.

 

''Thank you Hami for lending me your ears, you're such a great friend!'' Niyakap niya ako, para akong tuod na hindi makagalaw sa kinauupuan ko noon. Tama I'm just a friend kaya walang ibang ibig sabihin ang mga yakap niya sa akin.

Si Bridgette ang gusto niya at hindi ako siya.

''I'm sorry for acting so gay right now.'' He smiled, that quirky little half-smile I adore. ''Sayo lang talaga gumaan ang loob ko and I trust you this much kaya sayo ko lang din nasabi lahat 'to.'' Tipid akong ngumiti, siguro kung sila Chun at Minki ang kaharap ko alam nilang hindi totoo ang mga ngiti ko ngayon. Hindi ako makaimik, pakiramdam ko kasi kapag nagsalita ako ay kasunod na papatak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Naiinis ako sa sarili ko dahil masyado akong nadala. Ang bilis nahulog ng loob ko sa kanya, ang bilis kong nagtiwala. Akala ko kasi mangyayari sa akin ang mga eksenang nababasa ko sa mga libro, hindi pala. Hindi naman kasi ako ang bida sa istorya. Sa istorya nilang dalawa, ako ang extra.

''Hami! Go back to your senses!'' I saw her snapped twice. Nawala na pala ako sa konsentrasyon dahil sa pag-iisip ko kay Jaychan. Tumayo naman ako kaagad at tumingin sa salamin na nasa harap. Ibang-iba ako ngayon. Halos hindi ko makilala ang sarili ko, sana ganito na lang ako palagi. Sana kayang takpan ng make up ang lungkot sa mukha ko.

''Smile! 'Wag kang sumimangot!'' Utos ng baklang nag-aayos sakin. Pilit naman akong napangiti. Katatapos lang din ng performance ng mga banda kanina. Sandali lang akong nakapanood dahil naghahanda din kami para sa susunod na isusuot namin. Masasabi kong ang galing ni Chun, alam kong kayang-kaya naman niya iyon pero mas nagulat ako sa pinakita niyang galing kanina. Pakiramdam ko nga ay nanonood ako ng live concert ng isang professional band kahit saglit lang 'yung panonood ko. Lalo na nang mag duet na sila ni Ian, ang galing lang. Nakakatuwa dahil nawala konti 'yung kaba ko nang marinig ko 'yung boses ng GF ko. Narinig ko din naman 'yung mga kinanta ng ibang banda at halos lahat sila puro magagaling lalo na ang banda nina Nathan at Jaylee. Aaminin kong magaling nga talaga sila, pero malaki rin ang laban nina Ian at Chun kaya tingin ko isa sa kanila ang makakapasok sa face off battle kung saan mag sho-showdown 'yung dalawang bandang mapipili. At kung sino ang mananalo sa round na 'yun ang siyang magiging champion. Sana manalo sina Chun kahit ako hindi na.

Si Bridgette ang unang candidate at pangatlo naman ako kaya habang naghahanda akong tawagin ang number ko ay siyang pagbaba niya galing sa stage. Tinitigan niya ako na may kasamang pangmamaliit. Dumaan siya sa harap ko at sinadyang sanggiin ang braso ko. Gusto ko man siyang patulan ay hindi ko magawa, iniisip ko kung anong sasabihin ni Jaychan. Hindi ko rin naman ugaling makipagtalo kaya nilagpasan ko na lang siya. Hindi na ako makapaghintay na matapos itong pageant. Gusto ko ng umuwi, gusto ko ng magpahinga.

''Candidate no. 3 for her evening gown!'' Nakarinig ako ng malakas na sigawan galing sa mga classmates ko. Pag-akyat ko sa stage ay ang nakabibinging tili ni Minki ang nangibabaw. Ngumiti ako dahil kailangan kong ibigay lahat ng kaya ko sa pageant na ito. Kahit naman hindi ko gusto ang sumali ay kailangan kong suklian ang effort ng mga taong sumuporta sa akin. Nangunguna na roon si Minki at Chun, yung mga classmate ko at pati na rin yung proffessor namin na naniniwalang kaya kong sumali sa ganitong klaseng contest. Lahat ng sulok na makikita ko ay kailangan kong ngitian pero nang mapadako na kay Jaychan ang tingin ko'y napaiwas ako. Ang gwapo pa naman niya sa suot niyang pang kpop din, bagay nga sila ni Bridgette.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon