Chapter Twenty Eight

285 16 11
                                    

''Kausapin mo siya mag-isa mo!'' Isasara ko na sana ang pinto pero hinarang niya ito. Naaasar ako sa kanya, kahit pa kuya ko siya hindi ako natutuwa sa ginawa niya. Mahal ko siya at mahal ko din ang kaibigan ko. Ayoko namang sarili kong kapatid ang maging dahilan para masaktan si Minki.

''Look, I'm serious here Angel!'' Alam ko kapag galit o seryoso siya dahil tinatawag niya ako sa first name ko, ni minsan hindi niya rin akong tinawag na Chun. Pusa lang at once in a blue moon naman ang Angel.

''Seryoso din ako Kuya! Sa tingin mo tutulungan kitang makausap 'yung Jaylee na 'yun ngayong alam ko na ang tungkol sa inyo ni Minki? Kuya naman! Kaibigan ko 'yung tao, bakit mo ginawa 'yun?'' Di ko na napigilan ang sarili ko kaya napaupo na ako sa kama. Siya naman ay sinara ang pinto ng kwarto para na rin siguro hindi marinig ni mama ang pag-uusap namin.

''S-sinabi niya sa'yo?'' Parang namutla siya nang sabihin 'yun.

''Oo. At hindi ako papayag na saktan mo siya, kapatid kita at kaibigan ko naman siya. Kung hindi mo naman pala siya mahal kuya, bakit mo pa siya niligawan?'' Napayuko siya at umupo sa tabi ko.

''Hindi ko naman talaga siya niligawan eh. It just happened.''

''What? Anong it just happened kuya? Ano 'yun, biglang kayo na? Walang ligawan? Walang aminan?''

''Oo wala. Hindi ako nanligaw sa kanya, but she confessed her feelings for me dahilan para maawa ako sa kanya. Naaalala ko kasi si Jaylee sa kanya noon, nung panahong gustong-gusto pa niya ako. Ayokong mangyari sa kanya 'yung ginawa kong pagbalewala kay Jaylee kaya tinanggap ko 'yung feelings niya para sa'kin. Nagbabakasakali din akong baka magustuhan ko siya pabalik, na baka matulungan niya akong makalimutan si Jaylee. Pero mag-iisang buwan na, si Jaylee pa din talaga ang gusto ko Angel. Ayokong masaktan si Minki, napakabait niya sa'kin at alam kong gusto niya rin talaga ako pero hindi ko magawang suklian ang pagmamahal niya sa'kin eh.'' Napapikit ako, inaabsorb ko ang lahat ng sinabi ni kuya. Para kasi akong lutang dahil na rin sa dami ng nangyari ngayong araw, dumagdag pa 'to.

''Pero mali kuya eh, maling-mali. At sa ginawa mo, sinaktan mo na siya.''

''I know, kaya nga itatama ko hangga't maaga pa lang. Kakausapin ko si Jaylee, magbabakasakali akong baka maayos pa ang tungkol sa amin dahil hindi naman talaga niya boyfriend 'yung Francis na 'yun.''

''Alam ko.''

''Paano mong nalaman?''

''Narinig ko kayo kanina. Pero 'yun na ba 'yung plano mo? 'Yung tungkol lang sa inyo ni Jaylee ang aayusin mo? Paano si Minki? At paano kung di mo na maaayos ang sa inyo ni Jaylee?''

''Baka sa pagkakataong 'yun, itutuon ko na lang ang atensyon ko kay Minki. Maybe when someone pushes me away there will be this someone who'll gonna hold on to me. Baka si Minki na iyon, I'll try to reciprocate her feelings for me then.''

''Ginawa mo lang siyang rebound? Panakip-butas? Reserba? Second option? Kuya naman! Akala ko ba matalino't magaling ka? Asan na?'' Sumasakit na ang ulo ko talaga.

''Pagdating sa lintek na pag-ibig na 'yan nagiging bobo ang matatalino. Hindi naman kasi 'to katulad sa math na may formula sa pagkuha ng sagot.''

''But you made it more complicated kuya! Pwede naman sanang sinabi mo na lang kay Minki na hindi mo siya gusto. Atleast masaktan man siya, isang beses lang. Hindi gaya nito, pinatagal mo lang, pinaasa mo lang siya. Hindi por que't tinanggap mo ang pag-amin niya sa'yo napasaya mo na siya dun. Kailangan niyang maramdamang mahal mo rin siya, that will completely make her happy. Kahit ako si Minki, mas pipiliin ko na lang na maging honest ka at i-reject mo ang feelings ko sa'yo kesa ang paniwalain at paasahin ako sa isang kasinungalingang gusto mo rin ako.''

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon