Chapter Twenty Five

347 18 17
                                    

Dalawang linggo na lang bago yung Kpop Fest. Busy na ang lahat ng mga kasali, kanya-kanya na silang practice. Kami naman, magsisimula pa lang sa pag-eensayo. Nakakakaba at the same time nakakaexcite. Hindi ko pinangarap ang masali sa isang music band, ang pangarap ko lang ay ang makaduet sa stage si Terrence. Pero alam kong malabo na iyon. Ngayon, susubukan kong tumugtog at kumanta sa isang banda. Hindi ko naman ineexpect na manalo, gusto ko lang masubukan. Baguhan lang ako samantalang yung ibang mga kasali ay sanay na, isa na roon si Jaylee. Alam kong magaling siya at magaling din si Nathan. Sa lahat ng mga kasali tingin ko ay ang banda nila ang mananalo. Well, hindi ko pa naman nasusubukan 'yung grupo namin nina Ian kaya hindi ko pa masasabi kung anong kaya namin. Mamaya ko pa malalaman dahil mamaya na kami magsisimulang mag practice. Nakakatuwa lang dahil kung kailang gusto kong sumali at nawalan ako ng pag-asang makasali ay dumating si Ian. Alam kong magaling siya dahil minsan ko na rin siyang napanood kumanta at tumugtog ng gitara, yun ay noong birthday niya.

Alam na nila Minki at Hami kaya tuwang-tuwa sila. Gusto talaga nila akong sumali para kalabanin si Jaylee. Aaminin ko sa sarili kong gusto kong manalo dahil gusto kong ipakita sa kanya na may ipagmamalaki din ako. Kahit pa hindi ako masaya dahil ibig sabihin nun ay makakalaban ko rin si Nathan.

''Ready ka na?'' Tumango naman ako kay Ian. Nasa bahay nila kami ngayon, dito na daw kami magp-practice palagi. Hawak ko yung mga lyrics ng kantang kakabisaduhin ko, nagsimula na silang magtugtog.

Magaganda yung kanta at alam ko naman kaya mabilis ko silang nasabayan. Maganda din talaga ang boses ni Ian kaya nasasabayan niya yung boses ko. May mga naka highlight naman kung ano yung part ko at kung alin yung part niya. Bale tatlong kanta ang tutugtugin namin, isang melo, danceable at yung isa ay kami na ang pipili ng genre. Magaling din si Lennon, yung drummer at si Henry, yung sa piano.

''Sa tingin mo ba kakayanin pa? Dalawang linggo na lang ang natitira sa'tin eh. Yung iba nakapag practice na ng isang linggong advance sa atin.'' Kasalukuyan kaming nag memerienda ngayon, pahinga daw muna.

''Magtiwala ka lang, magaling ka kaya 'wag kang mawalan ng pag-asa. Matagal pa ang dalawang linggo.'' Medyo nabuhayan naman ako sa sinabi ni Ian. Ngumiti na lang ako ng tipid. Nakita kong pumasok si Francis, tumingin lang siya sa amin at dire-diretsong naglakad. Masama na naman ang timpla ng mukha niya. Narinig ko namang napabuntong hininga si Ian.

''Almost fifteen years na kaming magkasama sa isang bahay pero ganyan siya palagi.''

''Anong ibig mong sabihin?'' Takang tanong ko.

''Galit pa din siya sa Mommy ko dahil daw ito ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mga magulang niya. Ako, I understand my mom kung bakit pinili niyang magkaroon ng bagong family at makasama ang daddy niya. My mom and his dad were childhood sweethearts. Naghiwalay sila nang ilayo sila ng family ng daddy ni Francis. My mom waited him for four years pero nabalitaan na lang niyang ipinakasal ang daddy ni Francis sa mommy niya, that was an agreement, a fixed marriage. Kakasimula ko lang pumasok sa prep school, nagkasakit si dad that caused his death.  A year after nagkita ulit si mom at si Tito Earl, Francis's dad and found out that they still love each other. Kumbaga, fate, destiny, naniniwala ka ba sa ganun?''

''Hindi ko maisip na sa'yo pa mismo manggagaling ang tanong na 'yan.'' Natawa ako ng mahina, who would have thought na naniniwala pala siya sa mga ganoon? ''Siguro? Pero I think most of it was just coincidence. Masyado kasing fictional ang destiny, I could just hear it from movies and read it on some books but in real life? Hindi yata.''

''Believe me it's true.'' Saka siya ngumiti. ''Ten years of waiting is impossible right? Pero nagawa nilang magkita ulit. They already have their own family but still, destiny crossed their paths. At sa panahong pareho silang nangungulila. Yung mom ko na noon ay na byuda, at yung dad niya na nag-aasikaso ng annulment nila ng mom ni Francis noon. Bago pa man magtagpo ang landas nila noon ay nag decide na ng annulment both his parents kaya hindi totoong dahil sa mommy ko kaya sila naghiwalay, pero 'yun ang pinaniniwalaan ni Francis. Too cliche right? But it's real.'' Napatango na lang ako, wala namang masama sa pagsang-ayong may destiny nga.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon