Chapter Ten

507 18 6
                                    

I felt uneasy. Ayoko na talagang magtagal dito, kung hindi lang nakakahiya kay Nathan eh baka di na ako tumuloy. Naglalakad na si Jaylee patungo sa amin at iniwan niya si Terrence look a like na nakatayo doon. Buti na lang talaga at hindi din siya lumapit sa amin. Nagsalita naman si Nathan.

"Ah Chun siya pala yung pinsan kong may birthday ngayon, meet Jaylee my cousin, Jaylee she's Chun classmate ko sa Logic and Ethics."

"Yeah cous, I know her. Right Chun?" Nginitian pa niya ako na may kasamang pang-aasar. Problema ng babaeng 'to? Pasalamat siya at birthday niya ngayon kaya hindi ko siya papatulan. Dagdag pang pinsan pala siya ni Nathan.

"Y-yes. Kilala ko siya, h-happy birthday pala." Pinilit ko pa ring ngumiti kahit papano. Pero hindi ako makatingin sa direksyon kung nasaan si Terrence look a like ngayon. Medyo malayo naman siya sa amin kaya okay lang.

"Thankyou, by the way paano kayo naging close cous? At napapayag mo siyang sumama dito, is there something between the two of you?" Grabe kung makatanong 'to parang wala ako dito.

"Ahh no, classmates kami and we're friends that's all." Kumportable niyang sagot dito, nakangiti pa. Parang wala lang sa kanya yung tinanong ni Jaylee eh.

"Oh really? Sige punta na kayo sa garden andoon na yung ibang bisita."

"Okay," nilingon niya ako. "Let's go Chun, see you later cous." Ngumiti naman siya sa amin saka tumungo ulit sa direksyon ni Terrence look a like. Kami naman ay tumungo na sa garden ng bahay nila. Ang ganda ng bahay nila, may kaya naman kasi sila Jaylee at kahit sila Nathan ganoon din. Tinuro niya sa akin kanina nang madaanan namin ang bahay nila. Halos magkakamukha lang nman ang mga bahay dito, iba-iba lang ng design. Pagdating namin sa garden, mayroon na ngang iilang mga bisita doon. Naupo muna kami at inantay na magsimula ang party. Ang daming nakatingin sa amin usually mga classmates ni Jaylee. Pati yung ibang fangirls niyang kaibigan andito din, wagas pang makatingin. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Haha. Dejoke, I'm not being conceited i'm just trying to keep calm here. Ang bagal tumakbo ng oras, gusto ko na talagang umuwi.

Nagsimula ang party, nagsalita muna yung parents ni Jaylee at pati siya nag message din. May cotillion siya kaya mayroong 18 roses and 18 candles. Isa sa 18 roses niya si Nathan and the last one was Terrence look a like. Hindi ko maexplain ang naramdaman ko nang makita ko silang sumasayaw. Tingin ko talaga may "something" sa kanila eh. Baka nga tama ang hinala ko na sila nga. Ouch lang, hindi ko pa nga nakikilala si Terrence look a like, bigo na agad ako. Pero ano pa nga ba ang aasahan ko? Saka okay lang yun andyan pa naman si Nathan eh. Ako na talaga may crush na reserba. Haha. Siguro kung okay pa si Jaylee at kuya Chad ngayon baka isa ito sa mga 18 roses niya.

Nasa iisang table kami ni Nathan kasama ng 3 pang bisita na sa tingin ko students din ng SMU. Nasa kalagitnaan na kami nang pagkain nang tumayo si Nathan.

"Wait there Chun ha? Turn na pala namin, kain ka lang dyan babalik din agad ako." Tumango naman ako at sinundan siya nang tingin. Papunta siya sa may music operator at kinuha ang case ng guitar niya. I guess kakanta siya with matching guitars. My feels, ngayon ko pa lang siya maririnig na kumanta. Sobrang turn on yun, isa sa mga gusto ko sa isang guy eh yung marunong kumanta at maggitara plus magaling pa siya magluto. Okay, siya na talaga biniyayaan. Pumunta siya sa mini-stage doon sa harap at kinuha ang mic stand saka niya nilagay ang mic doon.

"Nag-enjoy ba kayo sa pag kain guys?" Naghiyawan naman yung ibang babae na nakikinig, landi much? "Okay so let me, uhm, us perform tonight. Join me here debutant." Lumapit naman si Jaylee na todo ngiti at kinuha ang isa pang mic.

"Yes, kakanta po kami ngayon ng pogi kong pinsan. Para sa inyo to guys, pasasalamat ko na lang din sa pagpunta niyo ngayon." Nagpalakpakan naman yung mga tao including me. He started to strum the guitar. Gosh! Ang galing niya lang, ang pogi pa niyang tignan. Ano ba yan, aatakihin yata ako sa kilig dito eh. Tumingin siya sa akin saka ngumiti. Wala na, mauubusan na talaga ako ng oxygen. Kahit yung ibang mga babaeng nanonood eh napapatili na din ng mahina, masyadong obvious sina ateng.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon