Chapter Thirty Six

193 12 9
                                    

"B-Bridgette? Sir Cruz?" Lakas loob akong lumapit sa kanila.

"W-What are you doing here?" Nauutal niyang tanong sa akin.

Hinawakan ako ni Gwen sa mga kamay. "I think we should go."

Tinanguan ko na lamang si Bridgette at si Sir Cruz habang hinihila ako ni Gwen palabas ng Starbucks.

"I know everything." Sabi niya nang makarating kami sa sasakyan niya.

"A-Anong meron?"

Nagpakawala siya ng buntong hininga bago nagsalita. "Sir Cruz is her dad."

"Ibig mong sabihin--"

"Oo. At kung pwede lang sana, Chun. Huwag mo na lang ipaalam sa iba."

"Pero bakit?"

"There are things that is too complicated to share. So instead of telling, they prefer to hide it and keep it a secret. Bridgette is still my friend kahit pa umiwas ako sa kanila ngayon. May pinagsamahan din naman kami."

"Okay lang, wag kang mag-alala. I will never tell this to anyone."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Thankyou."

Tumango lamang ako.

-

Wala kaming prof sa last subject kaya napagdesisyunan kong kausapin ang isa sa Redlight. Isusuggest kong si Jaylee na lang ang kunin nilang kapalit sa akin. Malapit na kasi ang M-MAMA kaya kailangan na nilang makumpleto para makapag practice.

Buti na lang at nakita ko si Lennon na kakalabas lang galing library.

"Lennon!"

Napalingon naman siya at ngumiti nang makita ako. "Uy Chun, bakit?"

"May nahanap na ba kayong kapalit sa akin?"

Naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. "Wala pa. At parang wala na rin silang balak ituloy pa ang pag perform sa M-MAMA."

"Ha? Bakit naman?"

Nagkibit-balikat lamang siya. Tiningnan ko ang hawak niyang libro.

"Saan ka papunta? Pwede mo ba akong samahan? Gusto ko kayong makausap."

"Ihahatid ko muna itong libro kay Hami tapos sasamahan kita."

-

Tahimik kaming naglalakad papunta ng music room, naroon daw kasi si Ian at Henry. Pero bago pa man kami makapasok sa loob ay nakita namin sa glass window na naroon si Jaylee, kausap ang dalawa. Napaatras ako kaya naman nagtataka akong tiningnan ni Lennon.

"Ikaw na muna ang pumasok. Baka kinausap na sila ni Jaylee eh, mukhang hindi ko na sila kailangang kausapin pa." Ngumiti ako para ipakitang okay lang ako doon.

"You sure?" Tinanguan ko lamang siya at nagpatuloy na siyang pumasok sa loob. Iniwan niyang nakaawang ang pinto kung kaya naririnig ko ang pinag-uusapan nila nang makapasok si Lennon.

"Uy nandito na pala si Lennon, pre, si Jaylee na ang magiging lead natin." Nakita ko namang ngumiti si Jaylee kay Lennon at nakipagkamay.

Tumalikod na ako para makaalis doon. Okay naman na pala eh, wala ng problema. Hindi ko na sila kailangang pakiusapan dahil tinanggap na nila si Jaylee.

Natutuwa ako dahil sa wakas ay pwede na nilang ituloy ang special performance nila sa M-MAMA. Alam kong gusto rin ni Jaylee dahil Kpop fan din siya, at maging si Ian.

Pero kahit papaano ay nalulungkot pa din ako. Ako sana kasi ang nasa posisyon niya ngayon. Ako sana ang nagpa-practice kasama ng Redlight. Ako sana ang kasama nilang mag perform sa M-MAMA. Pero okay lang. Dahil simula noong umalis ako ay tumigil na rin ang mga paninira sa akin. Tama nga si Kuya Chad, ang pagiging bokalista ko sa bandang 'yun ang dahilan ng pagkainggit sa akin ng mga tao sa paligid. Kahit sino naman kasi ay gugustuhing makapag perform doon sa M-MAMA lalong lao na sa mga Kpop fan na tulad ko.

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon