Chapter Twenty Seven

317 17 12
                                    

''Cheers!'' Itinaas naman namin ang hawak naming baso na may lamang softdrinks at sabay sabay na nag-toast. Wala namang pasok kinabukasan dahil sabado kaya okay lang magpuyat. Sobrang saya ko ngayong araw, iba pala ang pakiramdam ng nanalo.

Nasa bahay kami nila Ian, ininvite niya kaming doon na lang maghapunan dahil nagpahanda ng kaunting salu-salo ang mommy niya. Tutal ay maaga namang natapos ang event, mag aalas otso pa lang kasi ay tapos na dahil alas kwatro pa lang nagsimula na ang program. Kasama ko ang buong banda, si Hami, si Minki at pati na rin si kuya. Niyaya kasi siya ni Ian na sumama, close yata sila eh. Nakikita kong mukhang masaya naman si Hami, gusto ko man siyang tanungin ay pinipigilan ko ang sarili ko. Mas mabuti siguro kung 'wag muna naming pag-usapan 'yun ngayon.

''Gf, ang cute ni Lennon 'no?'' Ano pa nga bang aasahan ko kay Minki? Mabilis ang mata niya sa mga gwapo.

''Gwapo din si Henry ah.''

''Tch! Gwapo? Eh ang sungit sungit.'' Napa-pout naman siya.

''Sows! Hindi naman masungit 'yung tao, di ka lang niya siguro feel.'' Si Hami naman ang nagsalita.

''Ang ganda ko naman para hindi niya i-feel. Choosy pa siyang singkit siya!''

''Bitter sa singkit?''

''Hindi kaya! Singkit din naman si Chad oppa eh, pero mabait naman sa'kin.'' Pinanood ko na lang sila na nagtatalo habang nag-uusap naman 'yung mga boys sa kabilang couch. Nasa sala kasi kami ng bahay nina Ian, katatapos lang naming maghapunan.

''Teka, tutulungan ko lang 'yung mommy ni Ian sa kusina. Nakakahiya naman.'' Tumayo ako at tinungo 'yung kusina. Nadatnan ko namang naghuhugas ito ng plato habang ang isang katulong ay naglilinis ng mesa.

''Oh hija bakit andito ka?'' Ang ganda ng mom ni Ian, hindi halatang nasa mid 40's na ito. Mabait pa, sa kanya siguro nagmana si Ian.

''Ah tutulungan ko lang po sana kayo.''

''Naku, 'wag na matatapos na rin ito. Ikaw si Chun 'di ba?'' Tumango naman ako. ''Palagi ka kasing kinukwento sa'kin ni Ian.''

''Ho?'' Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Ano kayang kinukwento ni Ian tungkol sakin? Nakakahiya naman.

''Dalawa pa lang kayo ang naging kaibigan niyang babae. Ikaw pa lang at si wengweng. Bata pa lang sila nun nung naging magkaibigan sila pero nang makatapos sila ng highschool ay hindi ko na nakikitang nagpupunta dito si weng. Hindi ko nga alam kung bakit, ayaw namang magsabi ni Ian sakin. Kaya nung kinuwento ka niya sa akin ay natuwa ako. Palagi kasi niyang sinasabi na magkaugali tayo.'' Hindi ko alam ang isasagot kaya napatango na lang ako. ''Don't be shy hija, madaldal lang talaga ako and you can approach me anytime.'' Nginitian naman niya ako.

Bumalik na ulit ako sa sala dahil mukhang nagkakasiyahan na sila roon. Bukod tanging si kuya lang ang nagmumukmok doon sa dulo ng couch. Panay pa kalabit niya kay Ian pagtapos ay magbubulungan sila. Bading ba si kuya at type niya si Ian? Pinangilabutan naman ako, hindi naman siguro.

Nagkantahan lang kami sa magic sing nina Ian, si Minki ang nangunguna. Ang nakakatawa ay nagtatalo sila ni Henry sa mga kinakanta niya, pinipintasan pa siya nito na mababa ang tono di kaya'y masyado namang mataas. Nagtalo lang sila hanggang sa kinuha ni Lennon ang mic at pumindot doon ng kanta. Hindi pala pwedeng pagsamahin itong dalawa dahil gulo ang kalalabasan. Pero nakakatuwa pa rin na nagkakasundo kaming lahat kahit pa hindi pa kami ganoon katagal na magkakilala. Except kay Minki at Henry na magkaklase pala sa ilang subjects. Kaya pala ganun sila magtalo. Kinausap ko na lang si Hami dahil nananahimik na naman siya. Alam kong nalulungkot siya, ayaw niya lang iyon ipahalata sa amin.

Habang kumakanta si Lennon ay may nagbukas ng pinto. Bumungad sa amin si Francis, walang reaksyon sa mukha niya. Naninibago tuloy ako, parang mas okay pa noong makulit at madaldal siya atleast 'yun alam ko kung anong iniisip niya. Teka, ba't ko nga ba siya inaalala? Kadiri!

Dating a Fanboy (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon