Naglalakad ako sa hallway papunta ng classroom na halos hindi man lang maiangat ang ulo. Halos lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin, may mga naririnig pa akong nagbubulungan. Gusto kong umiyak sa sobrang hiya, gusto kong umuwi na lang. Bakit kailangan pang umabot sa ganito?
"Siya 'yung vocalist ng Red Light 'di ba?"
"OMG! Ang taong tahimik, nasa loob ang kulo. True right?"
Babalik na sana ako at uuwi na lang nang may lumapit sa akin at nilagyan ng earphones ang magkabila kong tenga.
"Tuturuan kita ng sekreto."
Nagtaka naman ako sa tinuran ni Ian matapos ilagay ang earphones sa tenga ko, agad ko namang tinanggal ang isa para marinig ko ang sasabihin niya.
"A-anong sekreto?"
Napabuntong hininga siya at sinabayan ako sa paglalakad. "Ganyan lagi ang ginagawa ko sa tuwing ayokong makinig sa ingay ng mundo. Kapag pagod na akong marinig lahat ng reklamo ng ibang tao, kapag gusto kong makatakas sa mundong ito. Nilulunod ko ang sarili ko sa musikang pinapakinggan ko." Tumingin muna siya sa akin bago nagsalitang muli. "Minsan kailangan nating magbingi-bingihan para magpanggap na hindi tayo nasasaktan. Kailangan mong magkunwaring hindi ka apektado para magsawa sila sa pananakit sayo."
Kung anuman ang pinupunto ngayon ni Ian. Hindi ko man ito masyadong maintindihan. Alam kong gusto niya lang akong protektahan.
Tiningnan niya akong muli at saka ibinalik ang isang pares ng earphone sa tenga ko.
"Takpan mong mabuti ang tenga mo para hindi mo marinig ang masasakit na sinasabi sayo ng ibang tao."
Tiningnan ko siya. Sa totoo lang, kanina ko pa pinipigil ang mga luha ko. Ngayon lang nangyari sa buong buhay ko ang ma-bully ng ganito. Hindi ko na rin kailangang ipaliwanag ang sarili ko sa kanila dahil alam kong hindi nila iyon paniniwalaan. Ang mga tao nga naman, kapag may nalamang hindi maganda sa ibang tao, ikasasaya pa nila iyon. Kahit di ka pa nila kilala kapag may nalaman silang tungkol sa'yo, tama man o mali, yun at yun na ang iisipin nila. Totoo man o hindi, yun na ang paniniwalaan nila. Gusto ko mang ipaliwanag na mali ang pagkakaintindi nila, wala na rin itong magagawa. 'Ika nga, "First impression lasts." Iyon na ang pagkakakilala nila sa akin mula ngayon at hindi na magbabago 'yun. Gusto ko mang matawa, hindi ko magawa.
Tiningnan niya ako ng bahagya at saka nagsalitang muli. "Pigilan mong pumatak ang luha mo, Chun. Huwag mong ipapakita sa kanilang naapektuhan ka dahil mamimihasa sila. Don't give them the satisfaction of seeing you in pain. Ang mga tao kasi, mas natutuwa 'yan kapag may hindi magagandang nangyayari sa kapwa nila. Tanging 'yung mga totoong nagmamahal lang sa'yo ang iintindi sa'yo."
Agad ko namang pinunasan ang luhang namumuo sa mata ko bago pa ito tuluyang tumulo. Tama nga si Ian, kailangan kong ipakitang hindi ako apektado. Mapapagod rin sila at titigil din kapag nakita nilang hindi ako naaapektuhan.
"S-salamat." Iyon na lamang ang nasabi ko nang makarating kami sa pinto ng classroom. Papasok na sana ako nang biglang hinawakan niya ang kamay ko.
"Chun."
"Bakit?"
Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Tandaan mo, nandito lang ako." Binitawan niya naman kaagad ang kamay ko saka tumalikod na at naglakad palayo. Nanatili akong nakatayo roon at pinagmamasdan ang likuran niya.
Salamat Ian..
-
"GF!" Sinalubong ako ni Hami at Minki habang papasok ako ng canteen. Ngayon lang ulit kami magkakasamang tatlo simula noong sem break. Sabay naman nila akong niyakap. Kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pag-aalala. Kahit hindi ko na sabihin, alam kong alam na nila kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Dating a Fanboy (On-going)
Teen FictionHow can a fangirl move on from being brokenhearted because of her bias? Does she need to find a handsome guy? Or her bias look a like? Or a kpop fan too? A guy she thinks who could understand her situation because they have the same taste in music...